Dumaan ang mga araw, linggo hanggang sa umabot ng tatlong buwan. Humihikbi ako habang nakahawak sa tiyan ko. Malaki-laki na rin ito at kitang-kita na ang pagka-umbok nito. Pinipilit kong huwag umiyak, ngunit panay daloy ng luha sa mga mata ko. Ang isiping hindi man lang nag-abalang hanapin siya ng binata, sobrang sakit. Tama pala talaga ang hinala niya. Pagkatapos nitong kunin ang pagka-virgin niya, kinalimutan siya nito ng ganoon kadali. Napahawak siya sa mukha sa pinipigilang paghikbi. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasama ang loob ko. Sa loob ng tatlong buwan wala man lang akong nabalitaan na hinanap ako ng binata. Gusto ko mang magsisi, ngunit sa tuwing naiisip ko ang bata sa sinapupunan ko, bigla akong nakakaramdam ng tuwa. Malungkot at masakit man ang isipin na lalaki ang bata n

