ANNALOU NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa tunog ng aking alarm clock. Kaagad kong nilinga ang mga mata sa paligid. Nagtataka kung bakit ako nandito. Nasa kwarto ako? Nangunot ang aking noo. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari kagabi. Nag-init ang mukha ko nang maalala ko ang mahigpit na yakap ni Steven sa akin kagabi. Naalala ko rin na doon kami nakatulog sa loob ng kwarto na 'yon kung saan ko siya naabutan na umiinom. Pero bakit nandito na ako sa kwarto ko? Panaginip lang ba 'yon? Hinilot ko ang nananakit ko na batok. Dahil yata ito sa maling pwesto ko sa pagtulog. Kagabi naalala ko na nakayuko lang ako habang naka-upo sa mataas na upuan. Hindi na ako nakaalis pa dahil sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Steven. Tulog na tulog na rin siya at hindi

