SHDWTB 5- YOUNG BILLIONAIRE'S OUTCRY

1640 Words
His POV "Young master, sino ang umaway sa inyo?," anya ni Nana Goring, ang pinagkakatiwalaan niyang housemaid nila na sinama niya dito sa probinsiya ng Bukidnon. "No one, Nana... handa na ba ang hot bath ko?," pag-iiba niya ng usapan. "Oo, puwede ka ng maligo at nang maginhawaan naman iyang hitsura mo, putok yata iyang labi at mata mo, gagamutin ko nga!sino ba ang may gawa niyan at magantihan natin?," saad at nag-alalang sabi ni Nana Goring. "Na, wala po ito, natumba lang ako sa daan pauwi dito," pagsisinungaling niya. "Anong wala mukha ngang binugbog ka eh, pati ang mga braso mo, oh, ano to, may galos din?," ungkat pa ni Nana Goring. "Na.... maliligo na ako," hahakbang na sana siya palayo para makaiwas sa pag-iimbestiga sa kanya ni Nana Goring. "Kung hindi ka magsasalita tatawagan ko ang lady master tiyak na paparito agad iyon," anas pa nito na ikinatigil niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago humarap muli sa kanyang Nana Goring. Pinagmasdan niya ito ng maige. Napakasuwerte niya na kahit hindi niya kadugo si Nana Goring ay hindi matatawaran ang pagmamalasakit nito sa kanya. Ilang taon na nga ba itong tagapag-alaga niya. Magmula ng magkaisip siya ay nasumpungan na ng mga mata niya ang presensiya ni Nana Goring sa kanyang buhay. Mas marami pa ngang oras na ginugugol sa kanya ang kanyang tagapag-alaga kaysa sa sarili niyang mga magulang. He came from a clan of billionaires. Isang multi-billionaire ang kanyang ama at nag-iisang anak ng business tycoon naman ang kanyang ina. Both of their parents are too busy with their own businesses. Napakarami niyang niyang tagapag-alaga. Sa lahat ng aspeto ng kanyang pangangailangan ay may katapat siyang katulong na nangangasiwa nito. Ngunit ang mas nagustuhan niya ay si Nana Goring na parang tunay na anak ang turing sa kanya. "Okay fine, Nana, I'll speak up, I was bullied and humiliated!," pagtatapat niya. "At sino naman ang may gawa nito sa iyo, wala akong alam na kaaway mo bagkus ang babaeng kinahuhumalingan mo," saad pa nito na malalim ang paghinga. "She did!," maikli niyang tugon. "What? Ano? Paano?," sunod- sunod na tanong ni Nana Goring sa kanya. "She is a monster clothed in a princess-like face. I did not expect she is so cruel like hell. Minura, pinahiya at binasted niya ako sa maraming tao," he confessed with tears in his face. "Ouchhhhh...!," tanging nasabi ni Nana Goring na tumakip pa sa bibig nito na hindi makapaniwala sa binunyag niya dito. "I loved her with all my heart for so many years and up until now. It really hurts so badly, Nana...," hindi na niya mapigilang mapahagulhol ng labis. Agad naman siyang kinalong ng akap ni Nana Goring at doon sa balikat nito niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob na naramdam niya sa pag-aalipusta at pagpapahiya sa kanya ni Serenity. "Shhhhh.... tahan na young master, shhhhh...., magiging okay din ang lahat, baka naman ginalit mo ang iyong mahal na prinsesa kaya ganoon ang nangyari, hehehe," pagpapatawa pa sa kanya ni Nana Goring na alam niyang pinapagaan lang nito ang loob niya. "Hindi po, kailanman ay hindi ko kaya siyang saktan. Alam n'yo yon, right, Nana? of all persons, you have known me for so long, alam mong hindi ko magagawa iyon lalo na kay Serenity," bulalas niya pa. "Hey, it's a prank...hehehe, young master naman! Aba oo, ikaw na yata ang nakilala kong binatang pursigido sa minamahal nito," saad pa nito na tinapik- tapik ang balikat niya. "Nana... alam muna mang nagdadalamhati ako, nagpapatawa ka pa diyan!," nagtatampong sabi niya. "Sobra naman kasi ang ginawa sa iyo ni Serenity at iyang pasa mo sa mukha sinong may gawa niyan, hindi ako naniniwalang siya ang sumuntok sa iyo," sabi pa nito. "Pinagtulungan ako ng mga kalalakihang kaanib niya. Ang salbahe niya Nana... hindi ko lubos maisip na kaya niyang saktan ako, ang baba ng tingin niya sa akin," sumbong niya pa na hindi na umiiyak tila naman naubos na ang mga luha niya. Naglakad lang siya pauwi dahil malapit lang naman sa academy ang tinitirhan niyang apartment. Walang tigil siya sa pag-iyak kaya siguro ngayon wala na siyang mailuha pa. Huli na iyong napasubsob siya sa balikat ni Nana Goring. Marahil siguro ay gumaan ang pakiramdam niya nang madama ang mapag-alagang haplos ni Nana Goring sa kanya. Laking pasasalamat niya dahil nariyan palagi si Nana Goring na umaagapay sa kanya lalo na sa kanyang kabaliwan kay Serenity. "Eh, paano naman kasi nakatago ka diyan sa totoo mong hitsura. Bakit ba kasi kailangan mo pang magdisguise? eh, iyan tuloy lagi kang nilalait," usisa pa ng Nana Goring niya. "Nana, alam mo naman ang dahilan. My family's privacy and security will be at stake!," saad niya pa at humiwalay sa balikat ni Nana Goring. Bilang nag-iisang tagapagmana ng Santander multi- million corporations and major stock owners ay napakadelikadong hakbang at desisyon niya na tumira sa malayong lugar na tulad ng Bukidnon, malayo sa kanyang mga magulang at nakasanayan na buhay. He was only twelve that he fell head over heels with Serenity's charm. Nasa isa silang pagtitipon ng mga naglalakihang kumpanya sa bansa nang makita niya si Serenity. She was only eight way back then. At simula nga sa araw na iyon ay nagsaggawa nga siya ng masusing imbestigasyon sa batang si Serenity na umagaw ng kanyang atensiyon. Sa murang edad ay doon siya nakadama ng mahika ng pag-ibig. He is a billionaire's one and only son kaya't naging madali sa kanya ang paghanap sa batang si Serenity. Pero kinailangan niyang magpanggap ng ibang katauhan upang mapalapit sa batang si Serenity. Sinubaybayan niya ang pag-usbong ng kagandahan ng batang si Serenity sa pamamagitan ng inatasang private agent ng daddy niya. What he asked for with his dad ay agad nitong binibigay sa kanya. Gustong- gusto niya si Serenity at walang makakapigil sa kanya. Kung kaya't nang tumutuntong sa first year high school si Serenity at siya naman ay magthird year high school ay agad siyang nagpalipat sa St. Anne Academy sa bagong katauhan na Teban Del Rio. Noong una ay sinusundan niya lang ng tingin ang dalagitang si Serenity sa malayo. Wala siyang pakialam sa pangungutya ng mga kapwa estudyante niya sa kanyang hitsura. Basta't sa araw- araw ay masilayan niya lang ang hindi nakakasawang ganda ni Serenity. Hanggang sa isang hapon habang sinusundan niya ang dalagitang si Serenity sa taniman ng mga pinya ng pamilya nito ay muntikan ng mahulog sa bangin si Serenity. Mabuti na lang ay maagap niyang nahila paitaas ang kamay nitong nakahawak sa malaking bato. "Pero, hijo, hindi na tama ang ginagawa sa iyo ng mga tao sa paligid mo lalong- lalo na ni Serenity, kailan ka ba hihinto sa kabaliwan mong iyan? mabuti pa ay isumbong na natin ang ginawa sa iyo sa daddy mo," mungkahi pa ni Nana Goring. "Please don't Nana... promise this will be the last time I will be humiliated by them, hindi na ito mauulit pa," saad niya pa. "Anong ibig mong sabihin young master?," usisa agad sa kanya ni Nana Goring. "I am going back to the city, Nana... tapos na ang kabaliwan kong ito!," pinal niyang sabi at hahakbang na sana papunta sa kanyang silid ngunit agad siyang pinabalik ni Nana Goring. "Aba'y dalawang buwan na lang matatapos ka na sa iyong pag-aaral, sayang naman young master!," pahayag pa nito. "Not a big deal anymore Nana... anyway, my name there is fake, peke lang naman ang makukuha kong diploma dahil hindi iyan ang totoong ako, so why stay when I no longer feel wanted," may sakit sa puso niyang sabi. Hindi na niya ang hinintay pa ang iba pang sasabihin ng Nana Goring niya. Agad na siyang pumasok sa loob ng silid niya at tinungo ang banyo. Dagli niyang hinubad lahat ng suot niyang uniporme at pumailalim agad sa hot tub. Ito ang madalas niyang hinihiling na ritwal niya sa hapon pagdating niya mula sa academy. Ang magbabad sa mainit- init na bath tub. Pakiramdam niya kasi ay nalulusaw lahat ng pretensions niya sa buong maghapon. Kinaya niya lahat ng pang-aalipusta ng kapwa niya mag-aaral sa halos dalawang taong pananatili niya sa academy dahil sa pesteng pag-ibig niya kay Serenity. Ginawa niya ang lahat ng maibigan ng dalaga upang magustuhan lang siya nito. Akala niya ay may pagsinta din nararamdaman sa kanya si Serenity dahil maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya. Mabait ito at hindi siya nito kinukutya sa kanyang pisikal na hitsura. Ngunit lahat ng pinapakita pala sa kanya ng dalaga ay pagbabalat-kayo lamang. Sa isang banda ay naiintindihan niya rin si Serenity dahil sino ba naman ang magkakagusto sa hitsura niyang pangit at lampa. Pero kahit na, lahat naman ay may karapatang respetuhin at tratuhin ng maayos. Ang ginawang pagpapahiya sa kanya ni harap pa mismo ng maraming estudyante ay hindi kaaya-aya. Okay lang sana kung binasted na lang siya ng deretso ng dalaga sa simula pa lang nang magparamdam at magtapat siya ng pag-ibig kay Serenity. Matatanggap niya ang pagbasted sa kanya ng ganoon pero ang ipahiya, murahin at yurakan ang kanyang pagkatao ay hinding- hindi niya kayang kalimutan at balewalain. "Lintik lang ang walang ganti, Serene, satanas ka!!!," usal niya sa malapad na salamin na nakarap sa bath tub habang nakalublob ang katawan sa mainit init na tubig. Doon niya tinanggal ang suot niyang disguise. Ang pekeng malaking nunal sa may pisngi, ang false teeth at braces pati na rin ang suot na contact lens. Tumambad sa kanyang harapan ang napakagwapong nilalang na kaytagal niyang ikinubli sa publiko. Isa siyang demigod na nakasuot ng pangit na maskara upang makalapit lang sa minamahal na akala niya ay isang mabait na babae iyon pala ay malasatanas ang pag-uugali. "Hintayin mo ang pagbabalik ko Serenity, ikaw muna ang tatawa ngayon pero sa akin pa rin ang huling halakhak," he cursed with vengeance in mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD