Christopher's POV "Kayanin mo! Hindi tayo pwedeng mamatay dito!" Sigaw ko sa opposite ko nang atakihin kami ni Tagakashi at ng opposite rin nito. Kumunot ang noo ko dahil sa sitwasyon ko ngayon. Ang hirap nito. Tatanga-tanga ang kabaliktaran ko. Baka magdulot ito sakin ng kapahamakan at ikamatay ko pa. Hindi ko iyon dapat na hayaan. Binuwelo ko ang hawak kong latigo na napulot ko lang kani-kanina. Hindi ko alam kung saan ito galing at kung sinong may hawak nito. Dinampot ko na lang ito agad dahil magagamit ko ito. Medyo bihasa ako sa paggamit nito dahil may ganito kami sa bahay na pagmamay-ari ni papa. Wala akong ideya kung bakit siya may ganito ngunit ang palagi niyang sinasabi sakin ay importante raw ang latigo na iyon sa kanya. Ibinalik ko agad ang aking sarili sa realidad. "Huwag

