Chapter 80 Gavin's POV "Nay!" parang batang tawag ko kay Nanay Conchita nang salubungin niya ako sa pintuan ng bahay. "G-gavin,anong nangyari sayo,anak?puno ng pag-alala ang boses niya,bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko.Natutop niya ang kanyang bibig sa gulat.Kinuha niya ang mga kamay ko at hinaplos ng mga palad niya ang bawat likod ng mga palad ko."Hindi kaba naawa sa mga kamay mo,anak?Ano ba ang dapat kung gawin para mabawasan ang galit diyan sa puso mo?"dagdag ni Nanay. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit."Si Maddison ang kailangan ko,Nay,para maging okay ako."hinaplos ni Nanay ang likod ko.Mas ramdam ko ang pagiging Ina ni Nanay Conchita sa akin kaysa babaeng nagluwal sa akin.Sa piling ni Nanay nagkakaroon ako ng konting kapayapaan sa dibdib ko. Noon palang bukas na ako sa kany

