Chylee POV KINAKABAHAN ako. Hindi ako makatulog kaya kahit gabi na ay gising pa din ako. Para ngang hinihintay ko talaga sila Mom na umuwi galing sa dinner date nila ni Dad. Argh! Si Miko kasi, e. Ano kayang pinag-usapan nila ni Mom kanina no'ng iwan ko sila sa office? Narinig ko na ang pagdating ng sasakyan nila Mom at alam kong nandyan na sila. Baka mamaya, pagalitan ako o kaya ma-sermunan dahil kay Miko! Nagpagulong-gulong ako sa kama ko para i-relax ang sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag bigla akong kinausap ni Mom tungkol kay Miko. Paano na ito?! Alam pa naman nila Mom na si Miko ang dahilan kung bakit kinailangan nila akong papuntahin noon sa US. Tapos ngayon, maggaganyan si Miko? Saka ano ba kasing nakain ng isang 'yon? Girlfriend daw niya. Sa puso daw niya. Ako daw.

