Warning!!!! Rated SPG!!! SOME VULGAR WORDS AND SITUATIONS MAY TRIGGER s****l DESIRES.. READ AT YOUR OWN RISK!!! His POV "Ano na naman bang nangyayari hijo, bakit nagwawala na naman sa silid niya si Serenity? Kinulong mo na naman ang kaawa- awang dalaga?," sumbat sa kanya ni Nana Goring habang sumisimsim siya ng kape sa terrace. "Hayaan ninyo siya Nana, mabuti nga iyon dahil mas panatag ang kalooban kong ligtas siya na nasa loob lang siya ng silid kaysa naman pagala- gala siya dito sa labas!," anya kay Nana Goring. "Ano namang gulo ito hijo? Akala ko ba ay aayusin mo na ang lahat ng pagkakamaling ginawa mo kay Serenity? Bakit bumabalik ka na naman sa dati? Bigyan mo naman siya ng kahit konting kalayaan?," asik pa ni Nana Goring. "Hindi gulo ang hatid ko Nana. Gusto ko lang siyang pr

