Chapter 16

2829 Words

Naestatwa silang pareho. Para silang tinamaan ng kidlat sa sinabi nito. "Why?" alanganing tanong ni Alexiel. Tumikhim ang art director saka tinitigang mabuti si Liliana. "That purple teardrop necklace is too beautiful. Its getting in the way of our layout nasasapawan 'yong actual perfume bottle. Pakitanggal na lang po." Pareho silang hindi nakapagsalita. Sa oras na tanggalin ng dalaga ang kuwintas. Siguradong dudumugin si Liliana ng mga tao. Nanlamig bigla ang mga palad ng dalaga. Naalala pa lang niya ang mga nangyari no'ng gabing 'yon, matapos matanggal ang kuwintas, kinikilabutan na siya ng todo. Mabilis niyang nilingon si Alexiel. Anong gagawin natin? bulong niya sa kanyang isipan. Alam niyang nababasa 'yon ni Alexiel. Sandaling nag-isip ang binata. "Akong bahala..." bulong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD