16

2170 Words
Chylee POV Pababa ako ng salas bitbit ang jersey na galing kay Miko. Binigay nya sa'ken 'to kahapon eh. Hindi naman yata para sa'ken. "Yo, Ate!" Bati ni Renzo. Nasa salas ang triplets. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Kailangan ko pa bang sabihin isa-isa? Obviously, si Enzo kinakausap ang bilog na pakwan habang kalong kalong nya 'yun. Baliw na yata ang kapatid ko. Si Kenzo, naglalaro ng XBOX. At si Renzo? Hulaan nyo. Ayan, pagkatapos akong batiin, deadma na ulit. Pose ng pose sa harap ng phone niya. Retrica yata gamit. Nine shots. Haha! "Busy kayo ah!" Sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon nila. Naupo ako sa couch. Nakatingin silang tatlo sa'ken. "Ano 'yang hawak mo Ate?" Tanong ni Enzo. "Baka pakwan ang hawak nya, Enzo. Tch. Nakita mo ng damit oh!" Sabi ni Renzo. Lakas talaga mambara ng mga 'to eh. Manang-mana sa pinagmanahan. He-he! Parang 'di ko naman matandaan na nambabara ako nung bata ako? Hmm. "Alam kong damit! Tch. Jersey 'yan ng SWU Tigers 'diba?" Tanong ni Enzo. Nakuha ang atensyon ni Kenzo kaya tumayo sya at lumapit sa'ken. Kinuha nya ang jersey. Ibinuka nya iyon at tinaas para makita ang print. "Misis Abellano. Aba matinde. Galing kay Kuya Miko?" Basa nya. Teka lang, anong pagkakabasa nya? Misis Abellano? Wait. Inagaw ko sa kanya ang jersey at tinitigan ang likod noon. MRS ABELLANO 25 "Anong basa mo dyan?" Tanong ko kay Kenzo. Dumikit na rin sa'men sina Enzo at Renzo para tingnan ang jersey. "Misis Abellano, 25." Sagot nya. "Misis?! Paanong misis yan? MRS yan! Initial yan! Isasauli ko 'yan kay Miko. Baka nagkamali sya ng bigay. Hindi naman MRS initial ko eh!" Sabi ko. Nagkamot ng ulo si Renzo. "Parang loading, Ate ah." "Ha?!" "Ayun oh! Turtle, lumilipad!" Sigaw naman ni Enzo. "Ha?!" "May virus 'yan, nagha-hang eh." Sabi naman ni Kenzo. "Ha?! Teka nga, ano bang sinasabi nyong tatlo?" Tanong ko. Sabay-sabay silang tumingin sa'ken. Mga naka-poker face pa. Jusko! Magkakamukha pa. "ANG SLOW MO ATE!" Sabay sabay na sigaw nila. "Ba't ako naging slow?" Tanong ko. Napakamot ulit ng ulo si Renzo. "Kita mo na, kita mo na, Ate! Loading talaga, Ate." "Tch. Akala mo initial ang MRS, Ate?" Tanong ni Kenzo. Tumango ako. "Sa US ka naka-graduate, Ate tapos simpleng MRS lang 'di mo pa mabasa." Oo nga 'no. MRS. Pag binasa sya.. O_____O "Misis?!" Napasigaw ako. "Ayun! Nakuha din!" "Di na slow!" "Tanggal virus! Di na nagha-hang!" Etong tatlong 'to laging may side comments eh. So misis abellano 'to?! "Oh, Misis Abellano pala eh! Ba't sa'ken binigay? Hindi ba ito kay Tita Yumiko?" Inosente kong tanong. "What the.." "Loading talaga." "Masama na 'to." "Ano nga kase, triplets?" Tanong ko ulit. Kaya nga ako nagtatanong tapos sila naman kung anu-ano sinasabi eh. "Sayo 'yan, Ate! Di ba obvious? Malamang may gusto sa'yo si Kuya Miko. Binibigay nya sa'yo 'yan dahil gusto ka nyang maging misis nya--teka nga! Di kami payag na manligaw siya sa'yo Ate! Asawa pa kaya! Tch." Sabi ni Kenzo. Gusto kong matawa sa reaksyon nya. Protective brothers din ang triplets kahit mas matanda ako sa kanila. Sabagay, only girl eh. Ako ang prinsesa nila. Pero..shems! Ang slow ko pala! Misis Abellano pala basa don! Waaa at para sa'ken 'yun? God! Ba't ganito. Parang may butterlies sa tummy ko. I can't understand myself. Para akong maiihi sa kilig? No. This is not me. Bakit naman ako kikiligin kay Prince Miko. Aish! "Ate, magtapat ka nga." Sabi ni Renzo na nakahawak pa sa baba nya. "Ano 'yon?" "Buntis ka ba Ate kaya may Misis Abe--AWWW!" Binatukan sya ni Kenzo. "Tch! Pag may Misis, buntis agad? Hindi pwedeng mabuntis si Ate! Bata pa sya!" Nag-pout ako. "Hindi ako buntis okay? Isa pa, nanliligaw si Miko sa'ken sabi niya pero wala akong balak sagutin siya. Okay?" Pag-amin ko. Wala naman talaga akong balak sagutin si Miko kung seryoso man nga sya sa panliligaw nya. Pagkatapos nya akong saktan noon? Oo, siguro napapansin ko na sya, medyo wala na 'yung hard feelings but it doesn't mean na napatawad ko na sya sa ginawa nyang p*******t sa'ken noon. "Dapat lang, Ate. Chickboy si Kuya Miko. Kahit idol ko sa basketball 'yun, 'di 'yun sapat na dahilan para maging boto ako sa kanya. Tch." Komento ni Enzo habang hawak hawak ang pakwan nya. Ngumiti ako sa sinabi ni Enzo. "Oo nga, Ate! Sa'men, walang bias bias. Lahat ng manliligaw sa'yo, Kuya Phoenix man o Kuya Miko, magiging fair ang laban. Wala kaming kakampihan." Sabi naman ni Renzo. "Pero kung kay Jollibee, ay, wala kaming angal dyan--ARAY, ATE!" =_= Binatukan ko ng bahagya si Enzo. Kung anu-ano kase sinasabi. Pati si Jollibee dinadamay. Natural na hindi sila umangal. Di naman ako nililigawan ni Jollibee eh! Saka 'wag nga, mascott lang 'yun. Psh. "Pero, Ate. Advice ko lang, salain mo 'yang mga manliligaw mo. 'Wag ka agad bibigay sa kanila kase kaming mga lalaki, likas na sa'men ang bolero sa mga nililigawan namin kaya 'wag kang papadala agad. 'Yang pabigay-bigay ng jersey na 'yan na may Mrs. Abellano? Tsk tsk. Possessiveness." Litanya ni Kenzo. Ilang taon na ba ang tatlong 'to? Parang matanda na mag-isip eh. Dinaig pa ako. "Oo na mga Kuya." Sabi ko at isa isa kong ginulo ang buhok nila. "Ate! Isang oras ko 'tong inayos sa salamin kanina!" "Tch! Ginagawa mo kaming bata, Ate!" "Wala na! Ang buhok ko, Ate!" =__= Bipolar talaga 'tong tatlo na 'to. "O siya, aakyat na ako sa taas. May gagawin pa ako." Sabi ko. Umakyat na ako sa taas bitbit ulit ang jersey na galing kay Miko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay naupo ako sa kama ko saka tinitigan ang jersey. MRS. ABELLANO 25 Kelan pa ba ako naging slow? Bakit di ko agad na-gets 'to? Misis pala. Akala ko kase initial. Wala kaseng tuldok. Buti napaliwanag ng triplets. Kung hindi, baka naipadala ko na'to pabalik sa mansyon nina Miko. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang iPad ko. Check muna ako ng f*******: ko. I tap the status bar. Nag-post ako. Chylee Hera Shin-Woo Kikiligin ba ako sa nalaman ko? Like • Comment • Share Then nag-scroll muna ako sa newsfeed. Baka kung anong balita eh. Napatigil ako nang bumunga sa screen ang gwapong mukha ni Prince Miko. Di ko 'yun ikakaila. Prince Miko Abellano changed his profile picture. Ila-like ko ba? Pero baka matuwa sya masyado. Magcomment kaya ako? Baka sabihin nya nag-effort talaga ako. Aish! Basahin ko nga muna mga comment. Grabe lang, 4 hours ago palang pero nasa 1K likes na. Prince Miko Abellano changed his profile picture. Luke Palermo, Cavill Lopez, Blake Zed Smith, Jewel Abellano and 1258 others like this. Like • Comment • Share View more comment Reign Yumang OMG! So gwapo! Crissey Barcenas Makalaglag panty! Anj Pasion Kyaaa! Ang gwapo gwapo mo! Pilita Kurdapia Aba, ang gwapo nire! Ala eh, ang panty ko'y nalaglag nga. Ricardo Abellano Binatang binata na ang apo ko. Dati uhugin palang. Ikumusta mo ako sa Mom and Dad mo. Sino 'yung Ricardo Abellano? Well, bahala nga. Di ako magko-comment at magla-like. Nagbrowse pa rin ako. Bored kase. Then I saw a post. Dalawang post na magkasunod. Phoenix Laurel Bata. Tch. Prince Miko Abellano Bata daw ako? Tch. Seriously? Nagpaparinigan ba silang dalawa? Friends pala sila dito sa f*******:. Aish. Chineck ko nalang wall ko, then napatingin ako sa friend request. Ang dami na pala. Di kase ako nag-a-accept pa. Makapag-accept na nga. =_= Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa isang 'to. Jolli Bee | Accept | Ignore | Seriously? Sinong Jolli Bee 'to? At matinde, ang profile picture ay ako with Jollibee nga. I remember that picture nung nagpunta akong Jollibee. Nagpapicture ako sa statue. A-accept ko ba? Si Jolli Bee? Jusko po. Sige na nga, accept na. Ilang segundo lang na na-accept ko, may nagpop-out sa message. Jolli Bee Hi Chylee ko. =_= Like what the..shems! Kung bata bata ako baka kiligin pa ako at isiping totoo siya. Kase nung bata ako in-add ko si Jollibee dito sa f*******: eh and I remember how happy I am that time dahil in-accept nya ako. Eh ngayon, syempre alam kong 'di talaga 'to si Jollibee. Makapag-log-out na nga lang. -- Nakatulog pala ako kanina. Wala naman kaseng magawa. Yung sa business namin ni Phoenix, nira-rush na nga ang pag-aayos. Siguro mga two weeks pa at tuluyan ng mabubuo ang sarili kong branch ng Jollibee. Pag nagawa na 'yun, araw araw ay may magagawa na ako kase business eh. Sinabi ko kay Phoenix na kahit owner kami ng branch na pinagawa namin malapit sa SWU, gusto ko pa din na nandon kami. Pinagawaan ko naman ng sarili naming office don eh kaya okay lang. Bale 'yung ownership ko, nag-invest si Phoenix kaya kasosyo ko na siya. Ayaw niya pa daw mag-trabaho sa company nila eh. *knocks on the door* Napatingin ako sa gawi ng pinto ng kwarto ko. Sino naman kayang kumakatok? Tumayo ako saka pinagbuksan kung sino mang kumakatok. "Yes, Manang?" "Ma'am may bisita po kayo." Kumunot ang noo ko. "Sino?" "Yun po ulit galing dito kahapon. Si Sir Miko po." Dug, dug.. Ano ba 'yan! Ba't ba nagre-react na naman ang puso ko. Bwisit! Wala akong pakialam sa kanya pero ba't ba siya napunta dito? Aish. "Sige Manang. Bababa na ako." Sabi ko. Tumingin ako sandali sa human size mirror ko. Okay naman ang itsura ko kahit bagong gising. Natural na ganda. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Lumabas ako sa main door and there, si Miko na nakasandal sa kotse nya. "Hera." Nakakainis! Feeling ko may kumikiliti sa puso ko. Bakit ba naa-apektuhan ako ng presensya nya?! "Bakit nandito ka?" Tanong ko. "Manliligaw." Juice colored! Straight forward! Manliligaw na naman siya?! Ano namang dala nya ngayon? Bigas ulit? O kanin na? "Miko.." "Watch out." Sabi nya. Kumunot ang noo ko. May kinuha siya sa kotse nya. Ipod saka speaker na wireless. Ipinatong nya 'iyon sa ibabaw ng kotse niya. May pinindot sya at pumailanlang ang tugtog. ♬♬ Someone call the doctor nal butjapgo malhaejwo Sarangeun gyeoljuk jungdok overdose Sigani jinalsurok tongjedo himdeureojyeo Jeomjeom gipsugi ppajyeoganda E~oh! Too much neoya your love igeon overdose ♬♬ Too much neoya your love igeon overdose! Spell N-G-A-N-G-A. Natahimik at natulala ako habang pinapanood syang sumayaw. Seriously, si Prince Miko Abellano, nagsayaw sa harap ko? At korean song pa na 'di ko maintindihan. First time kong makitang magsayaw si Miko at na-realize ko na disaster pala. Sana next time 'wag na nya ulitin. Mag-basketball player nalang siya. Wag na dancer. Tumigil na siya nang i-stop nya ang music. Medyo hiningal pa siya. Bigay na bigay sa pagsayaw eh. "Bakit ka sumayaw?" Tanong ko. "Nanliligaw ako." Sagot nya. Huwaaat? Nanliligaw kaya sumayaw? Ano 'to, talent show? Dapat kumanta nalang siya, para The Voice ang peg. Iikot ako sa upuan ko, diba? "Nanliligaw? I don't get it Miko. Ba't ka sumayaw? Ikaw lang yata ang nanliligaw, na pumunta sa bahay ng nililigawan para sayawan." Sabi ko. Napakamot siya sa ulo niya. "I know it's embarrasing but Hera, sabi ng mga barkada ko, 'di na uso ang harana ngayon. Kaya nagsayaw nalang ako." =_= Prince Miko Abellano, isa kang bipolar na manliligaw. "Uh, okay?" Wala akong masabi sa kanya. Grabe. "And, may dala nga pala ako for you." Sabi nya saka bumalik sa kotse nya. At dandaran! May hawak siyang.. Paperbag na maliit. "Ano 'yan?" Tanong ko. Naalala ko 'yung binigay nyang jersey. Aish! Lumapit siya sa'ken. "Tanggapin mo nalang. And, Hera.." Namimilog ang mata ko dahil ang lapit nya sa'ken. Amoy na amoy ko ang pabango nya. "A-ano 'yun?" "I want to ask you on a date, tomorrow." Napalunok ako. Date? Okay. Date dae. Four letters lang 'yan pero parang nanikip ang dibdib ko. God! What's happening to me? "My Hera.." Wag mo akong tinatawag na ganyan, Miko! Nakakainis ka. O_______O "Bye, my Hera. I love you." 123456789 seconds. Loading.. Nakaalis na ang sasakyan ni Miko pero ako, tulala dito. KYAAAA! Hinalikan nya ako sa lips ko! Shemay ka Miko! Napaka mo talaga! Alam kong pulang-pula ang mukha ko ngayon kaya nagmadali akong pumasok sa loob hanggang marating ko ang kwarto ko. Nag-dive ako sa kama ko at.. "AHHHHHHHHH!" Kilig ba 'to? Shete! Hindi dapat ako kinikilig sa Abellano na 'yun. Nakakainis talaga siya. Nanliligaw palang siya pero kung maka-halik kala mo boyfriend na eh! Bumangon ako at kinalma ang sarili. Hindi dapat ako ganito! Wala dapat akong nararamdaman 'diba? Wala naman na akong nararamdaman para kay Miko eh. Walang wala na! Binuklat ko ang paperbag at tiningnan kung anong laman. SERIOUSLY? Picture frame na may picture niya. At aminin ko man o hindi, ang gwapo nya sa picture na 'to. May stand ang picture frame so pang side table 'to? May note na nakalagay. My Hera, Ilagay mo yan sa side table mo. Para bago ka matulog at paggising mo sa umaga, ako agad ang makikita mo. I love you. Waaaaaa! Enebe, Miko! Nakakabadtrip kana. Kanina pa nagwawala ang kilig cells ko! Oh, bakettttt! Shemay ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD