ANNALOU MAAGA akong pumasok kinabukasan. Sinadya ko ang pag-alis ng maaga dahil iniiwasan ko si Marvin. Medyo nagtampo ako sa sinabi niya sa akin kagabi. Pakiramdam ko'y nagsasawa na siya sa akin kaya pinapamigay na niya ako kay Steven. Ang walang hiya na 'yon na wala namang ambag sa buhay ko. Hindi ako makakapayag na makita niya ang anak ko. Ayaw ko siyang bigyan ng karapatan sa anak ko dahil akin lang ito. Hinaplos ko ang aking tiyan para pagaanin ang aking pakiramdam. Mamayang tanghali ay bibisita ako sa aking OB-Gyne para sa aking monthly check up. Hindi pa ako nakakapag-ultrasound noong nag-five months siya sa tiyan ko. At mamaya nga ito gagawin. Excited na akong malaman ang gender niya para makapag-isip na rin ako ng kanyang pangalan at makapamili na rin ng iba niya pang gamit a

