Matapos ang usapan nila ni Gianna ay agad siyang pumunta sa kaniyang asawa na si Shania. Mabuti na lang at pinakiusapan niya si Gi na hindi muna magsasampa o magsusumbong sa mga pulis ito dahil gusto niya munang kausapin si Shania. Mahirap sa kaniyang pumili pero mas pipiliin niya ang nararapat at tama. Galit siya ngayon, sa totoo lang, hindi niya ma-imagine na magagawa iyon ni Shania sa mga bata. Sa ilang taong pagsasama nila ay okay naman ang kanilang married life, masaya at kontento na siya roon. Nagawa niyang mahalin ang babae ng totoo at puro, ni hindi na nga siya nambabae katulad noong dati. Binago niya ang kaniyang sarili for the sake of her, nakikita niya kasing nasasaktan na ang babae sa pinaggagawa niya. Simula noong malaman niyang may ibang lalaking kinakasama si Gianna ay kinal

