"Wow ma'am! Ang ganda-ganda niyo lalo. Grabi! Napakaamo ng mukha niyo. Para kang mamahaling gamit na manginginig ang sinumang humawak dahil takot silang marumihan o magasgasan ka!" palatak ng baklang umayos sa kaniya. "Napaka-sexy niyo pa ma'am! Mas bagay sainyo ang International model eh, kaysa doctor," dugtong pa nito. Napangiti naman ako ng matamis sa mga papuri nito. "Thank you," simpleng sagot ko. "Grabi, kahit sa pananalita mo eh, napakalambing. Pustahan tayo ma'am, walang binatang hindi nabighani sainyo?" sambit pa nito habang namimilantik ang mga kamay nito. Tumawa na lang ako ng mahina sa tinuran nito. "No need to answer ma'am. Alam ko na ang sagot diyan," nakangiting daldal pa nito habang nakatitig sa akin. "Mas perfect sana ma'am, kung itong isang dress ang isusuot niyo t

