Nagmamadali sa pagkain si Victoria habang pabebe namang kumakain si Joshua. Kung kumain ito ay tila isang Hari. Nakaupo ng maayos, postorang postora at may table manners pa. Nakakahiya naman kumpara sa kababuyan ni Victoria. Para siyang asong hindi nakakain ng ilang araw sa lakas niyang kumain. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Wala naman siyang pakealam sa iisipin ng iba sa kanya pero umayos pa rin siya dahil baka kung anong isipin nila sa kasama niya. Napakamot siya sa kanyang kilay. What a drag. Kailangan pa niyang magkunwaring mahinhin eh hindi naman siya mahinhin talaga! "Oh? Napano ka?" Tanong ni Joshua sa kanya. "Wala. Sige tuloy mo lang yang kinakain mo." "Akala ko ba nagmamadali ka? Bakit bigla yatang tumamlay ka?" Hindi sumagot si Victoria. Oo. Nagmamadali talaga siya. Hin

