Sabihin ang katotohanan

1212 Words
"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? hindi ba narinig mo naman ang sinabi ni Mitch noong lamay ni Jacob na delikado ang lucid dreaming?! Ano ba'ng pumasok diyan sa kukote mo bakit ginawa mo pa 'yon?!" Sermon sa kanya ng Ate niya nang mag agahan silang dalawa. Araw ng sabado kaya pareho silang walang pasok. "Huwag kang maingay Ate, baka marinig ka nina Mama." Mahina niyang saway sa Ate niya. "Ayaw mong malaman nila eh ang tigas ng ulo mo! saka wala sila dito, namalengke sila ni Papa, sabihin mo nga ba't naisipan mo 'yon na gawin?" Ayaw sana ni Enzo na sabihin ang katotohanan ngunit araw araw na lang siyang nagagambala at talagang nakakaramdam na siya ng takot. Minabuti na niya na sabihin na sa ate nya at baka isa din siya sa maaaring makatulong sa kanya. "Dahil sa kagustuhan ko'ng mailigtas si Jacob. Ate, namatay si Jacob pero hindi malaya ang kaluluwa niya, nakakulong siya ate.. hindi matahimik ang kaluluwa niya." Rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Angie at tila ba hindi makapaniwala sa sinasabi nang kanyang kapatid. "Kakapanood mo nang mga horror movies 'yan bunso kaya kung ano ano na lang 'yang pumapasok sa utak mo eh." "Ate totoo nga! maniwala ka sa'kin, hindi malaya ang kaluluwa ni Jacob. nakakulong siya, nasa isang lugar siya, madilim Ate, tapos humuhingi siya ng tulong." "Paano mo nasabi yan aber? hindi ba kapag patay na ang tao ang kaluluwa nasa purgatoryo pa hangga't walang 40 days? pagala gala pa? then after 40 days saka pa lang sila lilisan dito?" "Ate, hindi nga..pakinggan mo kasi ako, ganito 'yon, nung araw na namatay si Jacob, nagpakita siya sa school. Papunta ako sa library no'ng bigla niya akong tinawag, sumabay pa nga siya sa akin sa paglalakad eh." Kwento niya sa kanyang Ate na napamulagat ang mga mata. "Totoo ba 'yan? hindi nga?" Hindi pa din kumbinsido na na tanong nito sa kanya. "Mukha ba akong gumagawa ng kwento? eh kung ikaw nalang kaya dito sige, sasabihin ko hindi totoo." Naiirita sa anas niya sa Ate." Ngumuso naman ito sa kanya. "Ito naman, syempre na niniguro lang ako. Tapos ano? Magkwento ka pa, anong susunod na nangyari?" "Ayun, wala akong ideya na patay na pala siya. Nakasalubong ko la ng si Yngrid no'n tas nagtanong siya kung sino ang kausap ko, sabi ko si Jacob, tas ayon, natakot siya bigla kasi patay na daw si Jacob nung araw na 'yon." "My God!" natutop nang ate niya ang kanyang bibig. "S-seryoso?" Bigla niyang hinaplos ang kanyang braso at tila nangiligkig. "Grabe kinilabutan ako, as in siya talaga ang nakita mo? as in mukha niya??" "Oo nga! tapos yung mukha niya maputla na siya no'n, akala ko nga may sakit siya no'ng nakita ko siya eh." "Kung sa akin nangyari 'yan ay ewan ko na lang.. baka mamatay ako sa takot." Hindi niya pinakinggan ang sabi ng ate niya. Nagpatuloy lang siya ulit sa kanyang pagkukwento. "Alam mo ba Ate na malungkot ang mukha niya noong araw na 'yon? tapos parang may gusto siyang sabihin eh. Hindi lang niya natuloy kasi dumating si Yngrid tapos bigla na lang siyang nawala na parang bula." "Kaya ka ba wala sa sarili at nagkulong ka sa kwarto mo noon dahil sa kanya at dahil sa pangyayari na 'yon?" " Oo Ate, at isa pa, yung mukha niya nung nagpakita siya, gano'n din ang itsura niya pagsilip ko sa kabaong niya, tapos araw-araw ko pa siyang napapaniginipan.. nanghihingi siya ng tulong, hanggang sa sumubok ako ng lucid dreaming, nakapunta ako sa lugar kung nasaan siya pero hindi ko siya nakita dahil hina bol ako nanag halimaw." "A-ayun ba 'yong gabi na binabangungot ka at hindi ka muntikan magising?" Biglang natakot ang ate nito at nakita ang pawis sa kanyang mukha. "Ayun nga ate, at simula ng nangyari 'yon, araw araw na siyang nandito." Biglang umusog at nagsumiksik sa kanya ang kanyang Ate. "Bigla akong natakot, baka andito siya ngayon." "Kanina ate, andito siya.." "Bunso huwag kang ganyan babatukan kita." Banta sa kanya ng Ate nkiya na takot na takot. "Anong gagawin mo niyan? Worried na tong nito sa kanya. "Pupuntahan ko si Ate Mitch mamaya, tatanong ko kung ano ang pwede naming gawing plano para magawa namin ito sa lalo'ng madaling panahon." Nasa gano'n silang pagdidiskusyunan na magkapatid nang iluwa ng mismong pintuan ang kanilang Ina at Ama na kagagaling lang sa palengke. Napaurong ang kanilang mga magulang pagsapit nila sa kanilang kinallagyan, bigla silang napsulyap kay Enzo at tila may takot sa kanilang mga itsura at mukha. "Napano kayo? para kayo'ng nakikita ng multo ah," Nagtataka na tanong sa kanila ni Enzo. "A-anak Enzo, bakit ka andito? Eh nasa labas ka nang bakuran ah nagwawalis." Nauutal na wika sa kanya ng mama niya sabay takbo palabas ng pintuan upang tingnan ang sinasabi niya tapos ay bigla itong pumasok ulit sa loob habang ang kanyang ama ay napainom nang tubig at tila natutulala. 'B-ba't bigla siyang nawala..." wala sa sariling tanong nang mama niya. "Mama naman, kanina pa kami nagku kwentuhan ni bunso dito eh... hindi pa nga siya umaalis sa kanyang kinatatayuan buhat kanina." "Kung gano'n, sino 'yon?." nagkatinginan ang dalawang magkapatid at tila ba nagkakaintindihan. "Baka 'yon din ang nakita ko no'ng isang gabi Ma. parang naggagala dito sa bahay." "A-anong nakita? "Tanong naman ng kanyang Papa. "May bad entities ba dito sa bahay?" "Doppelganger Ma, Pa. ginagaya nila ako, ginagambala nila ako dahil gusto nila akong makuha.." "ANOOO???!!!!!" Halos sabay na sigaw ng kanyang mga magulang. "P-pero bakit? P-pano? Anak Enzo, pano mo nasabi na gusto ka nilang kunin?" nag sign of the cross ang kanyang ina at saka puno nang pangamba na hinawakan ang kanyang kamay. "Anak, tara sumama ka, pupunta tayo sa albularyo upang hindi matuloy ang balak ng masamang nilalang na 'yan." Marahan na umiling si Enzo. "Hindi 'yan ang sagot Ma.. hindi siya matitinag sa albularyo, iba ang pakay niya." "Pero anak!" Sabi nang kanyang ama. "May ginagawa na kami ni Ate Mitch, 'yon ang magiging sagot upang matapos na ito, basta kung ano man ang kahinatnan nito Ma,Pa, Ate, huwag niyong kalimutan na mahal ko kayo ah," Ngumiti siya nang pilit. "Ano bang pinagsasabi mo Anak? kaya nga ipapatawas ka namin diba?" "Huwag na nga Ma, baka pati ang albularyo na 'yon idamay pa niya, ako ang kailangan niya.. Kaya dapat na harapin ko siya." Bunsoooo..." Tila maiiyak sa anas ng kanyang Ate. "Magtatagumpay ako, hindi niya ako makukuha, " pagpapalakas nya ng loob at paraan na rin kiya 'yon upang hindi mag alal ang kanyang pamilya. "Hindi ko na kailangan pa na isa isahin ang lahat ng dahilan kung paano nangyari kio Ma,Pa, Ate, pero isa din ito sa mga pangarap ko na gusto ko'ng mangyari, matatapos lahat ng ito.. pangako, babalik ako sa normal.. Buo na ang desisyon sa puso ni Enzo, papasukin na niya ang lucid dreaming upang matapos na ang lahat, kung ano man ang mangyari sa kanya. Nakahanda na siya anuman ang maging kapalit at kahinantnan nito. Pumikit siya kasabay ng isang bulong sa kanyang puso. Hintayin mo ako kaibigan.. makakaalis ka diyan, makakalaya ang kaluluwa mo, makikita ko din at masisilayan ang pag ngiti mo sa kabilang buhay.. pangako Jacob.. hintayin mo ako.. malapit na kitang mailigtas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD