Chylee POV Pauwi na ako galing sa Jollibee branch ko. Pinauna ko na si Phoenix na umuwi dahil nagpahintay pa si Enzo sa'kin. Susunduin naman daw siya ng driver namin kaya doon na ako sasabay. Nakaupo kami dito sa waiting bench sa may labas ng Jollibee. Sarado na kasi dahil gabi na. "Ate, parating na si Manong. Naiinip ka na ba?" Tanong ni Enzo na naka-pout habang yakap ang bag niyang..well, may print na watermelon. Seriously? Ang bakla. Umiling ako. "Hindi naman. It's okay, Enzo. By the way, can I ask you something?" "Sure, Ate." "Wala ka bang nagugustuhan sa SWU? You know..madaming magaganda d'yan." Nag-aalala na kasi ako sa ka-adik-an ni Enzo sa pakwan. Para siyang nag-isip. "Sa ngayon, wala, Ate. Busy sa basketball eh." Tumango-tango ako. "Gano'n ba?" "Oo, Ate. Oh, ayun na si M

