Nang bigla siyang matulala sa gulat ng makita kung sino ang CEO na magiging boss niya. Hindi maari?! Kitang-kita niya kung paano rin ito nagulat. Ngunit kaagad din nakabawi at tumitig sa kaniya ng matiim. Bigla akong napayuko dahil sa pagkasurpresa. Ramdam na ramdam ko kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon. Paanong nangyaring.. "Apo ko, sa wakas nandito ka na ulit. We miss you," rinig kong wika ng Lola Carla. "Hi grandma, mom," wika ng baritonong boses nito. Hindi ko naiwasang mapalunok ng palihim dahil sa kakaibang pakiramdam. "Anak, mabuti naman at nakauwi ka kaagad," wika naman ng mommy nito. Nang magulat ako ng hawakan bigla ng Lola Carla ang kamay ko. Dahilan upang mapatingin ako rito. "Apo, ito nga pala ang magiging Personal Assistant mo. Naku, napak

