Her POV Naggising na lang siyang isang umaga na wala ng piring ang kanyang mga mata at hindi na rin nakagapos ang kanyang mga kamay pati mga paa niya ay hindi na rin nakabukaka ng tali sa magkabilaang paanan ng kama. She is free at last but then stained. Tiningnan niya ang dalawang kamay niyang pinagtalian ng lubid. May marka ng galos at mamumula ito. Mahapdi at masakit. Ngunit mas masakit ang pagitan ng binti niya. Sa bahagya niyang pagkilos sana para bumangon ay napahiyaw siya sa sobrang sakit. Napabalik siyang ng higa sa kama at napatingin na lang sa puting kisame ng silid na pinagdalhan sa kanya. Binababa niya ang kanyang tingin at inilibot ang mga mata sa buong kabubuoan ng silid. Sementado ang lahat ng apat na sulok ng silid. Kulay abo ang kulay ng pintura at ang tiles sa sahig

