"You may all go now. Except for Mr. Frey." Isa-isang nagsipagtayuan ang mga empleyado at tahimik na lumabas ng meeting room. "Pambihira! Saan naman tayo hahanap ng model? Eh sa kamakalawa na 'yong shoot." "I know right. Ang perfect na sana si Alessanna eh, kung hindi lang nag-bitchessa ang lola mo." Napangisi lang si Alexiel sa bulong-bulungan ng mga staff habang papalabas ang mga ito. "Glad you've made it, Mr. Frey." Napalingon si Alexiel sa gawi ng binatang CEO at kaagad inabot ang nakaumang nitong kamay. "It's my pleasure. But please, I prefer being called, Alexiel." "Then you can call me Klein, instead." The young CEO smiled as he shook his hand. Naupo silang pareho at maagap na iniabot ng assistant ang kontrata kay Alexiel. Napatingin siya rito, ngunit bago niya ito basahin a

