CHAPTER 17 Valid Starting that day, Khalee always go with us. Para siyang si Law pero parang hindi rin. Gustong-gusto ko ring nakikita ang progress niya sa pagkausap sa ibang tao. Ganoon din kasi talaga ako dati. I was not used to be friendly and talkative. Nahawa lang ako kay Trick kaya natutuhan kong huwag magpatalo sa asaran. Dati, nagsasalita lang ako sa tuwing nati-trigger ng mongs na ‘yon. Ngayon, kita ko na rin naman na ang pinagbago ko. Today, we decided to have practice for our band. May gig daw kasi kaming pupuntahan sa susunod na araw. The practice was held in Aga’s house. Medyo malaki ang bahay nila. May room pa talaga para pag-practice-an. Mukhang dito na talaga sila nag-pa-practice noon pa man dahil nandito rin daw ang mga sinusuot nila sa tuwing may gig.

