Her POV "Handa ka na ba, baby girl?," usisa ng kuya Dane niya sa kanya ng palihim siya nitong kinatagpo sa isang apartment na nirentahan ng kuya niya para sa kanya isang araw matapos siyang madischarge sa hospital. "Kuya, natatakot ako, ano ang magiging buhay ko sa America?wala akong kakilala, pamilya doon," anas niya. "Serene, you will be alright there, my close friends will take care of you there. Mahirap ang buhay mo dito sa Pilipinas sa kalagayan mong iyan, maraming mapanghusgang mga mata at babatikos sa iyo, kukutyain ka and I don't want that to happen to you," pahayag pa ni kuya Dane sa kanya. "Mas papakinggan pa ba natin ang sasabihin ng ibang tao? This is my life wala silang pakialam kung anumang nangyari sa akin. Please kuya dito na lang ako sa Pilipinas. Promise magpakalayo-

