Simula
"ZAIRAH, hija, it's been almost a year mula no'ng huling umuwi ka rito sa atin sa Montegracia. Wala ka bang balak na magbakasyon dito?" Tanong ng kanyang Mommy isang gabing kausap niya ito sa telepono.
"Bahala na, Mommy, niyayaya kasi ako ng mga friends kong magbakasyon sa Thailand, eh. Pero wala pa naman akong definite na plano. Don't worry, I'll keep you posted sa plans ko."
"Zairah, we know you've been working too hard this past year. Kung hindi pa nga kami ang pupunta riyan sa Maynila, hindi na tayo magkikita-kita. Tapos, ngayong medyo matagal-tagal ang bakasyon mo, nagbabalak ka pang sa ibang bansa pumunta." Nagtatampong sumbat nito.
"Mom, naman. Di ba, kayo na rin ni Daddy ang nagsabing dapat i-grab ko ang lahat ng opportunities na lumalapit sa akin at i-enjoy ang aking singlehood while I still can? Sinusunod ko lang naman ang payo ninyo, eh." May halong birong sagot niya.
"Ang kailangan mo ay relaxation with lots of fresh air and home-cooked meals para magkalaman ka naman. Ang payat-payat mo na. Kapag sumama ka sa mga kaibigan mo sa Thailand, hindi ka makakapagpahinga roon. I'm sure, panay lakwatsa ang gagawin ninyo. Dito ka na lang magbakasyon sa atin. Kahit naman siyudad itong Montegracia, hindi kagaya sa Thailand at Maynila ang pollution dito. Isa pa, dito, you'll be spared from eating instant noodles, junk foods and all those MSG-laden fast-food fare na staple diet mo."
Napatigil siya sa paghahanda ng kanyang take-out food sa kanyang table. Napangiti siya. Wala talaga siyang maitago sa kanyang ina.
"Mom, hindi pa naman ako skin and bones. Exaggerated ka naman. Slim lang ako. But don't worry, I'll consider your suggestion."
"You do that. Siyanga pala, nagkita kami ni Abby sa mall noong Sabado. Magtuturo na pala siya sa Southfield Academy sa darating na Hunyo. Alam mo na ba ang tungkol do'n?"
Si Abby ay ang bestfriend niyang nakilala niya sa Southfield noong nasa senior year na sila.
"Talaga, Mom? Wow, good for her! Hindi ko alam na natanggap na pala siya. Mahigit isang linggo na kasi kaming hindi nagkakausap, eh. Ang huling balita ko, nagpasa lang siya ng application papers."
"Tumatawag raw siya sa iyo pero hindi ka raw niya makontak. Sinabi kong nawala ang cellphone mo noong nagpunta ka sa China last week. Napalitan mo na ba ang unit mo?"
"Hindi pa, Mom. Pero don't worry, this week ay may bago na akong cellphone." Aniya. "By the way, where is Dad?"
"Nasa office pa. May dinner meeting daw siya."
"He works too hard." Puna niya.
"Like father, like daughter." Komento nito.
Natawa na lang siya. Totoo ang sinabi nito. Isa rin siyang workaholic kagaya ng kanyang daddy. Kaya ng matapos ang kanyang practicum sa magazine na Healthy Living, na-hire siya agad na magtrabaho roon. May sarili siyang column tungkol ss sports at hobbies, at isa rin siya sa regular writers ng sister magazine nitong Metropolitan, na para naman sa mga kababaihan. Madalas ay nagko-cover siya ng mga sports events at nagpi-feauture din siya ng mga sports personalities kaya kung saan-saan siya nakakarating.
Dahil nasa China siya nitong nagdaang mga araw, hindi niya nalaman ang magandang pangyayari sa buhay ng kanyang kaibigan. Nag-major sa Physics ang kanyang kaibigan at pangarap talaga nitong magturo sa kanilang alma matter. Siya naman ay nagtapos ng Communication Arts at masaya sa mundong pinili niya.
"Huwag mong kalimutang sabihan ako kung dito magbabakasyon para makapaghanda naman ako, ha?" Bilin ng kanyang Mommy.
"Gusto kong maipagluto kita ng mga paborito mong pagkain."
"Yes, Mom." Napapangiting ayon niya.
"O, sige. Ingat ka riyan lagi. I love
you." Paalam nito.
"I love you, too, Mom. Give a kiss to Dad."
"I will."
Nang maibaba na nito ang awditibo ay mabilis niyang pinindot ang numero ng kanyang kaibigan.
"Good evening. May I speak to Teacher Alawi please?" Nakangiting wika niya nang marinig niya ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.
"Hello, Zairah. Mukhang naibalita na sa iyo ni Tita Mariza, ah." Natatawang sabi nito.
"Actually, kasasabi niya nga lang sa akin ngayon. Pagkababa nga niya ng telepono, tinawagan agad kita. Congratulations, ha?"
"Thanks. Excited na nga ako mag-start ang pasukan, eh."
"I'm sure. Hindi ko pa nakakalimutang iyan naman talaga ang pangarap mo." Aniya.
Tumawa ito. "Hey, I just remembered something na makakapagpasaya sa iyo. I'm sure, mahihirapan kang makatulog ngayong gabi sa ibabalita ko."
"Ow? Sige nga. Ano iyon?"
"Bumalik na si Cleo from Chicago." Balita nito. "Sabi ni Marty, kaga-graduate lang niya ng Architecture from University of Illinois. Impressive, no? But I guess hindi naman surprising iyon. Bukod sa matalino siya, he always knows what he wants and usually gets it."
Para siyang pinasabugan ng bomba sa balitang iyon. Halos wala na rin siyang narinig sa iba pang mga sinasabi nito. Tanging ang impormasyon na bumalik na si Cleo mula sa America ang tumatak sa kanyang isip.
After five years, bumalik na pala ito sa Montegracia. At sa pagbabalik ng lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso, marami siyang gustong itanong sa kaibigan. Nag-asawa na ba ito? May girlfriend bang kasama ito? Guwapo pa rin ba ito? Tinanong ba siya nito? Was he staying for good o nagbabakasyon lang ito? Malaki ba ang ipinagbago nito o kagaya pa rin ito ng dati?
Nakalimutan na ba siya nito o kagaya niya ay bilanggo pa rin ito ng pagmamahal na hindi nabigyan ng pagkakataong yumabong?
Napakatagal ng limang taon. Marami na rin sigurong nangyari dito. Baka nga, wistful thinking na lang niya ang iniisip niyang naaalala pa nitong muntik nang naging sila noon.
Dangan nga lang at napigilan sila ng kanyang mga magulang. Through the years, lagi niyang iniisip ang mga what ifs kung naging sila. Pero ngayon, at her age, natanggap na niyang hindi pa sila handa emotionally noon. Pareho pa silang immature.
Five years ago, sinabi nitong mahal na mahal siya nito, at hindi man niya nasagot ito nang diretsa, minahal din niya ito.
Si Cleo Ferrer ang kanyang first love, and so far, her only love. Maraming nanligaw sa kanya noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. At hanggang ngayon, may ilan-ilan pa ring nagbabaka-sakali, panay may mga sinasabi at may maipagmamalaki. Kung tutuusin ay hindi pahuhuli ang mga ito.
Ang ilan nga ay higit pa sa katangian ni Cleo ngunit hindi niya mapilit na muling tumibok ang kanyang puso. Magkahalong takot, kaba at excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.