HINDI naman niya kasalanang mas magaling siya kay Ira. Wala ring dahilan para paghinalaan siya nitong inaagaw niya si Cleo. Puro accidental meetings lang ang nangyayari sa kanila ng lalaki.
Binibigyan lang nito ng malisya ang pagiging friendly nang lalaki sa kanya. Nagngingitngit pa rin ang kanyang loob nang pauwi siya. Nakasabay niyang palabas ng school si Cleo. Napabuntung-hininga na lang siya. Mukhang sa gusto niya o hindi, mapapaaway siya dahil dito.
"Hey!" Bati nito.
"Hi! Kumusta ang game ninyo?"
"Okay naman. Iyong sa inyo. Kumusta ang practice?"
"Okay lang."
"Ready na ba kayo sa nalalapit ninyong competition?"
"Aywan ko. Siguro. Mukha namang confident si Coach, eh."
"Mukhang pagod ka, ah. Ang tipid mong sumagot ngayon."
"Blame it on Ira." Amin niya.
"Bakit ano'ng ginawa niya?"
"Mahabang kwento."
Bagaman at gusto na niyang ipagtapat dito ang lahat, nagpigil pa rin siya. Ayaw niyang maakusahan siyang nagso-solicit ng symphathy.
Hindi niya nakita sa parking lot ang kotse ng kanyang daddy. Pagkatapos niyang maghintay ng ilang minuto, tinawagan niya ito sa opisina. Hindi raw siya masusundo nito dahil may late meeting daw ito. Nasa grocery store pa raw ang kanyang mommy kaya kung pwede raw na mag-commute na lang siya or pumunta muna sa library para hintayin matapos ang mommy niya.
Napabuntung-hininga siya. "May problema ka ba?" Tanong ni Cleo.
"Hindi raw ako masusundo ni Daddy, kasi may meeting pa siya. Si Mommy naman ay nasa supermarket. Mukhang mamaya pa ako makakauwi. Pupunta na lang muna ako sa library."
"Ihahatid na kita. May dala akong sasakyan." Alok nito.
"Huwag na. Nakakahiya naman sa iyo. Babalik na lang ako sa library. One hour na lang naman ang ipinaghihintay ko kay Mommy, eh."
"Bakit naman nakakahiya? Ok lang, I swear."
"Thank you talaga pero wag na lang." Tanggi niya.
"Huwag ka na sabing mahiya, eh. Nakakahiya kung pinilit mo ako. Hindi naman, no? Ako ang nag-offer. In fact, I insist." Pamimilit nito.
"Kung babalik ka sa library, ihahatid rin kita roon. Iyong oras na gugugulin natin sa paglalakad, ibiyahe na lang natin. Makakapag-pahinga ka pa ng mas maaga."
"Sure ka?"
"Sure na sure. Saan ka ba nakatira?"
"Sa Bloomfield."
"What? Tagaroon din ako, ah!" Gulat na wika nito.
"Talaga? Bakit hindi tayo nagkikita?"
"I don't know. Saan ba kayo naroon?"
"Sa phase three. Cattleya street."
"Alam ko na kung bakit. Sa phase one kasi kami sa lotus street."
Magkakaiba ang entrance ng bawat phase ng village na iyon, although iisa ang clubhouse na niyon.
"Imagine that. Halos neighbors pala tayo and we didn't know about it." Komento nito.
"Oo nga."
"Pumunta ka ba sa clubhouse?"
"No. Why?"
"Saan ka nagsu-swimming?"
"Sa bahay. May sarili kaming pool."
"Really? That's convenient for you."
"Yeah. Kayo? I'm sure may basketball court kayo, no?"
"Yeah. Pero half court lang. Kailangan pa namin pumunta ni Bern, that's my brother, sa clubhouse para makapaglaro ng seryoso."
"Well, maliit din lang naman ang pool namin. Pero pwede na ring pagtiyagaan." Natatawang wika niya.
Nang dumating sila sa bahay, inimbitahan niya ito sa pool side. "Ipaghahanda kita ng meryenda. I'm sure gutom ka na rin."
"Nakakahiya naman sa parents mo. Wala pa naman sila."
