Chapter 75 Maddison's POV Halos handa na ang lahat para sa gaganapin na kasiyahan maya-maya lang. Ngunit hindi ko mahanap sa puso ko ang kasiyahan. Nababalot ako ng matinding lungkot at pag-alala. Kada taon ginaganap dito sa mansiyon ng mga Villafuerte ang anibersaryo ng mag-asawa. Ngayon ang halos imbitado lang ang mga malalapit nilang kaibigan at mga kamag-anak nila. At hindi mawawala ang mga kapartido sa pulitika. Ito ang unang pagkakataon na makikilala ko ang buong angkan ng mga Villafuerte. Ang pamilyang pinagmulan ni Gavin. Hindi ko alam pero hindi ko magawang ngumiti sa harapan ng body mirror. Napatingin ako sa daliri kung may sout na engagement ring. Tama ba ako sa naalala na ang kasiyahan ngayon dito sa mansiyon ay kasama narin ang engagement namin ni Gavin. Bakit hindi ko man

