“Siege Carlos B. Angeles,” maikling pagpapakilala ko. Bagong university na kasi ang pinasukan ko dahil college na ako, medyo na-late lang ako. Ako talaga ang mauuna kaysa kay Kimia o sa mga kapatid ko. Bagong buhay at pagsubok din dahil hindi na ‘ko umuuwi sa bahay, sa condo na. Iyon muna ang magiging tahanan ko dahil bawal pa ‘kong bumalik sa bahay kung saan nandoon si Kimia. Mas okay na rin siguro ‘to, wala akong ibang iintindihin kung hindi ang pag-aaral ko na lang muna. Hindi naman ako nagpakalayo para magsaya e kahit na may sarili na ‘kong card para sa panggastos ko sa araw-araw at isa pa sobrang laki na ng utang na loob ko sa tatay ni Kimia. Nakakahiya na nga, e. Matapos ang morning classes ay inayos ko na ang mga gamit ko at mag-isa ng lumabas sa classroom. Wala pang lumalap

