"EXCUSE me, saan ang line ng students under section Rizal?"
"Dito. Transferee ka?" Nakangiting sagot nito.
"Yeah. I'm Zairah Velez. And you are?"
"I'm Abby Alawi. Magkaklase tayo. Section Rizal din ako, eh. Nice to meet you."
Nakasalamin ito, mukhang nerd pero friendly. Kung mag-aayos lang siguro ito at pipili ng mas flattering na frame eyeglasses ay lalabas ang angking ganda nito.
"Where are you from?" Curious na tanong nito.
"Manila. We just move here last month."
"I see. I'm sure, hindi naging madali iyon para sa iyo." Anito.
"Sinabi mo." Nakangiting kumpirma niya.
"You can call me Abby. My friends do."
"Thanks, Abby. Friends mo ba ang mga iyon?" Tiningnan niya ang maingay na grupo ng dalawang babaeng sinundan niya kanina.
Tumaas ang kilay nito. "You must be kidding! Mukha ba akong oversized na Barbie?"
Natawa siya sa reaksiyon nito. "Just asking. Gusto ko lang makatiyak kung kailangan kong kumapit from time to time para hindi ako madala ng malakas na hangin." Paliwanag niya.
"Zairah, for that intelligent observation alone, you have become my soul sister." Nagkatawanan sila. Nag-high-five pa silang dalawa.
Tiningna siya nito mula ulo hanggang paa. "Alam mo bang tiyak na pag-iinitan ka ni Ira?"
Tumaas ang kilay niya. "Bakit naman?"
"Maraming dahilan akong nakikita. But offhand, I'd say because your prettier than she is."
Natawa siya. "Gano'n?"
"Mismo. Vain ang babaeng iyan. Feeling niya, siya ang pinakamaganda sa lahat ng lupa. Or at least sa klase namin. Natin, I mean. Mabuti naman ay dumating nang makakatalo sa kanya. Dininig din ng langit ang panalangin ko."
"Bakit ba masyado kang gigil diyan kay Ira?"
"Evil iyan eh. Alam mo ba kung ano'ng tawag niya sa akin? Abbynerd. Tuloy, ang ibang kaklase namin, iyon ang tawag sa akin."
"Maitim nga ang budhi."
"Sinabi mo pa. Kaya nga haping-hapi ako na nandito ka na."
Napailing nalang siya. Mukhang kasabay ng pagkakaroon niya ng kaibigan, nakakuha rin siya ng kaaway, at least, by association. Dahil kung pag-iinitan ni Ira itong kanyang bagong kaibigan, tiyak na damay siya. Iyon ay kung hindi pa niya paniniwalaan ang sinasabi ni Abby na may reason na ito para kainisan siya nito on her own.
"Ira, look! May bagong friend si Abbynerd."
"If I were you, girl, pipili ako ng ibang friend. Huwag kang sumama riyan kay Abbynerd. Nakakahawa ang pagiging nerd niyan. Ikaw rin." Nagkatawanan ang mga ito. Pulang-pula naman si Abby.
"Huwag mo nang pansinin ang mga iyan. Baka masuspend tayo pag nagkagulo ngayon. First day pa naman ng klase." Bulong niya rito.
Tumango na lang ito. Pareho silang tumahimik at nagsawalang-kibo kahit nagbubulungan pa rin ang grupo nina Ira at panay ang hagikhikan ng mga ito pagkatapos na tingnan sila ng mga ito.
Tumigil lang ang mga ito nang mag-umpisa na ang flag ceremony. Kahit paano, nakahinga siya nang maluwag. Wala siyang planong madala sa guidance office sa unang araw ng klase pero kung hindi pa titigil ang mga ito sa pagsulyap sa kanila at sa pagtatawanan, malamang na hindi siya makapagpigil at ma-confront pa niya ang mga ito.
"Pasensiya ka na, ha? Pati ikaw, muntik nang madamay kanina." Nahihiyang sabi ni Abby nang naglalakad na sila papunta sa room ng first subject nila pagkatapos ng flag ceremony.
"Wala namang nangyari, eh. Huwag mo nang isipin yon. At saka hindi naman ikaw ang nagpasimuno ng pang-aasar, sila."
"Nagsisisi ka ba na ako ang nasamaham mo?"
Napangiti siya. Bukod yata sa walang alam ito sa pag-aayos, kulang din ito sa social skills. Mukhang malaki ang insecurity complex nito.
"Siyempre, hindi. Mas gusto ko pa ring ikaw ang kasama ko kaysa sa mga abnoxious na iyon."
"Thank you, ha? Kapitbahay kasi namin yang sina Ira. Magkaibigan ang mommy namin. At dahil laging ikino-compare ng mommy niya ang grades niya sa grades ko, pinag-iinitan niya ako."
"Ano'ng ginagawa mo dati kapag inaasar ka nila?"
"Tumahimik. Mas marami sila, eh." Nahihiyang amin nito.
"Mabuti na lang pala, hindi ka violent. Kanina pa kasi ako natatakot na baka madala tayo sa guidance office." Natatawang amin niya.
"Bakit? Kung saka-sakali ba, tutulungan mo ako?" Gulat na tanong nito.
"Oo naman. Di ba, friends tayo? Ibig sabihin, tulungan."
"Then, I'm glad to be your friend, Zairah."
"Dito."
Dahil narito ang kanyang atensyon, nabunggo niya ang isang lalaking estudyante na mukhang nagmamadaling makapasok ng room.
"Oops. Sorry." Automatic na turan nito.
"Sorry din." Bahagya lang na tinapunan niya ito ng pansin. Kahit humihingi ito ng paumanhin, parang wala naman iyon sa loob nito. Nagmamadaling pumasok ito sa room.
"Sino naman ang antipatikong iyon?"
"Si Cleo. Team captain ng basketball. President ng student council. Resident heartrob ng Southfield Academy."
Tumaas ang kanyang kilay. "I see. Kaya naman pala akala mo kung
sino."
Napangiti ito. "Hindi, uy! Mabait iyon. Nagmamadali lang talaga siguro. You'll see."
Nang mag-breaktime ay nakilala niya ang iba pang mga kaibigan nito. Mixed ang genders ng mga ito at puro serious types, karamihan ay nasa school paper. Palibhasa, ito ang editor in chief.
"Mahilig ka rin bang magsulat, Zairah?" Tanong ni Serge, ang bading na sports editor.
"Hindi gaano, eh. Mas mahilig ako sa sports."
"Talaga? Ano'ng sports?"
"Swimming, badminton, soccer."
"Saan ka pinakamagaling?" Tanong naman ni Joy, ang mahinhing literary editor.
"Swimming."
Nakita niyang nagtinginan ang mga ito. "Bakit?" Naguguluhang tanong niya.
"Mukhang destined talagang magkabangga kayo ni Ira. Siya ang team captain ng swimming dito, eh." Sagot ni Abby.
"Hindi naman siguro. I'm sure, kung makukuha man ako sa team, bilang member lang. Alam ko namang isa iyon sa magiging consequence ng pag-transfer ko, eh."
"Are you any good?" Tanong ni Serge.
"I guess I am.