3

2467 Words
Chylee POV "Yan kasi. Shopping pala ha? Oo nga naman! Shopping ng luha. Ayan oh. Baha na, pwedeng pwede ng pakyawin ng customers." Ang napaka-pranka kong bestfriend, malapit ko ng lunurin sa luha ko. Sa hindi ko mapigilan na maiyak eh. Pakiramdam ko kasi, ito na 'yung mga luha na hindi ko nailalabas mula pagkabata, mula sa una, pangalawa, pangatlo, pang-apat and so on..na rejection mula sa kanya. Wala akong idea sa kung anong meron kina Miko at Riana pero nasaktan talaga ako. Matatanggap ko pa 'yung, ay si Riana pinasakay sa kotse nila, ako hindi. Pero yung makikita ko 'yung genuine smile niya towards Riana, parang may higanteng thumbtacks na nag-landing sa puso ko. Sapul na sapul! Kirot eh. Ako? Mula pagkabata, puro pagsusungit lang ang pinapakita sa'ken ni Miko. Never niya ako nginitian ng ngiti na tulad ng pinakita niya kay Riana. Siguro nangitian na niya ako ng ilang beses, kapag may okasyon. Pero alam mo at makikita mong fake smile lang yon, just for the sake of the visitors at kung sinu-sino pa. Kaya nga nang makaalis sila, tinatagan ko ang sarili ko pero masakit talaga! Nagyaya akong mag-shopping kay Shan. Pero pagdating namin dito sa mall. Dumiretso lang kami dito sa quantum at nagkulong sa videoke room and here, dito ako nag-iiyak. "Chy, tama na. He's not worth of your precious tears." "Kasi..kasi mahal ko talaga siya. He's the man of my dreams. He's the perfect guy for me and he's the guy, my heart chose to fall in love with." Umiiyak na sabi ko. Kanina pa ako humihikbi. Hindi ko pa kayang itigil sa ngayon, basta gusto ko lang mailabas ang sakit. Hinahagod ni Shan ang likod ko. Thankful ako na may bestfriend akong kahit harap-harapang pinapamukha sa'ken na katangahan na ang ginagawa kong paghahabol kay Miko, she's still here beside me when I needed her most. "You know what, Chy? You can't stop loving someone. But if they're bad for you, then you need to leave them and love them from a distance." From a distance? Hindi ko yata kaya. Gusto ko nga 'yung pilit akong lumalapit sa kanya kahit ayaw niya. Pero may point naman si Shan. "Shan, ang sakit talaga eh..I want to stop crying but, it really really hurts. Dito oh! Dito sa puso ko..parang may thumbtacks na nakabaon na tanging si Miko lang ang makakatanggal para mawala na 'yung sakit.." Napahagulhol na naman ako. Kaya ko pa ba? May iluluha pa ba kaya ako? Bakit ba sa tinagal-tagal na pagre-reject niya sa'ken, ngayon ko lang naramdaman na sobrang sakit pala? Masyado na yata akong nagpaka-manhid para sa pagmamahal ko sa kanya kaya kahit nare-reject niya ako dati, parang balewala lang saken. "Alam mo, tumahan ka na and cheer up. Umuwi na tayo. Baka naiinip na sa school ang driver nyo. Call him and sabihin mong nandito ka sa mall para masundo ka na." Sabi ni Shan. I wipe my tears. Sampung roll yata ng tissue ang naubos ko. Pero sa isip ko lang yon dahil wala naman akong tissue. Panyo lang. Panyong may nakaburdang pangalan. ChyKo Ayan ang nakaburda. Ipinaburda ko siya nung mag-highschool ako. Nakita nga 'to ni Mommy pero natawa nalang siya sa'ken. Si Daddy at Sky, hindi nakikita 'to kasi 'pag nagkataon, lagot ako. Masyado kasi silang protective sa'ken. Iniisip siguro nila na ang lagi kong pagko-confess kay Miko, is like a childish act lang. Pero it's real. True feelings. "Ano, okay ka na?" Umiling ako. "H-Hindi pa.." Naiyak na naman ako. Tinatanong kasi ako kung okay lang ako eh. Mas nahahabag ako sa sarili ko. Feeling ko, napaka-kawawa ko. "Psh! Ano ka ba Chy. Magpapaka-tanga ka pa rin ba sa kanya, ha?!" Tanong