Nakapagtayo na ng tent ang lahat. Si Victoria ay nasa loob ng kanyang tent at nagpapalit ng damit pang ligo. Sabi kasi ni Dominic, which is ang tour guide nila, ay may falls daw malapit sa camp site. Pupunta daw sila doon pagkatapos nilang mananghalian. Nakapagpahinga na rin ang lahat. Maaga silang dumating sa camp site kaya naman mahaba ang oras nila para magpahinga. Si Victoria lang ang nasali sa groupo na walang bitbit na kasama, kaya mag isa siyang nagba-barbeque. Si Dominic naman ay busy sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Matalim ang kanyang tingin habang nakatanaw sa mga mahaharot na babaeng obvious naman na nagpapapansin kay Dominic. Malakas ang pagpaypay niya sa uling. Halatang enjoy na enjoy ang loko kahit naka poker face lang ito. Pinahiran niya ng sauce ang mga karne at nakas

