18

2159 Words
Chylee POV Saglit akong kumalma bago nagreact sa sinabi ni Miko sa cashier. "Mi--" "Hoy bata! Bawal nga take out. Tch. At itong baby ko, di siya nao-order 'cause she belongs to me." Sabi ni Phoenix na naka-akbay pa sa'ken. Ayan na naman sya sa pagpapaselos kay Miko. Pero pasalamat na din ako sa kanya. Bwisit na Prince Miko kase, daming alam eh! He smirked. "Then I'll do everything para makuha sya." Sabi nya saka kumindat pa saken pagkatapos ay tumalikod na. Di naman nya kinuha yung inorder nya at nag-diretso palabas ng fastfood. "WAAAAA!" "Tch. Yung batang 'yun. Namumuro na ha." Sabi ni Phoenix sa tabi ko. Tinapik ko ang kamay nyang nasa balikat ko. "Abuso kana. Psh." "Baby naman." Ay nako. Nagpout na naman. Pa-cute talaga 'tong Phoenix na'to. Nagpatuloy lang ang pila. Hindi na sila nag-react pa sa scene namin ni Miko. Buti naman, wala yatang tsismosa dito. Binalewala ko na 'yung pinakita nya. Ewan ko sa kanya. Di ko alam kung seryoso ba talaga sya o naaapakan lang pride nya kaya ganon sya? Kase may times na, parang 'di naman sya sincere at seryoso. Bahala nga sya sa buhay nya. Hindi ako magpapadala sa kanya. Hanggang kilig lang ako. No more other reaction. Oo nga't pinapansin ko na sya, pero hindi ibig noon ay nakalimutan ko na kung gaano nya ako sinaktan noon. Sariwang-sariwa pa rin 'yun sa alaala ko. The way he broke my heat. The words came out from his mouth. The thing he makes me realized. Lahat, hindi mawawala sa isip ko. At wag nyang inaakala na ganon ganon lang 'yon. Na, nasa past lang 'yun dahil para sa'ken, patuloy na nabubuhay ang pangyayaring iyon ngayon. "Baby, are you okay?" Tumingin ako kay Phoenix. He's the man who comfort me maliban kay Skyler. Siya yung lalaking nanatili sa tabi ko hanggang maging okay ako. Ang lalaking pinaparamdam sa'ken kung gaano ako kahalaga sa kanya. Ang lalaking rumirespeto sa'ken. Ang lalaking handang gawin ang lahat para sa'ken. Ang lalaking minamahal ako ng walang hininging kapalit. Ang lalaking ginagawa ang lahat mapasaya lang ako. At ang lalaking kabaligtaran ni Prince Miko Abellano--si Phoenix Laurel. I'd rather choose him over Miko. Gusto ko siya, but not love like what I felt for Miko. Pero natutunan naman ang magmahal 'diba? If I need to choose between them? Pipiliin ko 'yung MAHAL AKO kesa MAHAL KO. Mabuti na iyon, dahil kung yung 'Mahal ko' ang pipiliin ko, walang kasiguraduhan kung dadating sa puntong pareho kami ng nararamdaman, hindi ko hawak ang puso nya. Pero kung doon sa 'Mahal ako', sigurado na ako na mahal ako, and as for me, matututunan ko naman syang mahalin habang lumilipas ang mga araw na magkasama kami. I don't think na magiging unfair ako as long as I know na may mapapasaya ako, as well as myself. "Tulala na talaga. Kelangan mo yatang mabuhusan ng coke float, Chylee!" Natauhan ako sa sigaw ni..si Shanice pala andito na sa tabi namin ni Phoenix. Di ko na namalayan. "Shan, ikaw pala!" Bati ko. Ngumiti ako saka bumeso sa kanya. "Naku, Chy! Hindi. Robot lang ako." Pilosopo talaga. "Sino kasama mo?" Tanong ko. Nag-blush sya. Aba, anong meron? "Tch. Di bagay sayo ang mag-blush Shanice. Mukha kang giraffe." Sabi ni Phoenix na tumatawa. Natawa din naman ako kahit korni. "Anong giraffe? Psh. Bastedin mo na kase 'to Chy oh." Aniya. Tinawanan ko lang sila. Si Phoenix naman ay naka-pout na naman. Pa-cute talaga. "Ano nga, sino kasama mo?" "Si Skyler." Oh. "May namumuo na ba?" Tanong ko na parang detective. "Ang alam ko, may namumuong panibagong bagyo eh. Kaya dapat na mag-ingat tayo 'no?" "Niloloko mo ba ako, Shan?" Sumingkit ang mata ko. "Chy naman! Nagtatanong ka kung may namumuo eh." "I mean, sa inyo ni Sky!" "Sa'men ni Sky? Hala! Wala 'no. Walang nabuong baby." "Wahahahaha! Langya, Shanice!" Tawang tawa si Phoenix. Ako naman naniningkit lalo ang mata kay Shan. Pinipilosopo ako ng bruha. "Shan." I said on my warning tone. She tapped my shoulder. "Kalma lang, Chy. Wag ng masungit. Nasa Jollibee tayo oh, kaya dapat bida ang saya. Ha-ha!" Babaeng 'to talaga! Baliw na, ewan! "Ewan sayo! Kumain ka na nga. Andon na pala si Sky sa table nina Mom. Maki-join ka na don." She pouted her lip. "Ano, Chy. Meeting the parents agad?" "Baliw ka talaga. Ilang beses mo na ngang nakilala sina Mom and Dad. Tama na ang kalokahan mo. Kumain kana." "Oo na. Para mo'kong tinataboy nyan, Chy ah. Pero sige itaboy mo pa ako kay Skyler. Haha!" Sabi nya saka umalis na. Sinundan ko sya ng tingin at lumapit sya sa table nina Mom and Dad. Buti nalang malaking table ang nireserve ko sa kanila. "Baby." Tumingin ako kay Phoenix. "Oh?" "Ang pagmamahal ko sayo ay parang KFC." "Bakit?" "It feels so good! Boom!" "Hindi ba 'finger lickin' good ang motto ng KFC?" Tanong ko na naka-poker face. Sumimangot sya. "Tch. Yun nakasulat sa tissue ng KFC eh. Gusto mo makita? Tara kumain mamaya sa KFC." "Oo na. Psh." "Pero gusto ko 'yan, baby. Finger lickin' good. Patikim nga baby." "Awwwww--ARAY!" "BASTOS KA!" Nagtatakbo sya palabas ng counter pagkatapos ko syang hampasin ng tray. Baliw talaga. Ang lakas ng tama. Pasalamat siya 'di ko siya mahabol. Psh! -- Nakakapagod. Masaya pero hindi ko akalaing dudumugin talaga ng ganon ka-tindi ang branch ko ng Jollibee doon sa may SWU. Halos lahat yata ng estudyante ng SWU, nagpunta don kanina. Kahit mayayaman, mahilig din sa libre. Gabi na at nagpapahinga na ako dito sa kwarto ko. Bukas, another day. Officially open na tomorrow ang Jollibee branch ko at hindi na siya libre. Normal na. Anytime naman ako pwedeng pumasok don since ako ang owner ng branch na 'yon, ako din ang acting manager kase ayokong nakatengga lang sa private office ko don. Saka andyan naman si Phoenix, kaakibat ko. "Pasok!" Bahagyang bumukas ang pinto at sumilip ang katulong. "Ma'am may manliligaw po kayo sa baba." Ha? Si Miko ba? Ba't gabi? Usually, araw sya nanliligaw. Anong nakain no'ng lalaking 'yon? Tumayo ako. Tumingin muna ako sa salamin. Nakapantulog na ako pero ayos lang, I don't mind kung makita nya akong suot ang favorite kong pink pajama na may jollibee print. Well, personalized 'to galing kay Skyler last birthday ko. Isang set nga 'to eh, mula sa towel, panyo, robe, pajama, socks, shirt, shorts, even underwear. Lahat pink pero may print na Jollibee. Haha! Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba. Palapit na ako sa main door nang mapatigil ako. Okay, tatlong lalaki na iisa ang mukha. Lahat ay nakatayo sa may pinto. Mukhang may tino-torture. Wag mong sabihing...si Miko?! Napatakbo ako palapit sa kanila. "Enzo, Renzo, Kenzo?" Tawag ko. At pagtingin ko sa labas. Mali ang akala ko. Si Phoenix ang andito. Ang daming dalang paperbag. Siya ang manliligaw? Eh matagal na syang nanliligaw sa'ken. "Ate, manliligaw mo." Masungit na sabi ni Kenzo. "Phoenix anong nakain mo at nanliligaw ka ngayon?" Tanong ko. Ngumisi sya. "KFC." Umingos ako. "KFC mo mukha mo. Bakit nga?" "Wag magsungit, baby." Sabi nya. "Gunggong! Hindi na baby ang Ate namin. Kami nga bunso eh!" Singit ni Enzo. "Chylee ang pangalan ni Ate, hindi baby." Sabi naman ni Renzo. "Isa pang tawag na baby sa Ate ko, makakalunok ka ng bola na pang-basketball." Sabi naman ni Kenzo. Ang susungit ng mga kapatid ko. Walang sinasanto kahit mas matanda sa kanila. Wala eh, Shin-Woo 'yan eh. Napakamot ng ulo si Phoenix. "Lagi bang red tide 'tong triplets na'to? Tch. Eto oh." Sabi nya saka binigyan ng tig-isang paperbag ang tatlo. Aba, hindi lang pala ako ang nililigawan. Pati ang triplets. Para kaseng mga guardia civil 'tong mga 'to. Laging nasa may pinto 'pag may bisita akong lalaki. "Kuya Phoenix, 'di mo ako madadala sa mga parega-regalo mo." Sabi ni Enzo saka binuklat ang papebag. Tumambad sa kanya ang isang snapback na pakwan printed. "Damn! Pero minsan, madadala mo din ako! Oh, ingatan mo Ate ko. Papasok na ako sa loob!" Paalam nya saka umalis na bitbit ang bigay ni Phoenix. Shemay! Hindi daw nadadala sa mga regalo tapos nakita lang may pakwan, aish! "At ano naman 'to?!" Masungit na tanong ni Renzo. Binuklat nya ang kanya at ang laman, iphone 6 plus. "Whoah! Damn! New phone! Thanks brad! Si Ate, wag mong paiiyakin 'yan." Sabi nya at umalis na din. Naka-poker-face nalang ako habang pinapanood ang mga kapatid ko na tuwang tuwa sa bigay ni Phoenix. Hindi nga sila nadadala sa regalo. Halata naman 'di ba? Psh. "Hindi ako katulad ng dalawang kong kapatid na gunggong. Tch. Wag mong idaan sa pagre-regalo sa'men ang panliligaw kay Ate. Dahil kahit makuha mo ang loob namin, nakay Ate pa din ang desisyon. Andito lang kami para protektahan sya, hahayaan kalang namin manligaw pero hinding hindi kita bibigyan ng karapatang saktan ang Ate ko. Dahil ako makakalaban mo kahit mas matanda ka sa'ken. Si Ate ang prinsesa ng Shin-Woo at sabi ni Kuya Sky, hangga't nandito kami, no one can hurt our princess without putting a goddamn fight." Shems. Na-touch naman ako kay Kenzo. He's really the man of words. Sya talaga ang nagmana kay Sky at Dad. "Whoah! Chill 'bro! I will never hurt the princess. Itaga mo pa sa ABS ko." "Tch. Hindi lang ikaw ang may ABS." Sabi ni Kenzo saka tumalikod na bitbit ang paperbag na bigay ni phoenix. Hindi man lang nya binuksan sa harap namin. Humarap ako kay Phoenix. "Ano?" Singhal ko sa kanya. "Nakahinga rin. Tch. Mas matanda ako kay Kenzo pero s**t! Nakakatakot magsalita 'yung batang 'yun. Nagmana talaga kay Sky. Ganong gano'n magsalita ang ka-kambal mo eh." "It runs in the blood eh." Simpleng sagot ko. "Kahit naman 'di nila ako takutin o pagbantaan, wala naman talaga sa vocabulary ko ang saktan ka, Chylee. Alam mo 'yan. We're together for five years. Kilalang kilala na natin ang isa't isa. At saksi ako sa mga pinagdaanan mo. Sinabi ko noon sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para 'di na kita muling makita na ganoon ka-miserable." Oh, Phoenix is being sweet. Nakaka-touch naman talaga sya. Siya ang nasa tabi ko nang mga oras na brokenhearted ako kay Prince Miko. "I know Phoenix. And I thank you for that." Ngumiti sya at inabot sa'ken ang box ng cake. I know this cake. Favorite ko. Strawberry cake. Lagi nya akong binibilhan nito sa US kapag nararamdaman nyang iiyak na naman ako dahil kay Miko. "Thank you, Phoenix. For coming into my life." I said sincerely. He hugs me and kiss my cheeks. "Meeting you is one of the best moments in my life. I know we're meant to cross our path for a reason. And that reason is to give you a thousand reason to smile." Napangiti ako lalo. Phoenix is one hell of a sweet guy. Hindi siya mahirap mahalin. "FVCK!" Napabitaw ako kay Phoenix. Napatingin kami sa pinaggalingan ng boses na 'yun at nakita namin si Miko na kakababa lang sa kotse nya. Di ko man lang narinig 'yung pagdating ng kotse nya. Dahil siguro masyado akong nadala sa mga sinabi ni Phoenix. "Miko?" Hindi nya ako pinansin sa halip ay tumingin sya kay Phoenix. "Tch. Why are you here?!" "Hoy bata. Ikaw ang dapat kong tanungin nyan. Ba't nandito ka?!" "Ah! Fvck! Nanliligaw ako!" "Ano, ano?! Nanliligaw. Naku bata, gabi na. Uwi na!" Sigaw ni Phoenix. Di ko alam kung matatawa ako sa kanilang dalawa. Para silang ewan. "I don't care about you. I just care about Hera. Tch! Makapagreklamo ka ah. Ikaw nililigawan ko, ha?! Ha?" Sigaw naman ni Miko. "Bakit? Nililigawan mo ang baby ko, aba matinde bata! Gabi na. Tapos na ang oras ng panliligaw! May curfew!" Sabi ni Phoenix saka ako hinila sa braso. Ipinasok nya ako sa loob ng mansyon. "Hoy!" Sigaw ni Miko. "Sige na baby. Pasok ka na. Matulog ka ng mahimbing. See you tomorrow!" Singit ni Phoenix habang tinutulak ang pinto. "Pero.." "Basta tutulog ka na. Ako na bahala dito sa manliligaw mong hilaw." "Fvck! Bitawan mo si Hera!" Sigaw ni Miko. Nakasilip nalang ako sa pinto dahil naka-awang pa ng kaunti. Sinasara na kase ni Phoenix. Pinipilit nya na akong pumasok sa loob. "Phoenix.." "Baby. Sige na! Uuwi na din ako." Sabi nya saka sinara na ang pinto mula sa labas. Wala na. Sarado na nga. Nasa loob na ako at napatitig lang sa pinto na nakasara. "HERA! OPEN THIS DOOR!" Narinig kong sigaw ni Miko. Hindi ako sumagot. Baliw talaga si Phoenix eh. "Sinabi ng uuwi na tayo, bata! Tara!" Narinig ko namang sigaw ni Phoenix. Maya maya lang ay narinig ko na ang mga umandar na kotse kasabay ng pagtunog ng phone ko na hawak ko. Phoenix calling.. Sinagot ko agad ang tawag. "Phoenix?" [Sleep well baby. Nakasunod ako sa kotse ni bata para masigurong uuwi na sya. Tulog ka na. Goodnight.] *toot toot* Confirmed na baliw. Buti napasunod pala nya si Miko? Dalawang 'yun talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD