Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya ang mahiwagang babae na nagpakilala na siya si Leonora at saka ito tumingin sa mukha ni Enzo na may lungkot sa mga mata nito tapos ay biglang yumuko.
"Siguro nga hindi ikaw si Julio, sapagkat hindi mo ako maalala... at...... matagal na siya'ng sumakabilang buhay... pero alam ko, sinasabi nang puso ko na ikaw si Julio, ang lalaking mahal ko..."
"Ipagpatawad mo binibini, ngunit hindi talaga ako si Julio, at kaya ako nandito dahil naglalakbay ako sa aking panaginip.."
"Panaginip?" Nag angat nang mukha ang babae na tila may kuryosidad sa kanyang mga mata at saka niya ito mataman na tinitigan.
"Oo, naparito ako upang hanapin ang aking kaibigan ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ako napadpad dito.."
"Ikaw nga! Ikaw nga talaga si Julio! " Isang mahigpit na yakap ang ginawa ulit nang babae sa kanya atsaka ito napaiyak.
"Ikaw nga 'yan! dahil si Julio ay mahilig din na maglakbay sa kanyang panaginip.. Oh Julio Mahal ko!!!!"
"Miss hindi nga ako ang hinahanap mo, bakit ba ang kulit mo.."
"Maaring hindi mo ako maalala mahal ko... dahil nasa ibang katauhan ka niya at nasa ibang dimesyon tayo, pero ang puso at isip ko.. sinasabi na ikaw 'yan.."
Mariing napapikit si Enzo dahil sa kakulitan ng babae, kahit anong pilit niyang kumbinsihan na hindi talaga siya ang kasintahan ay ayaw namang maniwala nang babae. Kapagkuwan ay may biglang pumasok sa kanyang isipan nang mga sandaling iyon.
"Makinig ka sa akin Binibini." Hinawakan ni Enzo ang magkabilang balikat ng babae at iniharap niya ito sa kanya atsaka niya hinawakan ang magkabila nitong pisngi at inangat ang kanyang mukha.
"Paniwalaan mo ako, hindi ako si Julio, maaring magkamukha kami Oo, pero magkaiba kaming tao, siguro nasa nakaraang buhay kayo, at ako.. nasa hinaharap, at kaya siguro tayo nagkatagpo ngayon ay dahil may dahilan.. at kung ano man iyon ay hindi ko pa alam."
Sa sinabing iyon ni Enzo ay tila naliwanagan si Leonora at bahagyang ngumiti sa kanya.
"siguro nga Ginoo ay tama ka, matagal nang wala ang aking katipan, kaya ako napadpad dito ay upang hanapin at sundan siya kahit sa panaginip ko man lang ay makasama ko siya.. kailangan ko na din siguro na tanggapin na talagang wala na siya at hindi na niya ako babalikan pa..." Yumuko ito at bahagyang napakagat nang ibabang labi upang mapigilan ang pagbabadya nang pagpatak ulit nang kanyang mga luha.
"Patawad sa kakulitan ko Ginoo. Labis lang akong nangungulila kay Julio."
"Wala iyon Binibini.. patawad din kung nasaktan ko man ang damdamin mo."
Sa panaginip ni Enzo ay nakasama niya si Leonora sa kanyang paglalakbay. Magkasama silang naglakbay at hinanap ang kanyang kaibigan na si Jacob at ang lugar kung saan ito naroroon. Sa pagsasama nila sa panaginip ay madami ang naikuwento sa kanya ng mahiwagang babae pati na din ang sinasabi nito na si Julio. Tila sila nasa iisang mundo na walang ginawa kundi ang magsaya at magkasalo sa bawa't araw na nagdadaan.
"Ano nga pala ang dahilan bakit ka naririto Leonora?" Tanong ni Enzo sa babae habang sila ay magkahawak kamay at naglalakbay.
"Kagaya mo Enzo, pumasok din ako sa lucid dreaming upang hanapin din ang lalaking mahal ko, at si Julio iyon."
"Kahit minsan ba ay hindi mo pa din siya matagpuan sa iyong panaginip?"
Marahan na umiling si Leonora na banaag ang pighati at lumbay sa kanyang mga mata.
"Ilang beses ko'ng ipinasok sa imahinasyon ko na magtatagpo kami at magkakausap kami'ng dalawa, ngunit bigo ako, hanggang sa nawalan na ako nang pag asa at hinintay na lang ang kanyang pagdating."
"Ano ba nag nangyari sa kanya? Bakit siya namat*y?"
Malungkot na yumuko si Leonora.
"Pinaslang siya, Isang lalaki na baliw sa pag ibig sa akin ang pumaslang sa kanya, ilang araw bago ang aming pag iisa'ng dibdib ay walang awa niya itong pinaslang upang hindi ako makasal sa kanya."
"Kung sakali ba Leonora na.. maari ba tayo'ng magtagpo sa reyalidad at doon natin ituloy ang ating paglalakbay? hahanapin kita Leonora.."
Napakurap si Leonora sa kanyang tinuran at puno nang panibugho siya nito'ng tinitigan.
"Bakit mo naman gagawin iyon?"
Inabot ni Enzo ang mga kamay ni Leonora at saka niya ikinulong ang mga iyon sa kanyang palad.
"Upang doon kita mahalin sa reyalidad..Patawad sa aking kalabisan Leonoira ngunit Mahal kita Leonora, mahirap paniwalaan sapagkat nagtagpo lang tayo sa panaginip ngunit handa kitang hanapin sa reyalidad upang doon kita mahalin."
Hindi umimik si Leonora, basta lang siya naka tingin sa kanyang mga mata.
"Patawad Leonora kung nabigla man kita, hindi kita pipilitin na sagutin ang aking katanungan."
"Oh Enzo!" Bigla siyang niyakap ni Leonora na sobrang higpit.
" Hindi ko inaakala ang sasabihin mo! Mahal din kita Enzo!"
Dahil sa kagalakan ni Enzo at ang labis na kaligayahan na kanyang nadama habang kasama si Leonora ay nagbigay sa kanya nang kakaibang damdamin na umusbong sa kanyang puso na humantong sa kakaibang pagtingin na inukol nito sa kanya. Nakalimutan na niya ang kanyang pakay na hanapin si Jacob sa pagpasok nito sa kanyang panaginip at natuon ang kanyang buong atensiyon kay Leonora.
Naglakbay sila nang naglakbay at sinulit nila ang kanilang mga sandali sa kanilang panaginip. Hanggang sa kanilang paglalakbay ay napadpad sila sa isang mala paraisong lugar na may kastilyo na napaka laki, walang ibang tao na naroon maliban lang sa kanilang dalawa. Puno nang pagmamahal nila'ng pinagsaluhan ang bawat sandali nang kanilang pagsasama. Kinalimutan ang lahat nang kanilang naging obligasyon at namuhay sila nang maligaya sa kanilang imahinasyon at patuloy na hinanap ang kanyang matalik na kaibigan na magkasama sila hanggang sa nakadating din sila sa lugar kung saan ito naroroon.
"Sigurado ka Enzo aking irog na andito ang kaibigan mo?" Tila natatakot na usal ni Leonora sa kanya at humigpit ang paghawak nito sa kanyang bisig.
"Oo, heto 'yong lugar na 'yon, andito si Jacob.."
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Sinuong nila ang kadiliman ng lugar at magkahawak kamay na nilakbay ang kadiliman at pahigpit din nang pahigpit ang pagkaka kapit sa kanya ni Leonora. Naririnig nito ang kabog nang kanyang dibdib sa gitna nang katahimikan ng paligid. Hanggang sa....
"Enzoooo!" Biglang may narinig siyang sigaw.
"S-sino iyon?" Nanginginig ang boses na tanong ni Leonora.
"Enzo.. natatakot na ako.."
"Shhhh..huwag kang matakot, nandito ako sa tabi mo." Pagpapakalma niya sa babae at saka niya ito niyakap at ikinulong sa kanyang bisig.
"Enzo, kaibigan, andito ako!!"
"Jacob! Ikaw ba 'yan?!"
Samantala.... Sa reyalidad
"Anong nangyari Mitch? lagpas na ang dalawang oras bakit hindi pa din nagigising si Enzo? Ano na ba ang nangyayari sa kanya?" Worried na tanong ni Angie.
Kanina pa siya balisa at palakad lakad, hindi siya mapakali simula nang natulog si Enzo.
"Hindi ko rin alam.. dapat 90 mins lang ang itinatagal ng lucid dreaming, nag alarm na din ang orasan pero bakit hindi pa siya bumabalik?" Kinakabahan na din si Mitch sa nangyayari kay Enzo nang sandali na 'yon pero pinipilit lang niya na pakalmahin ang kanyang sarili.
Napahilamos nang mukha si Angie at nanlalambot ang kanyang tuhod na napaupo sa gilid nang kama katabi nang nakahiga na si Enzo.
"Diyos ko po! Wala sana'ng masamang mangyari sa kanya." piping dasal ni Angie kasabay nang pag tingala sa itaas.
"Sana nga din Angie, Sana okay lang si Enzo, dahil kung nasa bangungot siya kanina pa sana siya sumisigaw, pero tila kalmado lang siyang natutulog, sana.. sana na stuck lang siya sa panaginip niya."
"Sana nga Mitch, diyos ko, huwag sana siyang mawala.. ang kapatid ko..."