Kimia’s POV Matapos kong makipag-closure kay Scott ay pinuntahan ko na si Siege. Nagawa ko pang itanong sa isang tauhan ni Mr. Salvador kung nasaan siya dahil paglabas ko ay wala na siya. Mabuti na lang alam nila kung saan nagpunta si Siege, sinagot nila sa ‘kin na pumunta ito sa carpark. Tumakbo na ‘ko matapos ko silang pasalamatan. “Siege!” pagtawag ko na sa kanya nang matanaw ko na siya mula sa hindi kalayuan. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang nakatingala sa kalangitan. Pagbaling niya nang tingin sa ‘kin ay lumabas na ang matatamis niyang ngiti sa labi. “Kimia,” he also said my name as he opened his arms to me as I reached to hug him. “Now that you’re here with me, what does it mean?” pagtanong niya pa. “It means that I chose you, Siege. You’re the only one for me,” naka

