Chapter 3

2894 Words
Tiningnan siyang mabuti ng dalaga. Pati na rin ang malawak na silid aklatan na kinaroroonan nila. "Ikaw?" mahinang tanong nito. "Sino ka? At nasaan ako?" "You're in my house, human realm to be exact and I'am..." Ngunit bago pa maituloy ni Alexiel ang sasabihin ay bigla na lang tumayo ang kausap at dali-daling nagtungo sa bintana para sumilip. Isang matamis na ngiti ang gumihit sa labi ng dalaga, habang sabik na sabik na pinagmamasdan ang buong siyudad mula sa malawak na bintana. While Alexiel just stood there. His mouth, half opened. Unable to finish what he had to say to this young beautiful lady, who successfully made him feel insignificant for a couple of seconds. He smirked. Did she just ignored me? Alexiel glared at her and cleared his throat. Nabigla tuloy ang dalaga sa lakas ng pagkakaubo nito. Marahan niyang nilingon ang binata na kanina pa masama ang tingin sa kanya. "Pasensiya na..." wika nito saka ngumiti. "Natuwa lang kasi ako. Matagal ko na kasing gustong makapunta sa mundo ng mga tao." Pero hindi ito sumagot. Biglang nagdilim ang buong paligid at tanging ang lilang mga mata nito ang kanyang naaninag. Nagsimula itong lumakad patungo sa kanya at halos magtindigan lahat ng balahibo niya nang maramdaman ang kakaibang lamig habang papalapit ito. She wanted to move away from this man, but her whole body froze, just by looking at his deep purple eyes. "Let me break this to you girl..." Alexiel whispered, emphasizing each word. "This ain't a field trip." His deep cold voice send shivers down her spine. It's sound, the epitome of pure evil. Huminga nang malalim si Liliana at pilit humugot ng lakas loob para lang makapagsalita. "S-Sino ka ba?" Ngunit lalo lang itong lumapit sa kanya hanggang sa magkalapit ang kanilang mga mukha. "Someone you should never forget... and never ignore." Her heart pounded in her ears as he looked into her eyes and down to her trembling lips. This man might be a pleasure to look at, but her instincts tell her otherwise. "Don't move..." His warm breath feathered across her cheeks as he spoke those words. She wanted to run, she wanted to look away. Away from those vicious cold eyes. But this otherworldly creature is preventing her to do so. He touched her neck and felt her skin burn. He ran his fingertip around her nape and a dark purplish flame followed its trail. Liliana winced in pain as it slowly transformed into a sparkly gold necklace, embellished with a purple teardrop jewel. Binitiwan siya ni Alexiel at biglang nagliwanag ang buong silid-aklatan. Unti-unting naging itim ang mga mata nito at ang nakakatakot nitong aura ay bigla na lamang naglaho. Naguguluhang napatingin si Liliana sa binata at gano'n rin sa kuwintas na kanyang suot. "Ano ba 'to?" Hinawakan niya ito at akmang huhubarin. "Huwag na huwag mong tatanggalin yan," pigil ng binata. "You're very much aware that you possess some kind of a dangerous delicious scent right?" Alexiel smirked. "Unless you wanted to drive the whole city crazy chasing after you, then go ahead, take it off." Napalunok si Liliana saka binitiwan ang kuwintas. "Pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Sino ka ba talaga? At bakit ako narito?" Asar na napangiwi si Alexiel. Tignan mo 'tong babaeng 'to? Sa pagkakatanda ko, ako 'tong nilayasan niya kanina habang nagpapaliwanag ako... "I'm Alexiel," he lazily said. "I'll be the one to guide you in becoming a full-blooded succubus." "Pero ayokong maging isang succubus." "As if I