Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina ni Papa. “Bakit gising ka pa?” aniya nang makapasok na ‘ko. Abala pa rin siya sa ginagawa niya, hindi man lang makatingin sa ‘kin. “Dad, nakausap ko si Siege. Ano ‘yong sinasabi niya about sa company natin?” Napaubo siya at tuluyan na ‘kong tinignan. Akala niya siguro hindi ko malalaman. “Hindi ba’t gusto mong maging doctor? Pinagbigyan na nga kita sa pangarap mo kaya ano pa bang gusto mong mangyari, Kimia? Kung ikaw naman ang mag-aasikaso ng kompanya natin ay baka hindi mo rin kayanin kaya mas mabuti pang si Siege na lang dahil magiging kapatid mo naman ang lalaking ‘yon,” mahabang litanya niya. I despise him for that. “Dad, hindi naman gusto ni Siege ‘yon!” tanging nasabi ko kahit na na-offend pa ‘ko sa sinabi niya na hindi ko raw kakaya

