Chylee POV Kararating ko lamang dito sa SWU. Hinatid ako ng driver namin. PTA meeting kasi ng triplets at nakiusap silang ako ang um-attend para sa kanila. Syempre wala si Mom. Isinama ni Dad sa business tour niya. So no choice, kundi ako. Ano bang pinag-uusapan sa PTA meeting? Saka ano ba talagang meaning no'n? Baliw kasi si Enzo, e. Pakwan together again daw. Adik na adik sa pakwan. "Hi, Ate Chylee!" Bati sa akin no'ng naka-uniform ng SWU Wolf. Kabarkada siguro ng triplets. "Sina Enzo?" Tanong ko. "Nasa court, Ate. May practice, e." Tumango ako. "Sige, thank you." Pupuntahan ko muna ang triplets sa gym. Hindi ko din naman alam kung paano ang ginagawa sa PTA meeting. Ayokong magmukhang engot dito. Anak pa man din ako ng presidente at owner. Habang naglalakad ako ay natigilan ako

