Chylee POV
Another day and I decided to take this day off. Ewan ko ba, siguro kailangan ko talaga ng pahinga. Araw-araw na open ang Jollibee branch ko at araw-araw din akong pumapasok don. Nag-e-enjoy kasi ako at isa pa, wala din naman akong gagawin dito sa mansion. Si Dad at Sky, nasa company. Si Mom at ang triplets, nasa SWU naman. Wala ding naiiwan dito sa mansion kundi mga katulong at si Butler.
“Ma’am Hera, do you need anything?” Tanong ni Butler. Naalala ko, bata palang ako, nandito na si butler sa mansion. Masyado siyang nagging loyal sa’men at talagang buong buhay na yata siyang magiging butler dito sa Shin-woo mansion. Well, makapagkakatiwalaan naman kasi taaga siya. Naipagkakatiwala sa kanya ang mansion kapag wala lahat kami. Isa pa, malaki ang tiwala talaga sa kanya nina Dad and Mom.
“Ah, wala naman Butler. Gusto ko lang sanang magpahinga dito sa living room.” Sabi ko.
Ngumiti siya. He’s old now but still, he can do his job. “Tawagin nyo lang po ako kapag may kailangan kayo.” Sabi niya.
Ngumiti ako saka tinanguan siya. Napatingin ako sa buong kabahayan. Nabuhay ako na parang prinsesa, well prinsesa na talaga.
Lahat ng gusto namin, nakukuha namin, Naging spoiled ako before kay Dad but now, I’ve changed. Ang mansyon namin, napaka-rangya. Hindi mo aakalain sa buong mansion may higit sa twenty na hidden cameras. Bawat sulok din ng bahay, may intercom. Napatingin ako sa malaking portrait na nakasabit sa taas ng TV set. Isang malaking portrait. Si Mom and Dad, nakatayo na magkayakap tapos nakaupo kaming lima sa puting carpet. Si Skyler naka-akbay saken habang ako sweet ang pagkakangiti, then yung triplets sa tabi ko mga naka-wacky pose. Napangiti ako. Ang saya ng pamilya ko. Sa aming magkakapatid, walang awayan, walang inggitan at walang insecurities. Ako na nag-iisang kapatid nilang babae, alagang alaga nila ako. Kahit bunso ang triplets, they still protecting me. Tinuturing talaga nila akong prinsesa.
“Ate?”
Nag-angat ako ng tingin at nakita kosi Enzo na kakapasok lang sa mansion. Naka jersey lang siya at rubbershoes. Mukhang galing sa practice. May naka-sakbit pa sa balikat niya na sports bag at hawak niya ang bolang pang-basketball.
“Oh, Enzo? Wala kang class?”
Lumapit siya sa’ken at humalik sa pisngi ko. Sweet little brother. Tumabi siya sa’ken pagkatapos ibaba ang gamit niya sa carpet.
“Nag-practice lang kami, Ate. Pero si Kenzo at Renzo may class pa.”
Kumunot ang noo ko. “Eh ‘di ba magkaka-classmate lang kayong tatlo? Paanong may klase sila at ikaw wala?”
Ngumiti siya ng nakaloloko. “Nag-cut na ako ng class, Ate. May name-miss kasi ako at andito siya sa bahay..” nakangiting sabi pa niya habang nakatingin sa’ken.
Napangiti ako. Ako ba ang sinasabi niya? Alam niya yatang ‘di ako pumasok sa work. “Ang sweet talaga ng kapatid ko..”
“Syempre, mahal ko ‘yun eh.”
Lalo akong napangiti. Naglalambing ba ang kapatid ko? “Mahal din kita, little brother.”
Kumunot ang noo niya na nakatingin sa’ken. “Ano, Ate? Din? Bakit?”
Teka,bigla akong naguluhan. “Sabi mo may name-miss ka dito sa bahay kasi mahal mo siya. Ako ‘yung tinutukoy mo ‘diba?”
Nag-poker-face siya. “Feeler ka, Ate. Tch. Yung pakwan pillow ko, miss ko na. Hindi ikaw.”
Slow motion akong napa-straight-face kay Enzo. “Uh? Psh. Magsama nga kayo ng pakwan pillow mo!” sigaw ko.
“Sakit sa tainga ng boses mo, Ate ha! Wahaha! Akala mo talaga ikaw ang tinutukoy ko? Mahal kita, ate. Pero parang mas mahal ko na ang pakwan pillow ko. Wahahaha—AWW! Ate naman!”
Binatukan ko nga. “Kahit kelan talaga!”
Tumayo na siya at binitbit ang gamit niya. “Sige na, Ate. Akyat na ako sa taas. Wahahaha!”
Baliw talaga. Tawa pa ng tawa habang paakyat sa hagdan. Pinuri-puri ko pa man din na napaka-sweet niya tapos pakwan pillow niya lang pala ang na-miss niya! Psh. Baka kausapin siya ng pakwan pillow niya, ano? Sa pagkakatanda ko, ‘yun iyong pasalubong ko sa kanya ‘nung umuwi kami dito galing US eh.
I sighed then looked at my phone. It’s vibrating. Sino kayang tumatawag?
Bigas calling..
Nasapo ko ang nook o. Oh! Not him. I’m resting. Psh. “WHY?!”
[I love you too, Hera.]
Sumimangot ako. “Kung wala kang importanteng sasabihin, papatayin ko na ang tawag na’t—“
[I love you. Hindi ba ‘yan importante? My Hera, can we meet? Please?]
He’s not really the Prince Miko I knew. “Tigilan mo na ako, Miko. Hindi na ako natutuwa sa’yo.” Seryosong sabi ko.
I heard him sighed. [Okay. I’ll hang-up. But i’m still hoping to meet you sometimes. Take care, Hera.]
Mariin akong pumikit. Hidni na ako sumagot hanggang marinig ko ang end call beep. Ipinatong ko ang cellphone ko sac enter table saka isinandal ang ulo ko sa couch.
Sa tuwing maiisip ko si Prince Miko, bumabalik ‘yung nakaraan. ‘Yung times na patay na patay ako sa kanya. ‘Yung nagpapaka-martir ako sa kanya. ‘Yung wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, at angmahalaga lang sa’ken noon ay ang atensyon ni Prince Miko. But he never gave me a chance na patunayan ang sarili ko sa kanya. Ang masabihan ng childish and spoiled brat? Kapag galing sa ibang tao, okay lang naman sa’ken eh pero bakit ang sakit sakit ‘nung kay Prince Miko mismo nanggaling ‘yun? Masakit talaga eh at ala ko sa sarili kong dito sa puso ko, may maliit pa ring sugat na hindi pa gumagaling. At aminin ko man sa sarili ko o hindi, mahal ko pa rin ang lalaking ‘yun—ang aking first heartbreak. Gusto lang ng isip ko na itakwil siya dahil nasaktan niya ako noon. Mahirap magpatawad lalo na’t malalim na sugat ang iniwan niya. Imagine, kinailangan akong ilayo sa kanya ng mga magulang ko? Yes, I know.
Alam kong ako ang dahilan kung bakit bigla kaming pinadala sa US. Well, dapat ako lang talaga. Pero isinama nila si Skyler sa’ken at alam kong sa nangyayari s kanila ni Riana ngayon, may mali ako. Dahil sa’ken, kailangan niyang iwan si Riana dito and now, knowing Skyler. Kilala ko siya at alam kong nasasaktan siya dahil nalaman niyang may boyfriend na si Riana. Oo, galit ako kay Riana, maybe because of my insecurities pero mahal ko si Skyler at gusto kong maging masaya siya.
Pero hindi, dahil sa heartbreak na nangyari saken five years ago, kailangan akong ipadala sa US dahil makaka-apekto sa puso ko kung mag-stay pa rin ako dito noon. Nong marinig ko accidentally ang pag-uusap nila Mom and Skyler bago kami umalis noon, I cried. Kasi kailangang mag-sakripisyo ni Skyler for me. I saw how Skyler cried that time with Mom and it hurts me. Naisip ko na dahil saken, may mga nasasaktan din. Gusto kong magalit kina Mom and Dad but I understand them. Hindi pa okay ang lagay ng puso namin. Nagkaroon kami ng malalang sakit sa puso ni Skyler no’ng mga bata palang kami. Nag-undergo kami ng operation. Kinailangan pa kaming dalhin sa Europe. Successful man, hindi pa rin kami fully secured. May tendency na bumalik. Like Skyler, two years ago, pina-ospital siya dahil kinailangan niya ng another operation. Siya kasi ‘yung nagging kritikal sa’meng dalawa noon. Nasa US kami noon, and nagulat nalang ako one time nang biglang mawalan ng malay si Sky, and there. He was rushed to hospital pero ilang oras ay dumating din sina Mom after kong mag-overseas call. Gumamit sila ng private plane and diretso na kami sa Europe no’n. Dun ko nakita yung takot sa mga mata nina Dad and Mon. Dun ko naramdaman kung gaano kasakit ang makita ang mahal mo sa buhay na nakaratay sa hospital. Yung gaano kalaki ang takot na nararamdaman ko habang nasa operating room siya. But I’m glad that he made it again, for second time. Sa tuwing maiisip ko ‘yung sakit na naranasan nila Mom ‘nung nakaratay kami sa ospital nung mga bata palang kami, hindi ko magawang magalit sa kanila dahil alam kong ginagawa nila ito, o nagawa nila ang mga bagay na iyon sa’men para sa kaligtasan ko, namin ni Sky. Dahil walang magulang na naghangad ng masama para sa mga anak nila. Ngayon ko mas naintindihan na minsan talaga, kailangan mo ding i-consider ang nararamdaman ng taong mahalaga sa’yo.
“Hey.”
Napamulat ako ng mata at umupo ng maayos. There, Skyler standing in front of me. “S-Sky..”
“Why are you crying? What happened?” lumapit siya sa’ken at napayakap ako. Hindi ko naramdaman na umiiyak nap ala ako habang nagbabalik-tanaw. Ramdam ko sa boses ni Sky na nag-aalala siya.
“Nothing. Ah, may naalala lang ako.” Pagsisinungaling ko. Walang idea sina Sky, or even Mom and Dad na alam kong ang first heartbreak ko ang dahilan kung bakit kami pinapuntang US noon.
Kumalas siya ng yakap saken at pinunasan ang luha ko. “You sure?
Ngumiti ako at ngumiti. “Yes. I’m sure.” Sabi ko.
Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. “Kaya pala naramdaman ko na kailangan kong umuwi. I thought I was just tired and I need some rest but here, I saw you crying. Kailangan yata ako ng ka-kambal ko. Gumagana pa rin pala ang invisible stringna naka-konekta sa’ten.” He laughed.
We’re twins and sometimes, we’re connected to each other. I’m so lucky to have a twin brother like Skyler. If he can sacrifice his happiness for my safety, I can set aside my insecurities to Riana just to make him happy. I will support him, kung sinuman ang babaeng mahalin niya—even Riana.
-
Gabi na at kakauwi lang namin ni Sky. We had a date. Twin’s date. At nag-enjoy ako. Nawala ‘yung agam-agam sa isip ko. Skyler really know how to comfort me. Nang makarating kami dito sa mansion, naaubutan lang namin ang triplets na nagta-trash-talk sa isa’t isa habang naglalaro ng xbox.
“Where’s Mom and Dad?” tanong ko kay Renzo na abala sa joystick niya.
“Their room.” Matipid niyang sagot.
“Anong ginagawa nila don?”
“AH! BADTRIP, TALO NA NAMAN AKO! TATAMAAN KA SA’KEN, KENZO! MAGPATALO KA NGA!” sigaw ni Renzo. BAsag eardrums ko eh.
I poked him. “I’m asking you. Anong ginagawa nila Mom sa kwarto nila?”
“Ate, you know the word privacy? Maybe they’re making a new baby. Tch. Too innocent.” Komento niya. Like duh, as if pwede pang mabuntis si Mom. Nagpatali na kaya si Mom. Psh.
Itong mga to, ‘di maabala sa laro nila eh. Nag susungit. “Hey, Kenzo! Wala kayong assignment?”
“Ate, can’t you see. I’m busy. Don’t talk to me.”
Nag-poker-face ako. Aba’t ang susungit ng mga ‘to kapag nakatitig sax box ah. Psh. “Enzo! Wala ba kayogn assi—“
“Look, we’re busy, Ate! Go to your room.” Sabi ni Enzo.
Talaga naman oh! At talagang makapagsalita, akala mo mas matanda sa’ken. Tumayo ako. Papunta na ako sa hagdan nang may maisip ako. Bumalik ako sa living room saka lumapit sa flat screen TV na napakalaki.
“Hey, Ate!”
“Naka-harang ka, Ate!”
“Ate naman, you’re disturbing us!”
AKALA NIYO HA! He-he. Hinila ko ang plug ng at in-off iyon.
“What the?”
“Oh s**t!”
“Matatalo ko na si Kenzo!”
Tumingin ako sa kanila. Nakangisi at nakapamaywang. “I can be evil sometimes, little brothers.” I smirked then I left them at the living room.
I just heard them shouting in frustrations. Haha! Kind’a fun. Nakakatuwa rin palang gumawa ng kalokohan sometimes. Para kasing these past few days, masyadong naging seryoso ang buhay ko. Nabasa ko nga sa wallpaper ng phone ni Sky, YOU ONLY LIVE ONCE.