"Okay lang iyon. Para makita mo na rin kung gaano kaliit ang pool namin."
Natatawang dagdag niya.
"Okay."
Pagkatapos niyang ihatid ito sa pool side ay naghanda siya ng juice at cookies para sa kanilang dalawa.
"Hindi ka na sana nag-abala." Anito nang balikan niya ito.
"Don't worry, I didn't. Prepared na iyong juice sa ref and yang cookies namin, Chips Ahoy lang yan. Binili namin sa supermarket. Hindi marunong mag-bake ang Mommy ko, eh."
"Specialty namin ng Mommy ko ang baking. She owns a cake shop at the mall."
"Wow!"
"But secret lang natin to, ha? Hindi siya masarap magluto ng ulam. Prito lang ang alam niyang lutuin. Kaya dati, halos mapurga kami sa takeouts. Muntik na nga kami tubuan ng buni sa fried chicken, eh. Nang hindi makatiis si Daddy, nag-hire siya ng kusinera."
"Anong trabaho ng father mo?"
"Architect. Yours?"
"Supply chain consultant. Freelance writer naman ang mom ko."
"I see."
Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na ito. " Well, mauuna na ako. Thank you sa meryenda."
"Thank you sa hatid."
"Anytime."
Hindi agad ito umalis sa kanyang harap na para bang may sasabihin ito pero nahihiya lang na banggitin ito iyon.
"Zairah, may gagawin ka ba tomorrow?" Tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.
"Wala naman. Why?"
"Gusto mong bisitahin ang clubhouse? Pwede tayong mag-swimming doon."
"Gaano ka kaagang gumising?" Nakangiting tanong niya.
"Why?"
"The best time to go swimming is early in the morning or late in the afternoon. I'm sure, marami ng tao sa clubhouse kapag hapon. So it would be better kung maaga tayo. di ba?"
"How about six AM? Okay na ba yon?"
Inihatid niya ito hanggang sa tapat ng sasakyan nito. "Open na ba ang clubhuse kapag ganoong time?"
"Let me take care of that."
"Okay, I'll bring our breakfast. Ano'ng gusto mo?"
"Don't bother. Ako na lang lahat ang magdadala."
"Nope. Ganito na lang, compromise tayo. I'll bring the food, you bring the dessert. Deal?"
"Sige na nga. Ano'ng gusto mong dessert?"
"Blueberry cheesecake."
"Wonderful. Favorite ko rin iyon, eh. I love longganisa and omelete for breakfast."
"Me too. Hashbrowns? Plain rice or fried."
"Yes on the hashbrowns and plain rice,please."
"Perfect. See you tomorrow."
"It's a date." Masaya itong kumaway sa kanya bago ito umalis.
"Date? Ulit niya. "I'm going out on a date? Oh, no!" Dismayadong isinara niya ang kanilang gate. Paano kung hindi ako payagan nina Daddy? Nag-alalang tanong niya sa isip.
Nang naghahapunan na sila ay nakakuha siya ng tiyempong magpaalam sa kanyang mga magulang nang banggitin ng mga ito ang tungkol sa pag-uwi niya nang mag-isa ng hapong iyon.
"Hindi ako nag-commute, Dad. Isinabay ako no'ng kaklase kong taga riyan sa phase one. Hindi nalang niya kayo nahintay kaya hindi ko siya naipakilala sa inyo."
"Pina-merienda mo ba naman siya, Zairah?" Tanong ng mommy niya.
"Yes, Mom. In-invite nga niya ako bukas na pumunt sa clubhouse. I-try ko raw ang pool doon."
"Anong oras kayo aalis?"
"Six po. Sabi ko, ako ng magdadala ng breakfast para doon na kami mag-almusal."
"Pwede ba akong sumama sa inyo?" Sabad ni Danica. " Wala rin naman akong gagawin bukas, eh."
"Mayro'n kayong household chores." Paalala ng kanilang mommy.
"Mom, pwede bang sa Sunday na lang namin gawin iyon? Nakaoo na kasi ako, eh. Nakakahiya naman kung biglang magbabago ang isip ko. Isa pa, hindi ko alam ang phone number
niya."