His POV "Excuse me!," supladang sabi ni Serenity ng makalapag na ang eroplano sa airport ng New York, USA. Magkatabi sila ng flight seat. Sinadya niya iyon. He had his own ways. Pagkatapos kasi niya atng mga tauhan niya maiwan si Serenity sa labas ng pinto ng simbahan ay dumeretso na siya sa bahay ng mga magulang. Nakaantabay lang siya sa loob ng kotse hanggang magbukang liwayway at nang may makakakita sa dalaga. He makes it sure na ligtas at malayo sa kapahamakan ang dalaga bago niya tuluyang iwan. Masakit man na bitiwan si Serenity at talikuran pansamantala ang dalaga ay kinakailangan. Pagdating niya sa kanilang villa ay aligaga ang lahat ng mga housemaids. Agad siyang pinapunta ng mga ito sa silid ng kanyang mga magulang. Pagkapasok niya ay nabungaran niya ang isang pamilyar na muk