ni Shan. Hindi ako nagsalita bagkus ay tumango ako. "What?! Iba na 'yan. Gusto ko tuloy sulatan ang puso mong yan ng, hashtag Aba Matinde! Aba Chylee, hindi biro ang pag-iyak-iyak mo tapos ipagpapatuloy mo pa rin ang pagpapakatanga kay Miko?!" "I love him.." Sagot ko. "Juice colored, Chy! Si Prince Miko Abellano 'yun! Mas may puso pa nga ang Gilas Pilipinas kesa sa lalaking yun eh!" Ganyang-ganyan ang bestfriend ko. Pinapamukha niya talaga sa'ken ang mali ko. Kung sabagay, ganyan naman ang tunay na kaibigan. Lalaitin ka, sasaktan ka by their words pero para naman 'yun sa kapakanan mo. At least they are true. Nagsasabi sila ng totoo at hindi ka-plastikan lang. Tumayo na ako. Pilit akong ngumiti. "Kakausapin ko si Miko." Determinadong sabi ko. "Ano? Nababaliw ka na ba? Ano namang sasabihin mo sa kanya? Hay nako, Chy. Sasaktan mo na naman ang sarili mo eh. Alam mo, hindi siya ang talagang nananakit sayo eh! Ikaw mismo! Ikaw. Nasasaktan ka kapag lumalapit ka sa kanya. Para siyang walking knife eh. Tipong lapitan mo, parang automatic na mahihiwa ka, kaya ang result, may biglang sasakit at kikirot..at yun ay ang puso mo." Shanice can be a good love adviser. Lahat ng sinabi niya may point pero makulit kasi 'tong puso ko eh. Sige pa rin. Gusto ko pa rin talagang kausapin si Miko. Gusto kong ipaalam ulit sa kanya kung gaano ko siya ka-gusto at ka-mahal. "Iba ka talaga Chy. Swerte talaga ng Abellano na 'yon 'no? May isang Chylee Hera Shin-Woo na nagmamahal sa kanya." Ngumiti nalang ako saka niyakap si Shan. "Thank you, Shan. Sa pakikinig at pagtitiyaga sa ka-dramahan ko." "Asus. Bukas pupunta nga akong ABS CBN. Send ko sa MMK ang story mo. Pang-drama eh. Panalo!" Lakas mang-asar talaga nitong si Shanice eh pero kahit papaano, she can manage to make me smile. "Tara uwi na tayo. Tatawagan ko na si Manong driver." Yaya ko sa kanya. "Hallelujah! Praise the Lord! Naisipan ding umuwi ng babaeng martir!" Psh. Martir, martir..martilyuhin ko 'tong babae na'to eh. Lakas trip. -- It's saturday at kadalasan, namamasyal kami ni Mommy kasama ang triplets kong kapatid. Ang bunso namin. Si Daddy may work pa kaya kami lang. Si Sky, di naman feel sumama sa'men. Yung pag-iyak ko kahapon, napansin ni Mommy ang mata ko. She asked me kung bakit, or what, ano bang nangyari sa mata ko but then, nasabi ko nalang na nanood kami ni Shan sa mall ng nakakaiyak na movie. Nakaka-guilty nga eh kasi never akong nagsisinungaling sa Mommy ko. Isa yun sa tinuro niya sa'men mula pagkabata, ang wag magsinungaling. Lumabas ako ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Sky. Naabutan ko siya na natutulog pa. Topless ang handsome twin brother ko. Pero napatingin ako sa naka-stand-by niyang laptop. Yung wallpaper... May namuong inis na naman sa dibdib ko para sa babaeng yon. Ano bang nagustuhan sa nina Sky at Miko sa kanya? Nakaka-down lang. Yung wallpaer, close-up na kuha kay Riana habang kumakain ng ice cream. Cute sana siyang tingnan, kaso bitter ako eh. Kaya panget siya. Psh. Lumabas na ako ng kwarto ni Sky saka bumaba sa salas. Naabutan ko si Kenzo na nanonood sa disney channel. "Si Mommy?" Tanong ko. "Sa kitchen, Ate." Sagot niya. Dumiretso naman ako sa kitchen at naabutan ko si Mommy na nagbe-bake ng cake. "Mom." "Oh, anak. Bakit? May problema ba ang dalaga ko?" Sweet na sabi ni Mom. Naupo ako sa may kitchen counter. Pinapanood ang ginagawa ni Mommy. "Mom.." "Hmmm?" "Diba mahal mo si Daddy? There are times ba na nasaktan ka niya?" Napatigil si Mommy sa ginagawa niya saka tumingin sa'ken. "Yes, baby. Hindi mo naman mararamdaman ang love kung walang pain." Exactly. Nasasaktan ako dahil mahal ko talaga si Miko. "Then, paano po kayo nagka-ayos ni Daddy? I mean, mahal na mahal nyo ni daddy ang isa't isa. Kahit hanggang ngayon, you still looked at Daddy's eyes with full of love." "Time, anak. It takes time for two people to realized their feelings towards each other. Kasi, hindi agad-agad ay malalaman mo kung mahal ka din ba ng taong mahal mo, o hindi. So you need time. Kung mapapatunayan mo bang mahal ka din niya, then fight for your love. Pero kung wala talaga, wala siyang feelings for you, then you need to move on." Mom is right. Bakit parang naliwanagan ako bigla sa sinabi niya. It takes time. Mula pagkabata mahal ko na si Miko, hanggang ngayon. Pero sa tinagal-tagal ng panahon, hindi ko nakitaan ng same feelings si Miko for me. Kailangan ko nabang mag-move on? Oh God. Parang ayoko.. "Hindi lang umiikot sa iisang tao ang mundo natin. Tandaan mo 'yan anak. Wag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal sa iisang tao na alam mo namang walang nararamdaman sayo. Explore! Sa halip na magpaka-martir ka sa isang taong alam mong walang gusto sayo, why not look at your surroundings, mas pahalagahan mo ang mga taong nasa paligid mo na napaparamdam sayo na mahalaga ka sa kanila." Strike one. Bakit feeling ko alam ni Mommy ang nararamdaman ko? Sabagay, alam naman niyang gusto ko talaga si Miko. Iba pa naman ang pakiramdam ng nanay. Malakas makiramdam. "You're defnitely right, Mom. Hm, by the way, pupunta po ba tayo kina Tita Yumi?" Tanong ko. May times kasi na sinasama kami ni Mom don, nakikipag-chikahan siya kay Tita Yumi, Mommy ni Miko. Gusto ko talaga siyang makausap eh. Hindi pa rin ako matahimik dahil sa kahapon. Gusto ko na ting ma-confirm kung kailangan ko na ngang mag-move-on. "Later, pagka-bake ko ng cake. Why? Wala kang assignments and projects? Sasama ka?" "Yes Mom. Sasama ako." "Okay. Then be ready. Dadalhan natin ng cake si Tita Yumi mo pati si Reiko." Ngumiti ako. "Okay Mom. I love you." Nagkiss ako sa cheeks niya. "I love you too, baby. Dalaga na talaga ang unica ija ko." Yes. Dalaga na'ko. Nagmamahal na nga ako ng lalaking manhid eh. "Si Mommy talaga. Aakyat na po ako. I'll take a bath." "Sure, baby. Pakisabihan mo na rin si Kenzo na maligo na. Paligo siya sa yaya niya." "How about Enzo and Renzo, Mom?" "Kasama ng Daddy mo sa company. Alam mo naman ang mga kapatid mong 'yun. Daddy's boy. Si Kenzo lang yata ang Mommy's boy." Natatawang sabi ni Mom. Napangiti ako lalo. Honestly, I have a wonderful family--indeed a perfect family. -- Miko POV Fvck! Badtrip. Nandito na naman ang living megaphone na 'yun. Siguradong kukulitin na naman niya ako. Tch. Nagkulong na ako dito sa kwarto ko. Wala ako sa mood makigulo sa kanila. Nagbukas nalang ako ng laptop ko. Scroll.. Riana Gale Buenavista change her profile picture. Shit. Ang ganda niya talaga. Sobrang charming. Siya yung tipo ng babae na unang tingin mo palang, mapapatitig ka na. Ang bait pa niya. Nasa kanya na yata ang mga attitude na gusto ko sa isang babae. Gusto ko siya, oo. Pero hindi ako manliligaw hangga't hindi ko siya minamahal. Nangako ako sa sarili ko, manliligaw lang ako kapag nagmahal ako. Yung mahal na mahal ko na ang babae. Like Dad, si Mom lang ang una at huling babae sa buhay niya. Nag-scroll pa ako. Chylee Hera Shin-Woo Nakakainis ka na talaga Phoenix! Isa pa, i-a-unfriend na talaga kita. Stop posting I LOVE YOU to my wall. Like • Comments • Share Skyler Knox Shin-Woo, Shanice Chan, Kyle Shin-Woo and 1635 others like this. View 725 comments Shanice Chan Just answer I love you too! Hahaha. Phoenix Laurel I won't stop until you said YES. The hell? This fvcking Phoenix? Ang kilalang mayabang sa college department? So he's Hera's suitor huh? Tch. He's not Hera's type. Fvck him. Wait.. Why do I need to react like this? s**t. Wala akong pakialam sa babae na 'yon. Ano naman kung nililigawan siya ng Phoenix na 'yun. I don't fvcking care. Isinara ko na ang laptop ko at lumabas ng kwarto ko. Pagbaba ko, naabutan ko sina Tita Chelsea, Kenzo, Mom, Reiko and of course, magpapaiwan ba 'yang megaphone na 'yan. Tch. "Miko, anak. Andito sina Tita Chelsea mo. Sina Chylee. Say hi to them." Sabi ni Mom. I smiled to Tita Chelsea. "Hi Tita. Kenzo, yow!" Sabi ko then, last tumingin ako kay Hera. I give her a fake smile. "Hey, Hera." "Binatang binata na talaga si Miko." Puna ni Tita Chelsea. Napangiti lang ako. "Oo nga eh. Kaso wala pang nililigawan. Bakla yata ang anak ko." Biro ni Mom. Tch. "MOM!" Nakakahiya. "Haha. Just kidding, anak. Oh sige na. Kausapin mo muna si Hera, magtsi-chikahan kami ni Tita Chelsea mo." Fvck. Papakausap nila sa'ken 'yan? Mabibingi lang ako. Tumingin ako kay Hera. May napansin akong kakaiba sa kanya. Para siyang hindi lively. This is the first time I saw her like this. Parang tahimik na walang gana. Hindi siya ganito. Pag pumupunta sila dito, sinasalubong agad ako nyan ng yakap at sisigaw agad saken. May times pa na pupuntahan mismo niya ako sa kwarto ko para guluhin. But now, it's different. "Miko, can we talk?" Tanong niya. Yan pa ba? Hindi makakatiis yan na di ako kausapin. Inlove na inlove saken yan eh. "Sure." Sagot ko. Nauna na akong lumabas. Sa gilid, sa may garden. Kasunod ko lang siya. Then, naupo ako sa bench dito. Tumabi si Hera sa'ken. "Miko.." "Now what?" Pagsusungit ko. Himala, di siya sumisigaw. Malumanay ang pagsasalita niya. Tch. "M-may nararamdaman ka ba sa'ken? Kahit crush lang. Kahit konti lang.." Hindi ko in-expect ang tanong niya. What the fvck? "Wala. I don't like you, Hera. How many times do I need to tell you that you're not my type. Hindi ikaw ang klase ng babae na magugustuhan ko." Nakatingin ako sa kanya na nasa tabi ko. I saw tears from her eyes. Fvck! I don't want to see her cry. Never siyang umiyak sa harap ko but now? What exactly happened to her? Nakatingin lang siyang diretso. Tumutulo ang luha. Ni hindi siya tumitingin sa'ken. Fvck I hate this kind of situation. "K-kahit tuldok lang? Yung pinakamaliit na tuldok, wala talaga?" "Kailangan ko ba talagang ulit-ulitin Hera?" Napatayo na ako. I'm starting to get annoyed. Humarap ako sa kanya. Napatayo na rin siya. "You're nothing, Hera. You're a fvcking childish. You're a living megaphone. You're a Mommy's girl. The fvck, what's the best thing about you? Huh? Nothing! Kaya tumigil ka na sa paghahabol saken." Alam kong masasakit na salita ang binitawan ko but I need to do this. I really hate the fact na hinahabol-habol niya ako. Napansin ko ang paghagulhol niya. The fvck! She looked at my eyes while tears falling from her eyes. "The best thing about me is, I will never leave you even if you keep hurting me." What did she say? "But I don't think, that best thing about me will still be effective after this conversation. Thanks, Miko. For your honest answers. I have to go. Bye." Natulala ako. What the heck? Bakit bigla akong nagsisi sa mga sinabi ko? Bakit may kakaiba akong naramdaman dito sa dibdib ko dahil sa huli niyang sinabi? At nag-walk-out siya. FVCK!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD