Chapter 7

1296 Words
Maaga pa lang ay nasa office na si Adeline. Wala pang masiyadong ilaw na bukas sa floor, pero hindi na niya ‘yon inintindi. Gusto lang niyang makarating nang walang nakakakita. Ayaw niya ng mga mata at ayaw niya ng mga tanong. Bitbit ang ilang papel sa isang kamay, tumungo siya sa elevator para bumaba ulit sa lobby. May kailangan siyang asikasuhin sa reception, at ayaw niyang iutos lang sa iba. Gusto niyang siya mismo ang gumawa, dahil baka pag hindi, mabaliw siya sa kakaisip ng mga nangyari kagabi. She didn’t expect to see someone, but when the elevator opened on the 10th floor, at bumungad si Noah doon na nakatayo, bahagyang umangat ang kilay niya. Suot pa rin nito ang usual niyang uniporme sa opisina—black polo, slacks, at sleeves na nakarolyo hanggang siko. Hawak nito ang isang folder sa kamay. Napatingin agad si Noah sa kan’ya. "Early," sabi nito, may bahagyang ngiti sa mga labi. Hindi siya sumagot, bagkus ay tinitigan lang niya ito ng sandali, sabay pindot sa button pababa. Pero agad na pumasok si Noah bago pa man tuluyang sumara ang elevator. Kaagad na nanuot ang mabangong perfume nito sa kan’yang ilong na kinapikit niya ng bahagya. “Harsh mo naman,” biro pa nito at marahang tumawa. Ngunit hindi niya ito pinansin. She remained silent and composed, trying not to show him any emotion. “Sungit,” rinig niyang bulong nito, dahilan kung ba’t napalingon siya sa binata nang nakakunot ang noo. “Joke lang,” agad nitog bawi at ngumisi. Patago niya itong inikutan ng mga mata at muling humarap. Muli na naman silang kinain ng katahimikan. Muli sa peripheral vision niya ay kita niya kung paanong medyo tumagilid si Noah paharap sa kan’ya. Hindi siya tumingin dito. Pinili niyang ituon ang tingin sa harapan, sa red blinking numbers ng floor level. Ngunit makaraan ang ilang segundo, Noah stepped forward toward her, making her rattle for a moment. “Adeline,” pabulong nitong tawag sa kan’ya. “Are you okay?” Hindi siya sumagot. Ngunit napatigil siya sa paghinga sa loob ng ilang segundo. Pilit niyang pinanatiling blangko ang mukha niya. Hindi niya p’wedeng ipakitang apektado siya rito. Because, for God’s sake, he’s her intern. Why would he have such an effect on her, right? Ngunit isang hakbang pa ang ginawa ni Noah palapit. Halos magkadikit na silang dalawa ngayon. Hindi pa rin siya lumingon, pero naramdaman na niya ang init ng katawan nito. She silently swallowed that nerve-racking feeling. Bakit ba siya ginaganito ng intern na ‘to? Who does he think he is? “Hindi mo kailangang lagi kang ganito,” mahinang sabi ng binata na kinakunot ng kan’yang noo. “You don’t have to look like you’re about to break and pretend you’re fine.” Mariin siyang nagpikit ng mga mata. “Stop,” mariin niyang bulong. “Don’t do that.” “Do what?” She finally faced him with her eyes full of command, just like she should have. She’s the boss here. Kaya ano’ng karapatan ng bagitong ‘to magsalita ng walang permiso mula sa kan’ya? “Whatever this is. We’re not friends, Mr. Del Rosario. Let’s not confuse proximity with permission.” Nakita niya ang bahagyang pagkatigil ni Noah sa narinig. Umigting ang panga nito at mariin siyang tiningnan. “I’m not confusing anything, Ms. Ventura,” sagot niya. “I’m showing up, just like you are.” “Exactly,” sabat niya. “Let’s keep it at that.” Tumunog bigla ang elevator. Pero bago pa man bumukas ang pinto sa lobby, nagsalita si Noah, halos pabulong. “But if it ever gets too heavy again… just breathe.” Huminga siya nang malalim, pero hindi siya sumagot. Hindi siya nagpasalamat. Ni hindi rin siya lumingon nang tuluyan. She wants nothing to do with this little man. Bumukas ang elevator, at aakma na sana siyang hahakbang palabas nang biglang hinila siya ni Noah na siyang kinaharap niya sa binata. At dahil sa malakas na p’wersang paghila nito, ay kaagad siyang tumama sa dibdib ng binata na singtigas yata ng bato. Her eyes grew wider as she realized their position. Mabilis na umangat ang tingin niya rito na ngayon ay nakayuko na rin upang tingnan siya sa mukha. For a second, Adeline felt it… an odd stillness, a quiet pull in the middle of that chaotic morning. Ang kamay ni Noah ay nakalapat pa rin sa braso niya nang marahan. The way he was looking at her—steady, sincere, and without any trace of cockiness—sent an unfamiliar heat crawling down her spine. Her breath caught in her throat. Saglit lang siyang natigilan, but in that single heartbeat, her mind betrayed her. She should’ve pushed him away. She should’ve snapped at him and reminded him of his place. She should’ve said something—anything—that would reestablish the line he just crossed. Pero wala siyang nasabi. Nakapako lang siya roon, nakatitig sa mga matang puno ng tapang at walang pag-aalinlangan. Noah didn’t flinch, he didn’t even look away. Hindi siya nagmakaawa. He didn’t even look sorry. And maybe, just maybe, that was what rattled her the most. Because he was standing there like he knew what he was doing. Like he meant every word he said earlier. Like he was daring her to keep pretending she didn’t feel the weight of every interaction they had. Or that it didn’t mean something. “Let go,” mahina niyang sabi makaraan ang ilang sandali, pero parang kahit siya ay hindi kumbinsido sa tono niya. Noah didn’t speak. Ilang segundo pa siyang tiningnan nito bago dahan-dahang binitawan ang pagkakahawak sa kan’ya. Dumampi pa ang palad nito pababa sa braso niya nang hindi sinasadya, pero sapat na para mag-iwan ng kiliting hindi niya agad maipaliwanag. “Sorry,” he said softly, though there was a defiant tone beneath it. “Hindi ko naman intensyong—” “Don’t,” putol niya, finally stepping back. She took a sharp breath. Ang puso niya’y tila nag-aalburuto sa dibdib. Her eyes flicked to the elevator doors, now wide open. But instead of walking out, she faced him again, now with sharper eyes, masking the chaos inside her. “You have no idea what you’re doing,” she said, her voice was low. “Maybe,” he replied. “But neither do you.” At doon siya lalong nainis, hindi lang kay Noah, pero sa sarili niya. Dahil totoo ang sinabi nito. Because for the first time in a long while, she felt… seen. Not admired. Not feared. Not obeyed. But seen. And it scared her. She stepped back immediately, regaining her posture and lifting her chin as if nothing happened. Pero kahit nakatayo na siya ng tuwid, even after she’d walked out of that elevator without looking back, the weight of his gaze lingered. The sound of her heels echoed across the marble floors of the lobby. Ilang staff ang bumati sa kan’ya ngunit hindi niya pinansin. Tumuloy siya diretso sa reception, determined to act like nothing happened. At habang papalapit siya sa reception desk, the scene kept replaying in her mind like a scratch she couldn't reach. He shouldn’t matter. He really, really shouldn't. But then… bakit ba siya nagugulo sa simpleng presensya lang ng bagitong intern? At bakit parang mas lalo niyang gustong malaman kung anong klaseng lalake si Noah Del Rosario? At bakit sa kabila ng lahat, pakiramdam niya ay hindi siya handang malaman ang sagot? Pero habang kausap niya ang receptionist, habang nag-aabot siya ng dokumento, habang pilit niyang sinasabi sa sarili na professional siya at dapat ay walang pakialam… she felt the ghost of his hand on her arm. At ang nakakainis, hindi niya alam kung bakit parang ayaw niya iyong mawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD