Hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha ng binata upang hagkan ang mga labi ko. Hindi ko maintindihan ng mga oras na iyon kung bakit hindi ako kumilos ng pagpoprotesta. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng maramdaman ko ang malambot nitong labi. Naramdaman ko rin na hinigit lalo nito ang baywang ko upang magkadikit ang katawan namin sa isa't isa. Hindi ko naiwasan ang mapaungol ng mahina dahil sa paraan ng paghalik nito sa akin. Para ba itong gutom na gutom sa halik na halos halikan na ang buong bibig ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa batok nito ng laliman pa nito ang halik. Hindi ko naman maitatangging miss na miss ko ang binata. Hindi ko rin kayang pigilan ang nararamdamang pang-iinit ng katawan. Akmang ipapasok nito ang dila sa loob ng bibig ko ng magulat kami sa tumawag. "

