Makalipas ang isang taon niyang pananatili sa mansion ng mga Lim, napagdesisyunan niyang sagutin na ang binata. "Yes?!" Pag-uulit pa ng binata na para bang hindi makapaniwala. "Yes," nakangiting wika ko rito. Napasigaw ito ng 'Yes' dahil sa kagalakan. Hindi kasi nito akalain na sasagutin ko na ito. Lalo akong napamahal dito dahil sa loob ng isang taong panliligaw nito, kailanman hindi ito nagreklamo at buong tiyaga itong nanligaw araw-araw. Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. "Thank you baby. Sobra mo akong pinasaya ngayong araw. Sobra akong nasurpresa. Hindi ko inaasahan na ngayon ko makukuha ang matamis mong Oo na matagal ko ng hinihintay. Thank you for trusting me baby. I promise na gagawin ko ang lahat, maramdaman mo lang araw-araw kung gaano kita kamahal," madamdaming wika ni

