Chapter 19 - Parusa

1890 Words

THIRD PERSON GUMAWA na rin si Steven ng rules niya para kay Annalou. Napangisi siya nang basahin niya ang mga rules na isinulat niya. Lumabas siya ng kwarto at hinanap si Annalou. But to his surprise naabutan niya pa rin sa sala si Annalou, kausap si Marvin. What the hell is he doing here? sigaw ng kanyang isip. Sa inis niya'y nagmadali siyang bumaba ng hagdan. Halos matapilok pa siya habang humahakbang pababa. "What are you doing here, Marvin? Himala yata na binisita mo ako!" sarkastiko niyang bati sa kaibigan. Tumayo naman ito at ngumiti sa kanya. Sumunod ay nakangiti nitong binalingan si Annalou na naka-upo lang at hindi man lang siya nilingon. "I'm not here to visit you, bro. I'm here for Annalou," sambit naman ni Marvin sa kaibigan. "Why? May sakit ba siya para bisitahin mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD