Chapter 2: Disastrous First Day

1489 Words
Chapter 2: Disastrous First Day Loise’s P.O.V            NGAYONG araw ay isang dream come true sa akin dahil finally ay natanggap ako sa isang magandang kompanya. Hindi ko naman sinasabing pangit ang mga kompanyang pinanggalingan ko pero parang gano’n na nga.            Pagbaba ko ng taxi at nang maisarado ko ang pintuan ay sandaling lumanghap ako ng sariwang hangin sabay napatingin sa Spriggan Twin Tower. Ang isa sa mga matayog na gusali rito sa syudad ng Saint Lisana.            Ang sabi nila, kung nagtratrabaho ka raw sa gusali na ito, mataas daw ang sahod mo na parang totoo naman. Isa sa mga dahilan kung bakit ako masaya sa bago kong trabaho ay mataas ang offer sa akin o sadya yatang mababa ang sahod ko sa dati kong trabaho.            Isa akong clerk, at nagkataon natanggap ako sa Spriggan, at ang papasukan kong kompanya ngayon ay ang may ari rin mismo ng buong building na ito.            Tumingala ako at halos nagsalubong ang sinag ng araw at ang pinakamataas na bahagi ng ng gusali sa tayog nito. I don’t really know much about the company but the salary is quite competitive.            Nagsimula akong maglakad nang dahan-dahan with extra ingat dahil mag pagka-clumsy ako—            “Aray!” Kamuntikan nang mapuruhan ang paa ko nang matapilok ako dahil hindi ko napansin ang hagdan na pababa mula sa binabaan ko kanina. Kasasabi ko lang eh!            “Jusmiyo makisama ka Loise!” inis na bulong ko sa sarili nang magpatuloy ako sa paglalakad. Pagpasok ko sa building ay napangiti na lang talaga ako. May mga building staffs, napapansin mo naman sa uniform nila. Parang estilong hotel kung mag-accommodate sila e, mga magkano kaya ang mga sahod nila?            May panadalian lang na checking sa may grand reception para sa mga unang beses lang dito at papasok bilang new recruit.            Humabol ako sa elevator at napansin ko rin na may kalawakan ang elevator nila. Napaawang-bibig ako nang pagtaas ng elevator ay may roong see through glass sa likod ko kung saan makikita moa ng ground floor kung saan nagdugtong ang dalawang tower. Kanina pa ako sinosorpresa ng building na ito.            Gusto kong picturan kaya naman hinalughog ko ang cellphone ko sa bag ko na maraming laman hangang sa hindi ko mahanap kaya naman kinabahan ako. Nasa ilalim pala nito at nadaganan ng payong ko kaya hinatak ko nang malakas at bigla kong nasiko ang katabi kong may hawak na kape at sa hindi inaasahan, natilapon niya ito sa katabi niyang dalawang lalaki.            Natulala lang ako, hindi ako makapagsalita dahil ang laking gusot nang nagawa ko hindi pa ako nakakapasok!            Buti na lang hindi sila nagalit nang sobra at irap lang ang kinuha ko. Nang makarating ako sa 4th floor ay kaagad kong hinanap ang office pero ang buong floor na pala ang office.            Ang lawak ng office, ang liwanag at ang classy! Ni-tour ako ng HR sa bawat bungad ng department sa iba pang bahagi ng office.            Ang lawak ng cafeteria, mas malawak pa sa office naming dati. Mahaba ang pilian ng pagkain, hindi ka masasawang kumain dito. May malaking flat screen na TV din. Ang kinagigiliwan ko ay ang mga vending machines na nadaanan ko kanina sa lounge kung saan puwede kang mag-relax dahil may mga upuan na komportable at may TV pa. Parang napapansin kong hindi sila madamot sa TV dito. Ngayon lang din ako nakakita ng office na may gym at may spa! Walanjo! Hindi ko alam kung office nga ba talaga ito.            Nang mapadaan ako muli sa lounge dahil patapos na ang office tour, napahinto ako dahlia sa mga babasaging bintana kung saan makikita moa ng matatayog ding gusali na malapit sa area. Para bang dream come true para sa akin ang magtrabaho sa ganitong office.            “So, you’re going to start officially today. This will be your table and she will be your mentor until you can work independently…”            Pumasok kami sa Accounting Department at laking-tuwa ko nang makita koa ng table ko! Hindi na siya maliit at nababakbak ang pinta! Ang laki rin ng swivel chair, hindi na sasakit ang likod ko habang nagwo-work.            “Hi I’m Shyra, ako ang accounting supervisor dito. I-di-discuss ko ngayon ang trabaho mo.”            So bale inabot kami halos ng isang oras sa pag-uusap sa totoo lang hindi pumasok lahat ng sinabi niya. Pagkatapos naming mag-usap ay sinabihan niyang mag-break muna ako bago ako mag-umpisa sa trabaho dahil natagalan din kami sa intro.            Dumiretso ako agad sa lounge at pumili sa mga vending machine kung ano ang kakainin ko. Ang hirap mamili dahil ang daming masasarap. Parang convenience store tuloy dito!            Pinili ko ang isang Japanese custard bread dahil tuwang-tuwa ako sa packaging! May doodle sa likod at message loob ng plastic daw! Dahil sa sobrang tuwa ay naisipan kong kuhanin ang cellphone ko para mag-picture kaya naman naglakad ako, pero bahagyang bumagal ako nang mapansin ko ang utility na tulak ang lagayan ng mga panlinis niya kaya gumilid ako nang bigla akong makarinig ng ingay sa likod at may mga babaeng dumaan na lamang sa gitna kaya naman napilitan kami ng utility na gumilid at naitulak pa nila ako!            Napailing naman ang utitlity na tumingin sa kanila dahil hindi pa sila nag-sorry.            Pagtingin ko naman sa kamay ko ay wala na ang custard bun ko!            Paglingon ko sa gilid ay nakatapat ako sa bukas na pinto ng conference room at nakita ko ang isang lalaking pumulot ng custard bun ko na natilapon sa sahig malapit sa kanya. Nagtago agad ako! Nakakainis natapon ang pagkain ko.            Sinilip ko kaunti ang bukas na pintuan at namataan ko namang kinakain na niya ang tinapay.            Bumalik na lang ako sa lounge para pumili ng inumin dahil nagamit ko na ang ticket para sa pagkain ko. Nahihiya naman akong humingi ulit dahil baka sabihin nilang nananamantala ako.            Naisip kong mag-coke na lang kaya ginamit ko ang isang ticket para sa canned soda. Nang mahulog ang canned sa may booth at bigla itong dumulas, nahulog sa sahig at gumulong sa harapan ng ibang vending machine kaya naman hinabol ko ito baka mawala na naman!            Laking tuwa ko naman nang mahawakan koi to kaya agad ko siyang binuksan pero nagulat na lang ako nang biglang kumawala ang laman nito! Nakalimutan ko na hindi pala pwedeng maalog ang coke kundi sasabog!            Nanlumo talaga ako nang makita kong may tao sa harapan ko na siyang dinapuan nang soda na kumawala sa lata!            Pagkatapos ng break ko bumalik ako sa trabaho. Sa ngayon, more on encoding muna ang pinapagawa sa akin sa system nila. Mga tipikal na transactions at medyo alam ko naman.            Medyo seryoso ang department, wala kang makikitang nagchi-chismisan masyado o kaya snob lang talaga ang mga tao rito?            “Loise, makiki-photocopy naman muna ako nito…” nilapitan ako ng isang lalaki at nagbigay ng isang folder na maraming papel sa akin kaya napatayo kaagad ako. Nagtungo kung nasaan ang photo copy machine. Hindi ko naman first time gumamit pero bakit parang iba yata ang photo copy machine na ito?            May maliit na parang tablet sa harap at sa totoo lang hindi ko talaga alam ang pipindutin ko. Nabubuksan naman ang copier at duon ko nilagay ang bawat papel na ni-photo copy ko.            Nagulat naman ako dahil huminto ito. May tunog-tunog pa ito.            “S-Sir…” saktong dumaan sa akin ang lalaking nag-utos nito sa akin. “Nasira po yata ang photcopier.”            “Ah, tawag ka sa IT alam nila iyan,” sabi lang naman nito nang hindi man lang tinitignan ang sinasabi ko.            Katulad ng sabi ko ay tumawag ako sa IT at sinabi na sira ang photocopier. Naghintay ako sa tabi ng machine hanggang sa may dumating. Napatayo kaagad ako nang mamukhaan ko ang lalaking dumating. Siya iyong natapunan ko ng soda kanina! IT pala siya?            “Yes ano’ng nangyari?” agad nitong tanong sabay nilapitan ang machine.            “Ano…huminto kasi bigla, wala naman po akong pinindot…” medyo nahihiya pa akong magsalita kasi naalala ko talaga ‘yung ginawa ko sa kanya kanina. Grabe iyon!            “Hmmm. Walang papel,” hinatak nito ang maliit na drawer sa ilalim ng machine kaya naman mariin akong napapikit. Kumuha siya nang bond paper sa drawer na tabi ng machine saka nilagay ang papel.            “Just make sure na nakatapat ito rito para mahatak niya ‘yung papel…” ang sabi naman nito.            My day proceed just like that, may mga pinapagawa pero nangangapa pa talag ako. Matatapos ko na sana ang in-encode ko at ipi-print na lang kung hindi nagloko ang printer ko. Dahil sa kagustuhan kong matapos ito ay tinignan ko ang kalagayan ng printer ko. Okay naman siya at umiilaw pero bakit kaya hindi siya nagpi-print. May papel din naman siya.            “What happened, Loise?” napapitlag ako nang nilapitan ako ni Ms. Shyra.            “Ah, hindi po kasi nag-re-response ang printer ko.”            “Then you should call the IT, kailangan ko n asana ang output mo today…” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD