2: The New Case

2019 Words
CHAPTER TWO "Hoy Daphnie! Nasaan ka na ba? Hinahanap ka na ni Sir." Malakas na sabi ni Levie sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. Ito talagang bunganga ng kaibigan niya ang palagi niyang inireklamo rito, kung makasigaw kasi ito akala mo bingi ang kausap. At yes. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan, hindi parin siya nasasanay rito, unless kung mabibingi na siguro siya. "Pakisabi nalang kay Director na na-stuck ako sa traffic." Sagot niya naman dito. "Pero I am on my way na talaga." "Kanina kapa on my way nang on my way d'yan, 'kala mo naman ang layo ng apartment mo dito sa opisina." Malakas paring anito. "Traffic nga diba?" Tugon niya naman sabay irap na tila ba nasa harap niya lang ang kausap. "Oh sya, dalian mo na lang d'yan. Dahil excited na ako sa sasabihin ni Sir sa atin." Sabi nalang din nito, halata sa boses ang excitement. Parang mapo-promote yata ito kung makaasta. "Okey! Bye." Sabi niya naman dito sabay patay ng tawag. Rude? Hindi. Sadyang ganito lang sila ng kaibigan at the same time ng partner niya sa trabaho. They're friends afterall, kaya paunahan lang sila sa pag-aasaran. .... .... "At last you're here." Sarkastikong bungad nito sa kaniya pagkapasok niya palang sa office ng kanilang director. Nakaupo ito sa harapan ng table ng kanilang Boss ngunit kung makapagsalita ay parang nasa bahay lang. "Good morning, Sir." Magalang niyang bati sa kanilang boss sabay bahagyang yumuko bilang paggalang dito. Hindi niya na pinansin ang madaldal niyang partner para asarin ito. "Good morning Detective Daph. Maupo ka." Tugon naman ng boss nila sabay muwestra ng kamay nito sa upuang nasa tapat ni Levie. Umupo naman agad siya sa upuang iyon. At nang sulyapan niya ang kaibigan, ay inirapan naman siya nito. Halatang epektibo rito iyong ginawa niyang pang-aasar. Napatawa na lamang siya sa isip dahil dito. "Pinatawag ko kayong dalawa dahil sa panibagong kaso na ibinigay sa atin ng Provincial Office." Panimulang sabi ng kanilang Director. "Dahil undermanned ang ating mga police sa lungsod na ito, at occupied sila dahil sa peace and order issue ng ibang barangays, sa special investigation unit nila ipinaubaya ang kasong ito." Sabi nito sabay abot sa kanila ng isang long brown folder. "Kagabi palang nangyari ang krimen na 'yan. Walang maiturong suspect ang mga pulis dahil walang witness, though there is a person of interest who happened to be the cleaner who reported that there is a dead body in the victim's house. But after the initial investigation, they found out that the cleaner is innocent. Sino rin ba kasing criminal ang papatay ng tao tapos siya lang din ang magri-report? Hindi ba?" "Anyways, this case is a bit tricky, and thus needs a careful and special investigation. Kaya aside from what I have mentioned earlier, isa rin ito sa dahilan kung ibinigay nila ito sa atin. Maasahan ko ba kayo rito?" Tanong pa nito sa kanila. "Yes, Sir." Mabilis at magkasabay namang tugon nila ni Levie. "Good. Thank you Detectives." Sabi naman nito sabay tango. "Magri-report kayo sa progress ng kasong 'to everyday. Walang timeline na ibinigay ang higher ups ngunit kailangan itong ma-solve as soon as possible." "So, good luck with the case. You may go now." Sabi nito matapos silang titigan ng seryoso. Tumayo naman agad sila ng tuwid ng kaibigan at magkasabay na nagbigay ng hand salute sa gwapo nilang director. Pagkatapos ay lumabas na sila ng office nito at lumabas narin ng building. Kahit hindi pa sila nag-uusap, alam na agad nila kung saan pupunta sa mga sandaling ito. "Makiki-hitch na naman ako sa'yo partner, ah." Sabi niya sa kaibigan sabay pa-cute with matching pa-awa effect habang naglalakad sila sa parking lot ng building. "No way." Tugon naman nito sa kaniya sabay irap. "May sasakyan ka, kaya ayoko. Che!" Dagdag pa nito at binilisan ang paglalakad kaya naiwan agad siya nito. "Uyy. Sa Office naman ang sasakyang 'yon, eh." Sabi niya naman habang patakbong humabol dito. "Libre nalang kita ng lunch mamaya." Habol niya rito habang nagpapa-cute parin. "Okey. Ikaw ang mag-drive" huminto naman ito nang marinig ang magic word na "libre", at walang tingin-tinging inihagis sa kaniya ang susi ng sasakyan. Sinalo niya naman agad yun nang nakasimangot. Anak ng tokwa. Mura niya sa isip. Gusto niyang mang-hitch dito para hindi siya makakapag-drive, ngunit ngayon siya pala ang magda-drive, and worse ililibre niya pa ito. What the ef. Ngunit dahil nagmamadali na sila, wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod nalang dito papasok ng sasakyan at pumwesto na lang din siya sa driver's seat. Ibinigay niya naman agad dito ang dalang folder na naglalaman ng informations tungkol sa kasong naka-assign sa kanila ngayon. Matapos nitong basahin ang laman ng folder na binigay niya, agad naman nitong sinabi sa kaniya ang location ng crime scene. Kaya pina-start niya na ang kotse nito at umalis na sila patungo sa subdivision na sinabi nito. Ganito talaga silang mag trabaho. Kapag may kaso silang mahahawakan, ang crime scene agad ang una nilang pinupuntahan. Saka nalang nila pag-aaralan ang iba pang angulo niyon pagkatapos masuri ang pook na pinangyarihan ng krimin. "Grace Ceno. 25, Single. Isang call center agent. Pinatay mga bandang alas otso kagabi. Ang crime scene ay sa mismong banyo ng bahay nito. Dahilan ng pagkamatay ay asphyxiation. Hindi matukoy ang motibo ng pagpatay dahil wala itong kaaway ayon sa mga kaibigan nito. Walang suspect dahil nakapatay ang lahat nang CCTV sa bahay nito at wala ring witnesses dahil malayo ang unit nito sa iba." Sabi nito habang nakatingin sa mga files na binabasa. "So, it turns out that they have started the investigation of this case, and after finding out that it's a bit tricky, they decided to pass it to us. What a bunch of idiots." Reklamo nito habang hindi parin inilayo ang mga mata sa files na hawak. "Ayaw mo ba n'on? May gagawin na naman tayo? O baka gusto mong ilipat sa traffic control section?" Patawang komento niya. Tama naman 'yong tinuran niya, posibleng darating talaga ang panahon na malilipat sila sa traffic kung wala silang kasong hahawakan dahil undermanned talaga ang City Police nila ngayon. "Good point. So matutuwa na ba ako dahil may namatay?" Mapag-asar namang tugon nito nang hindi nakatingin sa kaniya. "Sinabi ko ba 'yon?" Reklamo niya naman. "Back to the case, palagay ko, ang kriminal ang pumatay ng mga CCTVs, dahil impossible namang nakapatay 'yong mga cameras doon sa bahay. At kapag tama ang palagay ko, ibig sabihin nito, kabisado ng kriminal ang bahay ng biktima. Thus, it is safe to assume that the victim and the criminal has a close relationship." Pag-iiba niya ng topic bago pa sila magkaasaran ng kaibigan. "Uhmm. Mukhang possible nga 'yan." Tugon naman nito habang nakatingin sa bubong ng sasakyan na tila ba nag-iisip ng malalim. "Pero ang kaduda-duda rito ay kung bakit walang witness?" Tanong naman nito maya-maya lang. "Oo nga, eh. Imposible namang walang ni isa sa kapit bahay niya ang nakakita ng kahina-hinalang tao na pumasok sa bahay ng biktima." Tugon niya naman habang nakatingin sa daan at maya't maya ang pagkabig ng manibela ng sasakyan dahil pumasok na sila sa main road kung saan mabigat ang daloy ng trapiko. Panay pa ang busena niya sa mga kamote riders na sumisingit sa unahan nila kahit na napakaiksi na ng espasyo roon. "Ang sarap banggain ng mga ito" inis na inis na pagmamaktol niya. "Baka suicide lang 'to. At napagkamalan lang na pinatay siya, dahil sa paraan ng pag-commit niya ng suicide." Sabi naman ni Levie, hindi nito pinapansin ang huling sinabi niya. "Pero, murder naman ang sinabi riyan eh. At may sapat silang basis para i-declare na murder 'yan." Tugon niya naman sabay inis na inis na hinampas ang busena ng sasakyan ng kaibigan dahil isa na namang motorsiklo ang biglang sumingit at muntik na niyang mabangga. "Arrgh! Saan na 'yong mga traffic enforcers dito?!" Reklamo niya pa. "Undermanned nga tayo diba? Kaya malamang walang bantay rito, unless hindi natin maso-solve itong kaso." Tugon naman ni Levie at inilapag sa kandungan ang hawak na folder at inis na tumingin nalang sa labas. Hindi rin naman na sila makapag-focus sa pag-uusap tungkol sa kaso dahil kailangan niya ring mag-focus sa pagda-drive. Maya-maya lang, pagkatapos ng ilang ulit na pagsisigaw at pagmumura sa mga kamote riders sa daan ay dumating narin sila sa bahay ng biktima. Nasa loob ito ng isang subdivision. Bumaba agad sila ng sasakyan at pumasok sa gate ng bahay, may mga pulis na nakabantay rito pero pinapasok naman agad sila ng mga ito nang ipakita nila ang kanilang IDs. May ilang tao sa loob ng bahay, mga kakilala siguro o kapamilya ng biktima. May ilan ding pulis na nagtatanong nang kung ano-ano sa mga ito. "Wala ba kayong nakuhang kakaibang finger prints sa buong bahay?" Maya-maya'y tanong ni Daphnie sa isang police officer na nandoon. "Wala Maam. 'Yon nga ang ipinagtataka namin eh. Pati sa katawan ng biktima, walang ibang finger prints doon. Siguro, binura 'yon ng kriminal." Tugon naman nito. Napatango nalang siya matapos marinig ang sinabi nga kapwa niya pulis. Sa isip niya, talagang pinag-isipan ng kriminal na ito ang paggawa ng krimin. Kasi alam na nitong kapag nakapag-iwan ito ng kahit na isang fingerprint lang dito, ay siguradong mati-trace ito dahil sa National ID System ng bansa. Registered na halos lahat ng mga tao kaya napakadali nalang i-trace kung sino ang nagmamay-ari ng isang fingerprint kung nagkataon. "Anyways, magko-conduct naman kami ng autopsy sa bangkay ng biktima kapag pumayag na ang pamilya nito." Maya-maya'y dagdag pa ng pulis na kinausap niya. "Pwedeng matingnan ang crime scene?" Tanong niya naman dito na sinagot lang nito ng tango at pagkatapos ay agad siya nitong dinala sa banyo, dahil doon nakahandusay ang walang buhay na katawan ng biktima. At dahil wala na rito ang bangkay ng biktima. Tanging ang itim na sketch na lamang ng posisyon ng katawan nito na gawa ng tape ang narito. At base dito, nakahiga sa sahig ang biktima nang patihaya. Walang sandatang makikita sa paligid. Wala ring bakas ng dugo. Of course, asphyxiated nga ito diba? Hindi nakahinga kaya namatay. Pagkaraan nang ilang minutong pagmamasid ay wala siyang nakitang kakaiba sa loob ng banyo kaya pumunta naman siya sa loob ng kwarto nito. At nandoon na pala ang maganda niyang partner. "Ayon sa mga investagors na nakausap ko maaring dito pinatay ang biktima at dinala lang ito roon sa banyo." Sabi nito sa kaniya habang tumitingin sa buong silid. Napatango naman siya dahil sa tinuran nito. Wala rin siyang nakitang kakaiba sa banyo. Walang sign na nanlaban ang biktima considering na asphyxiation ang cause of death nito. "Ang linis trumabaho ng hayop na kriminal na ito." Mahinang bulong ni Levie maya-maya lang habang palakad-lakad sa buong silid. Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin, lumapit nalang siya sa kama at hinablot ang bedsheet niyon tapos ay pinagpag ito. Pati na ang mga kumot na naroon at mga unan. "Hey! What are you doing?" Tanong naman ng partner niya sa kaniya. "You're ruining the crime scene." Saway nito sa kaniya. "Naghahanap ako nang kung anong pwede magiging clue tungkol sa kriminal. Hindi kasi 'to ginalaw ng mga pulis kaya wala silang nakitang---" napatigil siya sa pagsasalita nang isang maliit na bagay ang nahulog sa sahig, mula ito sa punda ng unan na pinagpag niya. Pinulot naman agad ito ni Levie. "What's with this thing? Bakit napunta ito rito?" Takang tanong nito habang tiningnang maigi bagay na iyon. Tiningnan niya rin agad ito. Naniniwala kasi siyang anumang bagay na makikita sa crime scene, gaano man ito kaliit o ka-irrelivant, ay maaaring isa itong clue na magbibigay sa kanila ng lead. "Hmm." Bulong niya habang tiningnang mabuti ang maliit na bilugang bagay na may butas sa gitna. "I guess part ito ng isang necklace, masyado kasing maliit para maging piece siya ng bracelet." Dagdag niya pa. "Wait! May letter na naka engrave dito!" Malakas na sabi ni Levie nang may napansin ito sa bagay hinahawakan. "It's a small letter 't' of the alphabet." Anito Oh. Could it be a clue?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD