SHDWTB 15- PANSAMANTALANG KALAYAAN

1995 Words

Her POV Hindi niya na mabilang kung ilang araw at ilang gabi na ang inilagi niya dito sa madilim na silid na pinaglagyan sa kanya ng demonyong halimaw. Basta't nagigising na lang siya sa kadiliman ng gabi na inaalipin na naman ng halimaw ang kanyang katawang lupa. Hindi niya kayang manlaban dahil tila isa siyang kandilang nauupos na ang tanglaw na lakas at enerhiya. Pagod na pagod at hirap na hirap na siya. Wala ng katiting na pag-asa pang namutawi sa kanyang puso at isipan na makakalaya siya sa halimaw. Para siyang manyikang de baterya na walang buhay. Pinapaandar lang kung kailan gusto siya ng halimaw angkinin. Tila ang lahat ng pinapakain sa kanya ay may gayumang napapasunod siya sa araw araw. Kakain, maliligo at aangkinin. Ubos na ubos na ang pakiramdam niya. Gusto man niyang maiya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD