His POV Kanina pa siya nakakatitig sa dalawang pigura na masinsinang nag-uusap sa hindi kalayuan sa kanyang kinauupuan sa loob ng isang coffee shop. Nangingitngit ang kanyang kaloobang nakikitang may kausap na ibang lalake si Serenity. Gusto niyang magwala at puntahan ang mga ito. Gusto niyang umbagan ng sunod sunod na suntok ang pagmumukha ng lalakeng dahilan ng pagngiti ni Serenity. Ngiting hindi niya naggawang ipinta sa napakagandang mukha ng dalaga. Oo, nagseselos siya. Nagseselos siya dahil mahal na mahal niya ang dalaga pero wala siyang pagmumukhang humarap dito. Duwag siya. Walang kwenta. Ano ang panlaban niya sa lalakeng nasa harapan ng dalaga? Ni magpakatotoo at magpakilala kay Serenity ay hindi niya maggawa. Nandoon na siya sa pinto ng apartment ng dalaga. Halos hindi na nga

