Tinulungan ako ni Bell at ni Dad na pumunta sa c.r, parang nasusuka na naman kasi ako. Nang makapasok na ako ay agad kong sinara ang pinto at sumuka. Pagkatapos kong sumuka ay agad kong hinugasan ang bibig ko at lumabas. Napatingin sa akin sila Bell at Dad and their eyes widen. Bakit ganyan ang reaksyon nila? "Nova, Anong nangyari sa pisngi mo?" nag alala na tanong ni Bell. Agad lumapit si Dad sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako, nakalimutan ko na hinugasan ko pati ang concealer kaya visible na ang pasa. "Who did this?" galit na tanong ni Dad at pinilit niyang ikalma ang sarili niya. Napalingon siya Kay Bell at agad kong hinawakan ang kamay niya to stop him. "It's not him D-dad. Please" I pleaded. "Sinong gumawa, please tell me Nova" pagmamakaawa ni Bell. I bit my lip, H

