Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa pinto ng office. Ang malamang tinatanggap ng dalaga ang pinapapadala niyang mga bulaklak para dito, nagpapakilig na sa kaniya. Kasalukuyan siyang narito sa Canada kung saan may business meeting siya. Mayroon din kasi silang company dito. Kailangan niyang manatili ng more than two weeks. Kahit gustong-gusto na niyang makita ang dalaga, kailangan niyang magtiis para tapusin ang business meeting niya rito. Well, kampante naman siyang 'di siya masisingitan ng kahit na sinong lalaki sa buhay ng dalaga dahil alam niyang iba ito sa lahat ng babaing nakilala niya. Hindi nga niya maintindihan, simula ng makilala niya ito nawalan na siyang ganang lumabas para mangbabae. Hindi niya inakalang darating sa punto ng buhay niya na mawawalan siyang pag