wanted to be your guide?" he hissed sarcastically. Umupo si Alexiel sa kanyang upuan at pinagmasdan ang dalaga. "Kung gano'n, bakit ka pa bumaba sa impiyerno?" Natahimik bigla ang dalaga. "Namuhay ka ng dalawampu't siyam na taon kasama ang mga anghel sa langit, ni-hindi mo man lang naramdaman na kakaiiba ka sa kanila?" sarkastikong tanong ni Alexiel. Naglikot ang mga mata nito at umiwas ng tingin sa binata. "Well, I guess angels were just too kind, huh? But not kind enough to tell you the truth." he grinned insultingly. "Then let me slap you with the hard facts. You are no angel, Liliana. You are a succubus, a female s*x demon to be exact." Paulit-ulit itong umiling saka mariing tinakpan ang kanyang tainga. "Hi-Hindi... Hindi." "Yes you are," Alexiel insisted. "We are created to seduce, to lure, to f**k and to consume human souls, so we can acquire power and live forever." "Kahit kailan hindi ko pinangarap na mabuhay ng ilang libong taon para babuyin ko ang sarili ko at mangbiktima ng mga inosenteng tao." "Inosente?" Halos humagalpak ng tawa si Alexiel. "You have no f*****g idea what you're talking about." He stood up and walked straight at her. "I live in this world for 1,583 years and if there's someone who knew humans better, that would be me." Alexiel tilted his head and looked down on her. "They are weak, greedy and full of lust. They're not as innocent as you think." "At sino naman ang gusto mong pagkatiwalaan ko?" sabat ni Liliana. "Gusto mong maniwala ako sa isang demonyong katulad mo?" "Well, you got a good point there." Mariing hinawakan ni Alexiel ang braso nito saka puwersahang kinaladkad ito patungo sa pinto. "Bitiwan mo ko!" sigaw ni Liliana habang pilit binabawi ang kanyang braso. Binuksan ni Alexiel ang pinto at pabalibag siyang itinulak nito palabas. You trust humans rather than your own kind, right? Her eyes widened in terror. Alexiel never opened his mouth but he heard his ominous voice loud and clear. His mocking smile grew even wider. Don't you ever set your foot on my door step begging for help. 'Coz b***h I won't be here. Pabalibag na isinara ni Alexiel ang pinto at halos mapapikit si Liliana sa lakas nito. Huminga siya ng malalim saka muling minulat ang kanyang mga mata. Ngunit tanging mapanghusgang mga mata lamang ang bumungad sa kanya mula sa mga tao na naroon sa hallway. Kaagad siyang yumuko at doon pa lang niya napansin na tanging manipis na puting tela lamang ang bumabalot sa kanyang katawan. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at napapikit sa kahihiyan. "Hindi ba't unit ni Alexiel Frey yan?" "Pinagsawaan na ni Alexiel yan," gatong ng isa sa mga babae na naglalakad sa hallway. "Sayang, ang ganda pa naman. Kaso laspag na." "Kung si Alexiel ba naman lalaspag, bakit hindi?" Naghagikgikan pa ang mga ito saka mapanuyang tinititigan si Liliana. "Mga tao talaga walang magawa kundi pagusapan ang kapwa." Napalingon si Liliana sa pinanggalingan ng tinig at isang matandang babaeng may hawak na mop ang kanyang nakita. "Sus mio... Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Napatingin ang matanda sa unit na kinatatayuan ng dalaga at kaagad napasimangot. "Salbahe talaga yan nakatira diyan," bulong nito saka hinatak ang braso ni Liliana. "Halika sumama ka sa akin. Bago ka pa abutan ng mga guard dito." **** Pumasok ulit sa silid aklatan si Alexiel at komportableng naupo sa upuan. Hinawakan niya ang tasa ng kape at inilapit ito sa kanyang labi. "Aren't you too hard on her?" Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng kabilang silid at nakita ang isang dalaga na nakasuot ng asul na uniporme. "Paalala ko lang, legal sa demonyo ang maging masama." Ngumisi lang ang dalaga at sa isang iglap ay bigla na lang itong napunta sa kanyang gilid. Napatingin tuloy si Alexiel sa dalagang katabi at napatingin sa nameplate nito. "Senior Inspector Hernandez... Pulis ka na pala ngayon?" Inismiran lang siya ng dalaga. "Seryoso ako, Alexiel. Talagang hahayaan mong gumala sa lansangan ang inosenteng succubus na 'yon?" "Wala akong pakialam kahit gumulong pa siya sa kalsada. Teka nga, bakit ka ba nandito, Abraxas?" asiwa niyang tanong dito. "Nothing. Just visiting my brother..." "Damn... You have 769 demon brothers. Why does it have to be me?" Abraxas cleared her throat. "Gusto ko lang ipaalam sayo na primary suspect ka sa pagkamatay ni Mixie Danielle, congrats ha." sarkastiko nitong wika. Sumandal si Alexiel at tahimik na humigop ng kape. "She died a natural death, like everybody that I used to f**k, and they all died happily ever after." Tumaas ang kilay ng kanyang kausap at seryoso siyang tiningnan nito. "Nakalislis ang underwear at nakasalampak ng upo sa upuan na parang binalibag na laruan? Mukha bang natural sayo 'yon?" Alexiel didn't answer but his naughty smile can't help but creep on his lips. "Let me remind you, Alexiel. Humans are weak but they are not dumb." "But intelligence doesn't solve anything, right?" he countered, mockingly. "Kahit anong gawin nilang pag-iimbestiga, wala naman silang makikitang ebidensya na makapagdidiin sa akin. At kung mahuli man nila ako, ano namang gagawin nila sa akin?" natatawang tanong ni Alexiel. "Ikukulong nila ako? Wow, takot na takot naman ako." The lady in uniform just released a deep sigh. "I'm just here to warn you." "Warn me?" Alexiel glared at her sharply. He quickly lifted his finger and sliced through the thin air and Abraxas vanished in a fleeing black smoke. "Baka sunugin ko pa ang buong presinto ninyo..." piksi ni Alexiel saka muling dinampot ang tasa ng kape at hinigop ito. Hay... putang-ina lumamig tuloy itong kape ko. Istorbo! **** Isinama ng matandang babae si Liliana sa kanilang locker room at binigyan ng damit. Isinuot naman kaagad ng dalaga ang over-sized long sleeves na inabot nito saka nginitian ang matanda. "Pagpasensiyahan mo na yan, Hija. Iyan lang kasi ang damit na naiwan dito. Wala rin akong kahit anong sapatos o tsinelas para maipahiram sayo..." "Naku, malaking bagay na po ito. Maraming salamat po." "May cellphone ako rito. Baka gusto mong tawagan ang mga magulang mo para sunduin ka?" Natahimik bigla si Liliana. "Wala po eh..." mahinang sagot ni Liliana saka yumuko. Wala naman siyang ibang kilala sa mundong ito maliban kay Alexiel. Napabuntong-hininga na lamang ang ginang. "Di bale, ihahatid na lang kita sa baba para makakuha ka ng taxi pauwi sa inyo." Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Alam mo namumutla ka... Kumain ka na ba?" Binuksan ng ginang ang kanyang locker, saka kinuha ang isang plastic ng pandesal. "Kunin mo na 'to, kainin mo habang nasa biyahe ka." Napatingin si Liliana sa matanda saka mapait na napangiti. "Napakabuti po ninyo. Maraming salamat po." Napangiti ang matandang babae saka hinaplos ang kanyang pisngi. Hinatid siya ng ginang hanggang sa labas ng building. Sinalubong sila ng malamig na ihip ng hangin at kaagad napatingin ang matanda sa madilim ang kalangitan. "Naku, mukhang aabutin ka pa ng ulan. Sandali at ikukuha kita ng taxi." "Ay Nay, huwag na po..." awat ni Liliana dito. "Sigurado ka Hija?" "Opo. Pasensiya na po talaga sa abala," magalang niyang sagot. "O sige, maiwan na kita. May trabaho pa kasi ako." Niyakap niya ang ginang saka nagpaalam bago ito pumasok muli sa building. Huminga ng malalim si Liliana habang pinagmasdan ang buong siyudad. Saan na ako pupunta nito? Tiningala niya ang mga nagtataasang gusali pati na rin ang mga nagkalat na taong naglalakad sa kalsada. Ngunit kaagad siyang napasimangot no'ng makita ang malaking billboard ni Alexiel sa kahabaan ng siyudad. "Hinding-hindi ako hihingi ng tulong sayo!" Napatalon sa gulat si Liliana no'ng biglang kumidlat. Bumuhos ang malakas na ulan kaya naman mabilis siyang tumakbo at naghanap ng masisilungan. **** Madilim sa loob ng silid at tanging ang liwanag lang mula sa nagmo-moist na bintana ang nagbibigay liwanag dito. Napakalakas ng ulan sa labas at sadyang napakalamig. Tahimik na nakapikit si Alexiel habang nakahiga sa puting recliner seat, no'ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Marahan siyang dumilat at tamad na inabot ito. "What the hell do you want?" "Si Sir naman, ang sungir. Nasaan na po kayo?" "Nasa bahay, bakit?" "You got to be kidding, right?" "f*****g not." Pareho silang natahimik ng ilang segundo. "Sir Alexiel naman eh!" matinis na iyak ng baklita niyang assistant. "May photoshoot po kayo tonight for Harper's Bazaar! As in, now na!" Fuck... Huminga siya ng malalim saka inis na napahawak sa kanyang sentido. I totally forgot about my schedule because of that stupid girl. "Naku, Sir... Friday pa naman ngayon, rush hour at ang lakas-lakas ng ulan. Siguradong traffic! Oh my God, oh my God! I'm so dead..." natatarantang wika ng kausap. Alexiel just rolled his eyes. "Calm your t**s, will you? I'll be there." **** "Alright, everybody's right on place?" tanong ni Police Inspector Gio Lucero sa mga kasama sa loob ng surveillance van. "Yes Sir!" mabilis na sagot ng apat niyang tauhan. "Sir Gio..." bulong ng isa niyang kasamahan. "Hindi po ba illegal 'tong gagawin natin? Wala po tayong warrant baka sumabit po tayo?" "Kung mananahimik ka malamang hindi tayo sasabit." Sumilip si Gio sa labas ng bintana. Madilim at sadyang napakalakas ng ulan. Pero nanatiling nakatuon ang kanyang tingin sa verranda ng isang condo unit sa ninth floor. "Anong oras na ba? Hindi ba may photoshoot 'tong si Alexiel?" Kaagad niyang ginagap ang communcation devics na nakakabit sa kanyang tainga. "Nakaalis na ba ang suspect?" "Negative Sir, nandito pa rin po ang kotse niya sa parking lot." "Bantayan niyong maigi," mahigpit na utos ni Gio. Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamao. Hinding-hindi ko hahayaang makapambiktima ka pa ng iba. **** Aligagang naglakad sa loob ng studio ang assistant ni Alexiel. Hindi niya malaman kung saan niya ipipihit ang puwet sa sobrang kaba. "Siguradong papatayin ako ng Fashion Director nito, galing pa naman ng Paris yung photographer..." Biglang bumukas ang pinto ng studio at pumasok si Alexiel. Mabilis na napalingon ang kanyang assistant at halos nanlaki ang mga mata nito. "A-Ang bilis mo S-Sir... Wala pang five minutes... " Dire-diretso lang itong naglakad sabay hagis ng itim niyang trench coat sa pagmumukha ng kanyang assistant. "I'm never late." Napatingin ang isang lalaki kay Alexiel habang nag-aayos ito ng lighting. Sandali niyang binitiwan ang equipment at naglakad sa likod ng studio. "Sir, kararating lang po sa studio ng suspect," mahinang bulong nito sa kanyang cellphone. "Ano?" Halos mapaiktad sa pagkakaupo si Gio. "Paanong nangyari 'yon?" Mabilis niyang sinenyasan ang mga tauhan at kaagad namang kumilos ang mga ito. Ginagap niya ang listening device sa kanyang tainga at inactivate ito. "SPO2, hindi mo ba nakitang umalis ang kotse ni Alexiel?" "Umalis? Nandito pa rin po ang kotse sa parking lot." Mabilis na nilingon ni Gio ang isa pang kasama. "Sino ang naka-assign sa lobby area? Hindi ba't may nakabantay din sa taxi bay?" "Yes Sir. Lahat po ng exit and entry points may mga tauhan po tayo," mabilis na sagot nito. "Pero sabi po nila, kanina pa po raw sila naroon, pero ni-anino ng suspect hindi man lang nila nakita." "Eh 'yong tao natin sa loob ng control room? 'Yong CCTV footage sa mismong floor ng condo unit ng suspect?" "Sir, negative daw po. Hindi raw po lumalabas si Alexiel Frey sa unit niya simula kagabi." Gio gritted his teeth and slammed his fist into the table. "Dammit! How did that happen?" Napakamot na lang ang mga tauhan niya sa loob ng surveillance trailer van. "Eh Sir, may sa-demonyo yata 'tong tinitiktikan natin eh." **** Sumilong si Liliana sa isang waiting shed at naupo sa bakanteng bench. Ngunit hindi pa man siya napapahinga ay bigla na lang siyang napabaluktot nang biglang gumihit ang sakit sa kanyang kalamnan. Halos umikot ang kanyang paningin. Sinapo niya ang kanyang sikmura at dali-daling kinuha ang pandesal mula sa plastic. Ilang araw na siyang nakakaramdam ng ganito. Ito na marahil ang madalas banggitin sa kanya ng demonyong nakausap niya no'ng bumaba siya sa impiyerno. "Makakaramdam ka ng matinding gutom." "Gutom?" tanong niya rito. "Oo, gutom na tila ba malapit ka ng mamatay." Sunod-sunod niyang sinubo ang pandesal. Wala na siyang pakialam kung anong itsura niya o kung mabulunan pa siya. Ang tanging alam lang niya ay gutom na gutom na siya. Punong-puno ang kanyang bibig at pilit ninamnam ang pandesal na kinakain. Ngunit matapos lang ang ilang sandali ay napatigil din siya sa pag-nguya. Huminga siya ng malalim at hindi na napigilan pa ang sariling umiyak. "No matter how much you eat. It will never satisfy your hunger..." His deep purple cat eyes were fixed on her. "Your whole being will eat your own soul and it will kill you bit by bit. Only a human soul could end your suffering. Just imagine... No more pain, no more hunger. Just pure pleasure, endless youth and more power." Belial let down his long black hair as he stood up. He looked at her and offered his hand. "All it takes is one human soul..." Inilapag niya ang tinapay. Nawalan siya ng gana sa naalala niya. Huminga siya ng malalim at niyakap ang sarili. "Ayokong ibigay ang sarili ko sa kahit na sino... Hindi ko gustong makapanakit. Hindi ako demonyo. Hindi ako isang succubus." But her thoughts came in to a halt whena blazing streak of electric blue light snared her attention. Wisps of steam hissed off the sleek, silver frame of the menacing Lexus sports car that stopped right in front of her. Marahang bumaba ang bintana nito saka sumilip ang tatlong kalalakihan. "Hey! You good, babe? Need a ride?" alok ng mga ito saka malokong ngumiti, habang tuloy lang sa pagnguya ng bubblegum. Binalot ng takot si Liliana, lalo na no'ng hagurin siya ng tingin ng mga ito mula ulo hanggang paa habang marahang sinisipulan. "H-Ha? Hindi... may hinihintay ako." Tumayo si Liliana saka napaurong. The guy on the driver seat smirked. "Get her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD