The day has come. The Saturday appointment with Dr. Jane Aria Sawney. Siya ang panganay na kapatid ni Jaxton. We’ve already talked about it, and we’ve agreed to meet every Saturday if there will be another session. And this will be our first meeting together with Jaxton. “I’m already outside of your house, bro! Ayaw akong papasukin ng guard, mukha raw kasi akong may gagawing masama,” aniya at humalakhak pa. Napakunot naman ang noo ko at pinulupot na ang towel sa baywang ko saka lumabas na sa banyo. Katatapos ko lang kasi maligo nang biglang tumawag si Jaxton. Mabuti na lang dinala ko ang phone ko sa bathroom. “Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit hindi ka pinapapasok?” “Nag-commute lang ako, e! Hindi ko na ginamit ang sasakyan ko kasi sabay naman tayo pupunta kay Ate, ‘di ba? Ang maha

