"ABBYNERD? I mean, Abby, is that you?" Gulat na bulalas ni Marty nang mapagsino ang kausap nito. Kasama nito si Cleo.
"Yes, Marty. This is me." Natatawang sagot ni Abby.
Nagngitian naman sila ni Cleo. Lumapit ito sa kanya. "Mukhang nakaligtas tayong dalawa sa isa na namang body collision ah." Komento nito.
"Yeah." Natatawang ayon niya. "Mukhang may replacements na tayo."
"I presume, ikaw ang responsible sa transformation ni Abby?"
"Hindi naman. Nagsuggest lang ako. Okay ba?"
"Kailangan mo pa bang itanong yon? Kung gusto mo ng pruweba, tingnan mo na lang ang mukha ni Marty." Natatawang sagot nito.
Nang tingnan niya si Marty, parang namamalikmata pa rin ito. Nagba-blush naman si Abby. Nagtawanan sila ni Cleo. "Gusto mong mag-merienda? Sa palagay ko, nakalimutan na tayo no'ng dalawa."
Tiningnan niya ang kanyang kaibigan. Engrossed pa rin ito sa pakikipag-usap kay Marty. Sa tingin niya walang kumukurap sa dalawa. "Sure."
Natatawang iniwan na lang nila ang dalawa. Hindi na sila nagpaalam sa mga ito. Sa isang ice cream parlor sila tumuloy. "Paano mo naging friend si Abby?"
"Siya ang napagtanungan ko noong first day ko sa school. Kayo ni Marty?"
"Sa iisang village kami nakatira. Sa iisang school din kami nag-aral since prep."
"I see."
"Bakit mo naman naisipang baguhin ang looks ni Abby?"
Nag-alangan siyang sagutin ang tanong nito dahil hindi niya alam kung ano talagang nararamdaman nito para kay Ira. On the other hand, aware naman siguro ito sa ugali ng kaklase nila at ng mga kabarkada nito.
"Nakita ko kasi kung paano siya laitin nina Ira dahil hindi siya marunong mag-ayos ng sarili. Pero kung titingnan mo naman siyang mabuti, makikita mo rin ang potential niya. So, tinulungan ko lang siyang ilabas kung ano'ng mayroon siya."
"I bet, magugulat silang lahat on Monday kapag nakita nila si Abby." Nakangiting komento nito.
"Akala pa naman nila, nasa grupo na nila ang pinakamagaganda sa Southfield." Tumingin ito kanya ng may humor sa mata. "Tapos, dumating ka. Ngayon naman, na-transform si Abby. Sa palagay ko, magiging interesting itong mga darating na araw."
Hindi niya napigilan matawa rito. "Alam ba ni Ira na ganyan ang opinyon mo sa kanya at sa friends niya?"
"Hindi ko alam. Sa tingin ko kasi, hindi naman siya interesado sa brains ko, eh." Biro nito.
"Ahem, mukhang lumalakas ang hangin dito ah!" Ganting biro niya. Tinawanan lang siya nito.
Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating si Marty. Kasunod nito si Abby. "Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap, ah!" Reklamo nito.
"Well, ayaw kasi namin makaistorbo. Mukha kasing nakalimutan n'yong dalawa kanina na may kasama kayo kaya umalis na kami ni Zairah." Tudyo ni Cleo sa kaibigan.
Nagtinginan ang dalawa, pagkatapos ay sabay na nagbaba ng tingin. Sila naman ni Cleo ang nagkatinginan, sabay pa silang napangiti.
"Bakit hindi muna kayo mag-order?" Suhestiyon nito.
"Hindi namin alam kung ano'ng gusto ninyo, kaya para sa aming dalawa lang ang in-order namin." Tumalima naman ang dalawa.
"Alam mo, may feeling akong hindi matutuwa ang mommy ni Abby sa akin." Pagtatapat niya kay Cleo nang makalayo na ang mga ito.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Tell me if I'm wrong, pero ang feeling ko, type ng friend mo ang friend ko."
"Feeling ko rin." Natatawang sagot nito. "Hey, don't worry." Tinapik nito ang kamay niyang nakapatong sa table. "Mabait naman si Marty at saka mapagkakatiwalaan."
Napabuntung-hininga siya. "May magagawa ba ako? Sana lang ay hindi ako sisihin ng parents ni Abby." Nag-alalang sagot niya.
"Hindi naman siguro. Natural lang namang mangyayari iyon, hindi ba? Girl plus boy equals relationship. It happens all the time. Hindi pa naman siguro nila nalilimutan na nanggaling din sila sa ganyan."
"I'm sure you mean to comfort me with that snippet of wisdom." Biro niya.
"Unfortunately.... Hindi nag-work?" Nakangiting tanong nito.
"Hindi."
"Sorry." Nagtawanan uli sila.
"Seriously, nag-alala akong baka sisihin ako ng parents ni Abby kung biglang magkaroon na umaaligid sa anak nila. Maraming parents ang nagbabawal sa kanilang mga anak na magpaligaw hangga't hindi pa sila eighteen."
"Hindi pa naman nangyayari, eh. Huwag ka na munang mag-alala. Besides, marami akong alam na parents na okay lang sa kanila ang ganoon, basta hindi sila makakasira sa pag-aaral."
"Sana nga."
Nang bumalik ang dalawa sa table nila ay naging general ang naging usapan nila. Hindi nagtagal, sinundo na sila ng katulong nina Abby. Tapos na raw itong mag-grocery.
"Sige ha, mauuna na kami." Paalam nilang magkaibigan sa dalawang lalaki.
"Gusto n'yong ihatid namin kayo sa supermarket? Alok ni Cleo.
"Huwag na. Malapit lang naman, eh. Pero thank you."
"Okay, ingat kayo."
Nang makalayo na sila sa mga ito, napansin niya ang ngiti sa mga labi ng kanyang kaibigan. "Mukhang masaya tayo, ah!" Puna niya rito.
"Mabait pala si Marty, no? At saka sobrang kalog. Nakakatuwa."
"Hmmm, mukhang iba na yan. Ha!"
"Hindi, no?" Nakangiting tanggi nito.
"Napansin ko lang naman. Masama ba yon?"
"Hindi naman. Basta ba walang makitang masama ang mommy mo. Baka sisihin niya pa ako, no."
"Hay, naku! Matagal na ngang nagtataka ang mommy ko kung bakit walang nanliligaw sa akin, eh."
Napatingin siya rito. "Talaga?" Gulat na tanong niya.
"Oo. Bakit, strict ba ang parents mo sa ganoong bagay?"
"I don't know. Hindi pa naman nagka-come up iyong subject." Nang makita niya ang di-makapaniwalang tingin nito ay napilitan siyang magpaliwanag.
"I haven't met a guy na gusto kong papuntahin sa amin. Kaya iyong mga nagtatanong kung pwedeng manligaw, sinasabihan ko lang na pinagbabawalan pa ako."
"Paano kung si Cleo ang magtanong sa iyo? Anong sasabihin mo?"
Napangiti siya. "Iisipin ko pa."
"Come on, Zairah. Fess up"
"Promise, hindi ko pa alam."
"Nagde-deny ka pa riyan! Halata namang okay kayong dalawa, ah!"
"Hindi, no? Natutuwa lang kami sa inyong dalawa ni Marty."
"Iniiba mo ang usapan." Akusa nito.
"Uy! If I know, tuwang-tuwa ka
naman." Biro niya rito.
"Heh!" Saway nito kahit abot-tainga na ang ngiti nito. Alas-sais y medya na nang hapon nang maihatid siya ng mga ito sa kanila.