Kitang-kita niya kung paano nagyakapan sina Shania at Ivo. Gumawa kasi ng surprise date ang lalaki nang malaman nitong pauwi na ng mansyon ang babae. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil si Ivo pa talaga ang sumuyo kay Shania, eh ang babae naman ang may kasalanan sa una pa lang. Napailing siya nang naghalikan ito kaya kinikilig naman ang mga kasambahay na kasama niyang naka-witness sa pagkakabati ng mag-asawa. Hanggang ngayon ay on-going pa ang kaso laban sa babae, hindi siya aware na sobrang tagal pala ng proseso para rito. Buwan ang bibilangin, kung iisipin. Pilit ang ngiti niya nang mapatingin sa gawi nila si Shania at Ivo. Ngumiti ito ng napakatamis sa kanila at winagayway ang mga kamay sa ere. Napakuyom siya ng kamao, ang plastic nga talaga ng babaeng ito. Huminga siya ng

