SHDWTB 2- PAAASAHIN

1617 Words
Still 4 years ago... Serenity's POV "Serene, ito na ang notebook mo, oh, tapos na, naggawan ko na rin ng iba pang examples para pang review mo, kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang, ah," turan pa ni Teban sa kanya nang nasa cafeteria na silang dalawa ni Cristy at iba pa nilang mga kaibigan nananghalian sa pinakadulong lamesa. "Woowwwww.... kaswerte muna naman Serene may taga gawa ng homeworks mo, hoy, Teban puwede ako rin, hehehe...," anya ni Jessa, ang matabil niyang kaklase. "Sige na Tebz, maraming salamat, makakaalis ka na, kakain pa kasi kami ng mga kaklase ko," simpleng pagtataboy niya kay Teban dahil hindi niya talaga masikmura ang kabaduyan nito baka kasi tuksuhin pa lalo siya ng mga sosyal niya ring mga kaklase. "Sige Serene, mauuna na ako," paalam pa nito at hahakbang na sana patalikod sa kanila ngunit napatigil ito ng magsalita si Cristy. "Hoy, Tebz, huwag ka munang umalis, sabayan muna kaming kumain, ako bahala sa iyo, ililibre kita dahil tinulungan mo itong beshy ko sa homework niya, right, Serene?," giit pa ni Cristy na wala na siyang naggawa dahil tumayo na ito sa kinauupuan nito at pinatabi nito si Teban sa kanya. "O diyan ka muna Tebz, oorder muna ako ng makakain para sa iyo, may sasabihin daw si Serene sa iyo, Tebz, right Serene?," loka-lokang hirit pa nito bago naglakad patungo sa counter upang umorder ng lunch ni Teban. "Ha, eh.... wala, iyon, Teb, huwag mong intindihin si Cristy, ah...ehhhh...," bungat niya pa. "Oi, Serene, kausapin muna man si Teban, Tebz okay ka lang, ang tahimik muna naman, puwede ba sa susunod kami naman turuan mo sa Algebra, ang suwerte naman si Serene palaging perfect sa mga homeworks niya," komento pa ni Kelly, isa din sa mga kaklase niyang pareho niyang anak mayaman. "Hoy, Tebz, isali mo rin ako, ha?," hindi naman nagpatalo si Jessa at nakisali na rin kaya't mas lalong umahon ang inis niya. "Ano ba kayo girls, ano na lang isipin ni Teban sa inyo na sinasamantala ninyo siya," awat niya. "Okay lang iyon, Serene, mga kaibigan mo rin sila, sige ba, sabihan n'yo lang ako basta ba bakante lang ako, hehehe," ganti naman ni Teban na malapad ang ngiti na halos kita na ang mga malalaki nitong mga ngipin sa harap. "Oooops, ano na ang pinag-uusapan ninyo?sali naman ako!!! Oh, eto na lunch mo Tebz courtesy of your Serenity," anas pa ni Cristy na nasa harapan na nilang may dalang tray ng pagkain at canned juice para kay Teban. "Salamat, Cris," ngiting pasalamat ni Teban. Umupo naman si Cristy paharap sa kanila ni Teban. Halos magkakadikit na ang tatlo sa harap nila. Para talagang sinasadya ng mga ito na paglapitin sila ni Teban. Biglang nagtitigan ang mga kaibigan niya at tumingin sa kanilang dalawa ni Teban.Sa tingin niya ay may pinaplano itong hindi maganda.Bago pa man siya makapagsalita ay binasag na ni Jessa ang katahimikan sa kanilang lahat. "I am full na, girls, punta muna ako ng banyo, alamz na call of nature," katwiran pa nito. "Sama ako sa iyo, Jes," sabi din ni Kelly. "Me too, pasama din, kanina pa ako naiihi, eh," alibi din ni Cristy. "Let's go, ah Serene, Tebz, mauuna muna kami sa inyo, enjoy your meal, balik lang din kami agad, ha?!," pinal na sabi ni Jessa na pinatayo na ang nasa unahan nito upang makaalis na. She was trapped all alone with Teban which left her pissed off. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan at pinagtatawanan siya ng tatlo na iyon. Alam niya ang takbo ng mga utak ng mga iyon. Kunwaring pinakikisamahan si Teban ng maayos pero iyon pala ay tulad niya rin na mapanglait ang isipan. "Ahmmmm... Se---rene.... kain ka pa, hindi mo yata nagagalaw ang iyang pagkain mo," komento pa nito na ikinapantig ng kanyang isipan. "Eh, sa wala kang pakialam, bu-sog na ako, eh!!!," nawalan na nga siya ng pagtitimpi at malakas siyang napasinghal kay Teban. "Ganoon ba? Pasensiya na, galit ka ba?," mahinahon nitong sabi. "s**t!!!!! Yes---- I mean nooooooo..... ,"iiling iling na sabi niya. "Ganito na lang, let's finish our food, pagkatapos ay eereview natin iyong mga answers mo sa assignment mo sa Math baka kasi tawagin ka at ipasolve ka sa board at ipa-explain, mabuti na rin iyong handa ka," suhestiyon pa nito na isinang-ayunan niya na lang. "Why are you doing this to me? Bakit napakabuti mo sa akin at lage mo akong tinutulungan?," she could not helped to ask. "Errrr.... ehhhh, hehehe... wa---la lang Se---rene... gus-to lang ki-tang tu-lu-ngan, ma---sama bah?," paputol putol nitong sabi. "Ewwwwww.. yakkkkkk....," sa isip- isip niya, hindi niya talaga ma-take na magkagusto sa isang tulad ng isang Teban, never in her entire life she can fall in love with an ugly guy. Pero sa kabilang banda ng isipan niya ay napapakinabangan niya naman si Teban dahil nga nitong nakalipas na mga buwan na lage na itong nagkukusang gumawa ng homeworks niya sa Math ay palagi nga siyang nakakakuha ng mataas na marka. Naiinis nga sa kanya ang iba niyang mga kaklase dahil nalaman nito na may taga- gawa siya ng assignments at instant tutor pa. Hindi lang iyon tuwing uwian ay may taga dala pa ng bag at gamit niya dahil nasa labas na ito ng pinto ng classroom nila. Hindi nga magkamayaw sa kantiyawan ang mga kaklase niya lalo na ang mga boys sa tuwing nakikita nito si Teban na nakaabang na sa kanya sa paglabas ng room. Hindi naman niya maggawang ipagtabuyan si Teban dahil nga sa malaking utang na loob niya sa tao na sumagip sa buhay niya. "Mabuti naman kung ganoon, mainam sigurong mauuna na tayo sa kanila, parang hindi na babalik ang mga iyon," mungkahi niya pa. "Ihahatid na kita sa room mo, Serene!," presenta pa nito. "Naku! Huwag na nakakaabala na ako sa iyo, kaya ko naman maglakad mag-isa at isa pa may dadaanan pa ako, sige na paraanin muna ako," tanggi niya at palusot upang makaiwas na makasama si Teban pabalik sa kanyang room dahil tiyak na tutuksuhin na naman sila ng kaklase niya kapag nakita silang magkasama. Wala namang naggawa si Teban ng tumayo na siya at pinilit na makaraan sa harap nito. Agad na naman itong tumayo at makaraan siya ng maayos. Padabog siyang naglakad palabas ng cafeteria.Lagot lang talaga sa kanya ang tatlo niyang kaklase sa pag-iwan sa kanya kasama si Teban. As if naman, madedevelop siya sa isang Teban na siyang hula niyang gustong mangyari ng mga kaibigan niya. Hindi pa siya nagkakasyota at wala pa sa isipan niya ang magpaligaw.Matapos niyang maranasan ang maitim na hagupit ng sekreto ng kanilang pamilya ay tila nag-iba na ang prinsipyo niya sa pag-ibig. Kung sa noon ay naniniwala siya sa matamis at masuyong pag-iibigan ng magkasintahan. She find it lame and boring.Mas gusto niya na yata ang nagkakasakitan para mas exciting. She wanted extreme pain for pleasure just like what she experienced and endured last few months ago with her family. "Oh, hi, Serene, kumusta ang usapan ninyo ng lover boy mo, hehehehe, enjoy ba?," bungat ni Cristy ng makaupo katabi nito sa loob ng classroom nila. "Will you shut your mouth!!! Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase natin kapag narinig ka nila at isa pa hindi ko iyon lover boy so please stop teasing me, I don't like it !!!," she annoyingly uttered with anger in her eyes but in low tone upang walang makarinig ka sa kanya. "Oi, biro lang ikaw naman sobra ka namang affected, nawiwili lang kasi kami kay Teban sa taas ng pasensiya nito sa pagsusuyo sa iyo,hmnp, ang suwerte mo kaya beshy!," turan pa nito. "Anong suyo, mabait lang iyong tao, kaya huwag munang lagyan ng kahulugan iyong ginagawa niya sa akin, and for pete sake! Never akong papatol sa isang katulad niya, hindi ko siya type never..never..never...period," she insisted fiercely. "Hoy! Kalma ka lang beshy! Ikaw naman kasi in-denial pa, obvious naman kasi na may gusto iyong tao sa iyo, walang magtitiyagang gagawa ng assignments mo ng libre, walang lalakeng magtitiyagang magkakarga ng mga gamit mo pauwi araw-araw at matiyagang maghihintay hanggang matapos ka sa mga ka-ek-ekan mo nuh?," buwelta pa nito. "Puwes kung ganoon ang tingin mo, let him be, hanggang manigas at magsawa siya sa akin dahil wala talaga siyang pag-asa sa akin, yakksssss," nandidiri niyang sabi na pinandilatan pa si Cristy. "So, you mean nararamdaman mo na rin na may gusto siya sa iyo at hinahayaan mo lang," kumpirma pa nito. "A little bit but I think I have already my first victim," sa wakas na bungat niya. "Huh?, wait, anong ibig mong sabihin?," koryoso nitong tanong. "Just wait and see, for now, I am enjoying the moment!!! Pero hindi ako nasasayahan sa panunukso ninyo sa akin kaya tigilan ninyo ako kasi kung ako makaganti sa inyo mas malala pa diyan ang gagawin ko," madiin niyang bulong kay Cristy. "Copy beshy!!! Takot kaya ako sa iyo, hehehehe....oh, hayan na pala si Mrs. Santa Cruz, peace beshy !!!!!," itinaas pa nito ang dalawang daliri at ngumiti ng kay tamis sa kanya. She is not naive in the first place. Ang pinapakitang kabutihan sa kanya ni Teban ay hindi lang dahil bukal lang sa dibdib nitong tulungan siya, there's more.Alam niyang darating ang araw na magpapahiwatig na itong ligawan siya ngunit mas wais siya. Ngayon na may silbi pa sa kanya si Teban ay gagamitin niya muna ito. Paaasahin at paglalaruan ang damdamin nito.He would be her first cruel game victim. Hindi na siya makapaghintay na darating sila sa moment na iyon na makikita niyang iiyak sa kanyang harapan si Teban dahil nainlab na ito ng husto sa kanya.It would a great pleasure for her to break someone's heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD