"Chill ka lang, Vicky." natatawang saad ni Luna habang binabaktas nila ang mall. Hindi niya pinansin ang kaibigan ang bagot na tumingin tingin sa mga damit na nadadaanan. Ang nangyari kanina sa restaurant ay talaga namang nakakainit ng ulo lalo na kung sinasadya ng babaeng iyon na inisin siya. All throughout their lunch walang ibang ginawa si Lavander kundi ipamukha sa kaniya ang relasyon nila ni Dominic. Hindi lang matinding selos ang naramdaman niya kundi inis. Inis para sa sarili niya. Ano siya, martyr? May kasintahan na iyong tao, pinapangarap pa rin niya. Kung tutuosin hindi lang siya ang may kasalanan. Pati na rin ang lalaking iyon. Sinong matinong lalake na may fiancee na pala ay makikipag flirt pa sa ibang babae, diba? Kung hindi flirt ang tawag doon sa mga gestures ni Dominic

